Chapter 4: Confrontation

7 2 0
                                    

-Jasper's POV-

Kakapark ko lang ng sasakyan ko sa tapat ng Mcdo kung saan gustong kumain ni JL ng makita kong parang may kaaway si Jairus sa malapit samin.

Kakatapos lang kasi ng monthly checkup ni JL at pinakiusapan ako ni kuya na samahan muna ang mag ina nya. Tamang tama naman na sa ospital nina Mico at nandoon na din si Liam na kasalukuyan namang walang magawa sa buhay.

Tinawagan na lang nila si Jairus at saka inayang kumain at napagkasunduan namang dito na nga kami magkita kita.

"Si insan ba yon?" takang tanong ni Liam na katabi si Mico sa backseat habang kandong ni Lorraine si Jl sa front seat.

"Oo? Pero bakit parang badtrip ang kuya mong boy?" sagot naman ni Mico.

Seriously? So gay!

"Tado ka Jasper ha. Hindi ako bakla!" umismid pa nga sya habang nakatingin sakin.

"Teka? Babae ba ang kaaway nya?" Lorraine asked.

Iiling iling na bumaba kami. Mukhang umiral na naman ang pagiging pikon at mapagpatol ng isang ito.

"ALAM MO!!! IMPOSIBLENG HINDI!!! And really? What is that reckless stunt? Paano kung naka aksidente ka?" nanggagalaiti pang tanong ni Jairus.

"Wala namang nangyari sayo diba? You're alive and breathing. So ano pang inaarte mo?!" naiirita na ding tanong sa kanya ng babae.

Parang familiar sya sakin----

"Jazz?" Lorraine asked.

Natigilan naman yung babae at nilingon kami.

Jazzlyne Raine...

Agad umahon sakin ang pag asa kaya mabilis kong inilibot ang paningin ko hoping to see my angel's face pero wala.... Wala pa din.

"She just left. Makakausap ko na sana sya kung hindi lang ako muntik ng sagasaan ng babaeng ito. And I know she did it on purpose---"

"Why would I do that, Lopez? Sinabi ko na sayong hindi ko sinasadya diba? And what purpose are you talking about? Okay ka lang ba? Puro ka bintang. Umayos ka nga!!! Tangina, parang di ka lalaki ah." bulyaw ni Jazz kay Jairus.

"Ahm? Excuse me, Who's Lopez are you pertaining to? As you can see, dalawa kami dito----"

"Am I talking to you? Ialis mo nga sa harap ko tong pinsan mo, nagsisimula na akong mairita." mataray na sabi ni Jazz kay Liam. Wala pa din talaga syang pagbabago. Noon pa man, blunt at sobra sobra na ang katarayan at kawalan nya ng pakialam sa paligid nya.

" You said na nakaalis na sya... Meaning nandito sya kanina? "nanghihinayang na tanong ko.

Damn.

Kung medyo inagahan ko lang sana...

Kung binilisan ko pa sana naabutan ko sya... Tangina. Nahuli na naman ako.

" Oo. Nakaalis na sya dahil---"

" Guys, wait... Nakakakuha na tayo ng atensyon. Why don't we just get inside and talk like civilised people?" Lorraine interfered.

"Alright. Let's go." Jairus said and held tightly Jazz's arms.

"Fuck? I'm not coming with you. May gagawin pa ko." Jazzlyne tried so hard to break free from Jairus hold.

"I said let's go Jazzlyne!" mariing sabi ni Jairus na punong puno ng pagtitimpi.

Walang ibang nagawa si Jazz kundi ang padabog na sumunod sa kanya. Pakiramdam ko, para akong bumangga sa pader sa exhaustion na nararamdaman ko ngayon.

One Last ChanceWhere stories live. Discover now