"Sooooo?"tanong ni Crissy habang papunta sila sa school.
"Anung so?" ang agad na sagot ni Andy sabay sip sa kanyang caramel frappe.
"Anung nangyare kahapon? Did you...uh...ask him to be your boyfriend?"
Agad na napabuga ang iniinom ni Andy.
"Crissy!"
"Just asking! You know you don't have much time left." sagot ni Crissy na agad.
"I know. Pero, he seems...."
"....innocent?" dugtong ni Crissy.
"No. He seems...." pagtutuloy ni Andy.
"....geeky?" sagot ulit ni Crissy.
"He seems...strange." ang tapos ni Andy. Hindi parin maalis sakanya ang weird vibes na na fe feel nya kay Jake.
"Strange? duh! of course, strange sya. He's a geek kaya!?" sagot ni Crissy habang umiiling.
"Hindi. Kakaiba talaga eh. Parang kilala ko na sya dati. And kahapon, when we're driving around, he doesn't feel so.... geek... not at all." ang paliwanag ni Andy.
"What do you mean?"
"Basta. He's something different."
"Well speaking of.... here comes the angel."
Sa di kalayuan, natanaw nila ang luxury car ni Jake. Saktong palabas na ang binata sa sasakyan.
"Jake!" sigaw ni Crissy habang kumakaway kaway sa binata. Agad na lumingon si Jake. At kahit si Crissy ang tumawag sa kanya, isang babae lang ang tangi nyang nakita. Isang maliit na ngiti.
"Hello." bati ni Crissy habang hila hila si Andy.
"Hi. Good morning." ang mahinang sagot ng binata.
Tinulak ni Crissy ng bahagya si Andy habang mahinang sinasabi na, 'batiin mo na'.
"Good morning." ang tanging nasabi ni Andy.
"Good morning." ang nahihiyang sagot ni Jake.
"Soooo.. we're thinking of going to the mall after class, you wanna go?" ang agad na yaya ni Crissy.
"Me?"
"Yes you. Tayong tatlo lang naman nina Andy ang nandito. Right?"
"Uhh... Yeah... Uhmm.. Sure. If it's.. if it's okay with.." ang marahan at bulol bulol na sagot ni Jake habang tumitingin kay Andy.
"Of course. It would be nicer to have a guy's opinion right?" ang sagot ni Andy.
Agad na lumipas ang maghapon.
"I can't believe you Cris! Gusto mo na ba talaga ko mamatay sa kahihiyan?"
"Whaaat? Me? Anu na naman ginawa ko Andy!?"
Agad na tumingin si Andy kay Jake na kanina pa di mapakali sa kaaayos ng apple green polo shirt nya with matching shorts and knee high socks. What is he? A kindergarten student?
"Bestfriend, I'm helpng you out. Baka nakakalimutan mo, you only have a week para maging bf yan si Jake. And you're running out of time."
"I know. It's just..."
For the hundredth time, pinagsisisihan ni Andy na nagpadala sya sa mga pang aasar ni Lean. Hindi dahil sa mapapahiya sya sa dare na to, kundi dahil kahit mag succeed sya, at maging bf nga nya si Jake, alam nya eventually na masasaktan nya yung tao sa bandang huli. Hindi kaya ng konsensya nya na makasakit ng isang inosenteng tao ng dahil lang sa mga issues nya sa buhay.
"Uhmmm. Jean. Sorry if nakikialam ako pero..is.. is something bothering you?" marahang tanong ni Jake sa tulalang Andy na kanina pa naka titig sa clubhouse na hawak nya.
"Ha? Yes. Of course. Okay lang ako. But please... don't call me Jean." ang agad na tugon ni Andy.
"Soooo... tell me. Jake, are you somehow related to the Fitch clan from Ireland?" ang tanong ni Crissy.
Agad na nawala ang kulay sa mukha ng binata.
"No." ang matipid nyang sagot.
"Not even third degree cousins? or something?" ang patuloy na pagtatanong ni Crissy.
Napansin ni Andy ang pagtiklop ng kamay ni Jake. Isang gesture na madalas ginagawa nya pag may natatanong sya tungkol sa parents nya. Tiningnan nya ang mukha ni Jake. Kahit natatakpan ng makapal na glasses ang mata nito, alam nya ang mga mata ng taong nangungulila. Nakita nya sa mata ni Jake ang parehong itsura ng mata nya tuwing tumitingin sya sa salamin. Helpless.. Weak.. Unloved... Hurt...
"Uhhh... Crissy would you mind ordering me a ham sandwich. Hindi ko na pala gusto tong clubhouse. Please?"
"Sure. Wait lang ah."
Agad na nawala ang kunot sa noo ni Jake nung umalis si Crissy. At sa di malamang dahilan, kusang gumalaw ang kamay ni Andy.
"I'm sorry." ang sabi nya sa naka tungong binata.
Ramdam na ramdam ni Andy ang panginginig ng kamay ni Jake habang hawak nya ito. Somehow, gumaan ang pakiramdam nya. Nalaman nya na di lang sya ang taong gumagalaw sa mundong kinabibilangan nila na nalulungkot.
"Salamat Jean. I mean.. Andy."
"Okayyy. You can call me Jean. It doesn't matter anyway."
"Oooopsssie. Am I missing something?" biglang paglabas ni Crissy na hawak hawak ang ham sandwich ni Andy. Agad na inalis ni Andy ang pagkakahawka nya sa kamay ni Jake.
"Shut up. Let's go home na. I'm tired." ang depensa ni Andy.
"Oh sorry Andy pero I asked my driver to pick me up kasi may dadaanan pa ko sa botique namin. It's something I asked them to costumize. So I guess it's just you two."
"Okay." ang agad na sagot ni Andy.
"Ooookay? You mean?"
"Okay I mean okay. Sure go ahead." ang paliwanag ni Andy.
"Sure ka di ka galit? Di mo ko sisigawan about leaving you and trying to kill you with humiliation?" ang mahinang tanong ni Crissy.
"No. I think, he's a nice man."
-------------------------------------------------------------------------------------
Soooo... something in common?
What can I say, I love makking you guys wait. <3 ttyl loviesss.
BINABASA MO ANG
Change Me In A Bet
RomanceMadami ang nagtataka kung bakit ibang iba si Andy sa mga katulad nyang anak mayaman. Bukod sa hindi sya ganun ka galing sa pakikipag socialize sa tao, wala pa rin nakakakita sa kanya na makipag close sa mga katulad nyang mga 'alta sa syudad'. Pero d...