-Carlene's POV-
Hanggang ngayon, lutang na lutang pa din ako. Ang sakit ng ulo ko sa totoo lang.
Nakwento na sakin ni Jazz ang confrontation nila sa Mcdo nina Jasper at nabanggit din nyang nasabi nya kay Jasper na may asawa na ako.
Really? Ako? Magkaka asawa? Ei ni hindi pa nga ako nakakamove on sa kanya ei.
Paano na lang pala pag nagkita kami ni Jasper? Sinong asawa ang ihaharap ko sa kanya, samantalang boyfriend nga ei wala ako? Not that I am wanting my path to cross with Jasper. Hanggat maaari nga ay ayoko sana pero hindi naman kasi ako bulag sa posibilidad na magkikita at magkikita pa din kami kahit hindi ko gustuhin.
"Carlene?"
Maang na napatingin ako sa big boss ng firm na pinagtatrabahuhan ko. There I saw Randall Del Mundo curiously looking at me. Isa sya sa malalapit na kaibigan ko.
Actually, bukod kay Bia and Jazz, sya lang ang kaibigan kong maituturing talaga. Silang tatlo ang matatawag kong pamilya talaga.
"Boss." mapaklang sagot ko. Halatang problemado.
Looking at Randall right now, hindi ko lubos maisip na ang estrangherong lalaki na pinaglabasan ko ng sama ng loob ko noon dahil sa sakit na naranasan ko sa pag iwan ni Jasper, pagtakwil ng mga magulang ko at pagbubuntis ko ay magiging kaibigan at amo ko. Not to mention he is my daughter's godfather. He is actually the only heir of the Del Mundo empire and that makes him one of the most sought after business tycoon and bachelor in town.
Sobrang busy nya that makes his appearance oftenly invincible to the public.
"Don't boss me now Carl. How are you?" he asked at may pagtaas pa nga ng kilay.
Wala na kong nagawa kundi ang matamlay na mapabuntong hininga. "Pakiramdam ko magugulo na naman ang buhay ko."
"Bakit naman?"
"Parang lagi kaming pinagtatagpo ni Jasper."
"Duchess father?" he asked.
Tumango ako saka inis na napakamot sa batok. Akmang magsasalita sya ng saka naman kami istorbuhin ng assistant nya.
"Sir Ran, nandito na po ang mga client." Emma said na sabay naming ikinatango ni Randall.
"Let them in." Ran said. Bumalik na sya sa pagiging pormal na akala mo ay walang titibag habang ako naman ei mas minabuting tumayo na lang sa likuran ng kinauupuan nya.
Looking at us right now, para kaming husband and wife sa ayos naming dalawa.
Tatlong mga lalaki ang pumasok with their respective aura of a businessman but what makes me held my breath and stunned was the last man entered in this room.
Parang biglang sumikip at uminit sa opisina ni Randall at pakiramdam ko hihimatayin na lang ako bigla.
Jasper Buendia. In flesh. Proudly and authoritatively standing while staring at me without any hint of emotion on his face.
Fuck.
He is the last person I wanted to see right now.
"Good morning gentlemen." pormal na bati ni Randall sa kanila saka tumayo para makipagkamay at saka ako hinapit sa bewang.
Malamang. Alam nyang tensyunado ako dahil sa sitwasyon ko ngayon. Kilala nya si Jasper dahil pareho silang negosyante at alam na alam din nya kung sino si Jasper sa buhay ko.
"Please meet the lovely lady here. Carlene Saavedra." Randall introduced me to the gentlemen with extra possessiveness na ipagtataka ko sana kung hindi ko lang naramdaman ang marahang pagpisil nya sa bewang ko.
May gusto syang iparating. At gusto nyang makisakay ako.
" I didn't know that you are committed already Mr. Del Mundo." Mr. Saragoza said.
"Well, I am very much a private person. I hate it when others meddle with my life... And my girl here is a private person too."
"Magaling kang pumili hijo." tumatawang sambit naman ni Mr. Salvador.
"Bakit Saavedra pa rin sya at hindi Del Mundo. Kasal na kayo diba?" maangas na tanong ni Jasper na ikinasinghap ko.
Bakit parang galit sya? Kanina pa masama ang tingin nya samin, lalong lalo na sa braso ni Ran na nakapulupot sakin.
"I don't think that is part of your business Buendia?" cool lang na sagot naman ni Ran saka tumikhim. "Let me also introduce to you gentlemen, the head architect and our very own Carl Saavedra---Del Mundo." may diing sambit ni Randall saka idinugtong ang apelyido nya na lihim kong ikinasinghap.
"C-Carl Saavedra? I thought his a guy----"
"Sorry to disappoint you Sir. I just want to be lowkey working lalong lalo na at dala ko ang apelyido ng H-hubby ko. I want to be known based on my ability and capability not because of somebody or anybody else." seryosong sagot ko.
"So it's you? Ikaw ang hahawak ng project?" Jasper asked coldly.
I don't know why pero nasaktan ako sa tono nya. It is as if wala syang tiwala sa kakayahan ko.
"Yes."
"Wala na bang iba?" malamig pa ring tanong nya.
Fuck.
"Marami Mr. Buendia. Hindi nga lang kasing galing ng wifey ko." Randall said.
"Hindi mo ba ako gustong katrabaho Mr. Buendia?" walang emosyong tanong ko. Wala nang pakialam kung makahalata sila. Nakakapikon.
"I did not say that."
"But you were asking kung wala na bang iba. I feel insulted with that!"
"I'm sorry Carlene---"
"Carl. It's Carl for you Mr. Buendia." pagtatama ko. Hindi na sya nagsalita. Bagkus ay muli akong matiim na tinitigan.
"As I was saying, It's not my intention to make you feel insulted. Naninigurado lang." pagkalipas ng ilang saglit at nagsalita sya.
"I'm sorry too but next time Sir, get it straight. Kung ayaw mo sabihin mo. Para wala tayong problema." sagot ko din.
"Excuse me, you two, may nakaraan ba kayong dalawa? Kung magtalo kayo parang may nakaraan kayong di pa naaayos ah. Parang ang bitter nyo pa sa isat isa." nang iintrigang sabi ni Mr. Saragoza na ikinalaki ng mata ko.
Seriously!?
Intrimitido din ang isang ito ah.
" Anong meron? "pagbibiro pa ni Mr. Salvador.
Tahimik lang na nagpalipat lipat ang tingin samin ni Randall na umaarteng nagtataka pero ng magtama naman ang paningin naming dalawa ay nakita ko ang pagniningning non.
" Do you have any unfinished business with each other?" maang maangan pang tanong nya at gusto ko na syang sakalin sa totoo lang.
Puro kalokohan. Lalo na ang nakikita kong kislap ng mga mata nya.
God. Sana naman wag na nyang banggitin to kina Bia at Jazz na mga dakila ring chismosa. Paniguradong mang aasar na naman ang dalawang yon.
"MERON."
"WALA!!"
Sabay pa kaming sumagot ni Jasper. Makahulugang nagtinginan ang tatlo at parang gusto ko na talagang mag walk out. Lintek.
"Wala wifey?" Randall asked secretly teasing me. Gusto ko na talaga syang sakalin.
"Meron Jasper?" tanong naman ni Mr. Salvador kay Jasper..
"Meron Sir." sinamaan ko lang sya ng tingin ng sumagot din sya. Tingnan mo to, mapagpatol din talaga.
Sinagot lang nya ng malamig na tingin ang pagkairita ko hanggang sa ikinumpas ni Mr. Saragoza ang kamay nya.
"Kung wala edi wala. Kung meron edi meron. Let's proceed to business." he said.
Damn.
😘😘😘
