-Jasper's POV-
"JAS?" tawag sakin ni Lorraine habang abala ako sa pagpirma ng ilang mga papeles.
"Dumating na ang kuya mo." she said ng lumingon ako. Her eyes are twinkling at halatang halata na masayang masaya sya.
"Oh. Susunod na ako." simpleng sagot ko na may kasama pang pagtango.
"Bilisan mo." bilin pa nya saka nagmamadali ng lumabas para magtungo sa asawa.
Saglit pa akong natigilan ng tuluyan syang makalabas. Apat na taon na pala. Apat na taon na mula ng mawala sya.
Apat na taon na din mula ng iwan nya ako at pagkaitan ng pagkakataong magpaliwanag. Apat na taon na akong nangungulila kasi bigla na lang syang nawala ng parang bula. At hanggang ngayon, hinahanap ko pa din sya.
Para na nga akong patay na nagtatrabaho. Hindi ko alam kung para saan pa ang lahat ng ito dahil wala namang silbi ang mga ito dahil wala sya sakin.
Wala si Carlene na nag iisang babae sa puso ko. Mapait na napangiti ako sa kawalan saka bumuntong hininga pagkuwa'y itinabi ang mga ginagawa ko saka lumabas na.
Naabutan ko pa si Lorraine na naghahanda ng meryenda sa mga tao sa sala.
"JASPER BUENDIA!!! MAN!!!" halakhak ni Mico na isa sa mga matatagal ko ng kaibigan. "Buhay ka pa!!!" dagdag pa ni tanga.
"Napaka gago mo." pabirong asik ko at sinapak ang braso nya.
"Jasper!!! Jl's here!!!" saway ng oa kong kuya sabay takip sa tenga ng anak nya.
Shit! Nakalimutan ko.
"Peace bro." simpleng sabi ko sabay kuha sa pamangkin ko mula sa kanya.
He is 3 years old already. Kung sana na lang ay hindibako iniwan ni Carlene noon, may pinsan na sana sya ngayon.
"Your spacing out bro." pansin sakin ni Jairus. Isa din sya sa mga highschool buddies ko.
"H-ha?" tanong ko ng matauhan.
"You missed her?" Lorraine asked softly. Nasa mga mata nya ang pag alala at alam kong hanggang ngayon ay sinisisi nya pa din ang sarili nya sa paghihiwalay namin ni Carlene noon.
I missed her... May araw bang hindi?
"Tss... Nasan nga pala si Liam?" I asked instead para maiba ang usapan.
"Ewan ko sa pinsan ko na yon. Ang sabi susunod dito. Baka naiba na naman ang direksyon ng utak----"
"JASPER! TANGINA!! Pare, di ka maniniwala-----"
"WILLIAM!!!!" sabay sabay na sigaw nila.
Speaking of the devil.
"Liam, isa pa ha!!!" iritang sabi ni Lorraine sabay tingin kay JL.
"I'm sorry. I just can't contain....the fuck!"
"WILLIAM!"
Tuluyan na akong natawa kasabay ng paghagikgik ni Jl na karga karga ko pa din.
