"Totoo ba? Jas?" naghihinanakit na tanong ko sa kanya.
"Anong totoo Carlene?" kunot noong tanong nya.
"Totoo bang ikaw ang tatay ng dinadala ni Loraine?" God please help me pero kasi ayoko ng umiyak ei. Ang sakit sakit na talaga.
"C-Carl----"
"TOTOO BA!??"
Di na sya nagsalita at sa halip ay nag iwas na lang ng tingin sakin.
Damn.
Parang alam ko na to.
"Kelan pa Jasper? Kelan mo pa ko niloloko? Kelan nyo pa ko ginagago?"
I just can't help it anymore. Sunod sunod ng nagsipatakan ang mga luha ko.
"I-im sorry. Pero Carlene kasi...Please. Maniwala ka sakin. Isang beses na pagkakamali lang yon. Lasing kami pareho at----"
"Bullshit!!!! Damn you Jasper. Tangina! Kahit lasing ka, alam mo ang ginagawa mo! Hindi pwedeng hindi so stop giving me that shit!!!"
"Please Carl. Please."
"A....A-ayoko na Jas."
Para syang ipinako sa pwesto nya. Akala ko gagawa sya ng paraan para pigilan ako pero ang masakit, wala man lang syang ginawa o sinabi.
Hindi nya ko pinigilan. Hindi sya kumibo at nakatitig lang sakin.
Nasasaktan man, pinilit ko ang sarali kong magpakatatag at magsimulang humakbang palayo sa kanya.
Oh God!!! Hindi ganito ang inaakala kong mangyayari. Akala ko pipigilan nya ko. Dati kasi, ni halos ayaw nyang makarinig ng hiwalayan saming dalawa...
Pero ngayon, eto. Nawala na ako't lahat sa paningin nya, wala lang sa kanya.
Akala ko ba mahal nya ko? Pero bakit pakiramdam ko ako lang ang inaantay nyang tumapos ng lahat saming dalawa?
Ganon ba yon? Ganon na lang ba yon?
Fuck! Ang sakit sakit.
Awang awa ako sa sarili ko saka napahawak sa impis ng tyan ko.
"This is it baby. Tingin ko, kailangan na nating bitawan ang daddy mo. Mukha kasing nakapili na sya and sad to say, hindi tayo yon. Wag kang mag-alala, aalagaan ka at mamahalin ni mommy. Gagawin ko ang lahat para sayo anak." umiiyak na nilisan ko ang lugar kasabay ng pag iwan ko sa mga alaala ng mga taong nanakit at nang iwan sakin.
