So this is the part 2 :) ENjoy xx
--------------------------------------------------------------
"Hi." ang bati ni Andy sa katabi. Sa ayaw at sa gusto nya, kelangan nya ituloy ang pustahan. Hindi sya pwedeng matalo ni Lean.
"A...ako ba yung kinakausap mo?" ang sagot ng lalaki na nalaman nya na Jake Angelo Fitch pala ang pangalan. Tumango si Andy sabay bigay ng isang matamis na ngiti sa binata. Agad na natulala si Jake at di nya namalayan na nabitawan nya ang book na hawak hawak nya. Agad na nagtinginan ang lahat sa kinauupuan nilang dalawa.
"So...sorry!" ang sigaw ni Jake na biglang napatayo sa lakas ng pagkakabagsak ng libro nya. Nagtawanan lahat kahit ang teacher nila sa harapan.
Pinulot ni Andy ang libro sa sahig at iniabot kay Jake na ngayon ay naka yuko na naman at parang gusto ng sumuot sa backpack na hawak hawak nya.
"Relax ka lang. Hindi naman ako nangangagat. Ako nga pala si Andrea. But you can call me Andy."
Iniabot ni Andy ang kamay nya kay Jake. Tiningnan muna nya ito bago iabot din ang sariling kamay.
"Jake." sagot ng binata na ngayon ay may maliit na ngiti sa labi.
"Hunger Games. I love that book." sabi ni Andy na sinusubukan magsimula ng isang matinong usapan.
"Talaga?" tanong ni Jake na ngayon ay nakatingin na ng deretso kay Andy. Tumango si Andy at ngumiti ulit kay Jake. SInuklian naman siya ng ngiti nito.
'Mukhang mabait naman sya.' bulong ni Andy sa sarili. Tinitigan nya ang lalaki at agad itong yumuko.
"Parang nakita na kita dati."
"H...ha?"
"Parang pamilyar ang mukha mo."
Pinilit isipin ni Andy kung saan nga ba nya nakita si Jake. Pakiramdam nya talaga nakita na nya ito dati. Hindi nya lang alam kung saan. Maya maya pa agad na nag ring ang bell. Hudyat na tapos na ang mga klase.
Agad na tumayo si Andy para puntahan si Crissy ng biglang....
"Ahhhhh!"
Dahan dahan bumagsak si Andy. At ng handa na nyang maramdaman ang sakit mula sa pagkakabagsak, may mga kamay na sumalo sakanya.
"Ayos ka lang ba Jean?"
Minulat nya ang mga mata nya at nakita nya na hawak hawak sya ni Jake. Agad syang itinayo nito.
"Hindi magandang biro yun ah. Bakit mo siya pinatid? Panu kung nasaktan sya?" tanong ni Jake sa isang kaklase namin na ngayon ay sigurado na ko na captain ng basketball team.
"Bakit? Anung pakealam mo nerd boy? May magagawa ka ba? ha? ha?" ang sagot nito habang patuloy na tinutulak tulak si Jake.
"Tigilan mo nga si Jake. At pwede ba, next time na papatirin mo ko, siguraduhin mo na masasaktan ako ah. Kasi napapahiya ka masyado e." ang pagtatanggol ni Andy sabay hila kay Jake palabas ng classroom. Nakasalubong na nila si Crissy sa may pintuan.
"Anung problema ni Peter?" tanong ni Andy.
"Bitterness." sagot ni Crissy habang umiiling.
Last year kasi, sinubukan ni Peter yayain si Andy sa junior prom nila. At dahil si Andy, bilang si Andy, tinanggihan nya ito. Mukhang nasaktan ang ego nung unggoy kaya ayan, galit galitan ang drama.
"Uhh... thank you nga pala ah." baling ni Andy kay Jake na ngayon ay sumusunod na lang sa likuran nila.
"Wala naman ako nagawa eh."
"Anung wala? I almost fell. Kung di dahil sayo baka naka lips to lips ko na yung floor."
Nagtawanan silang tatlo habang papunta sa school's parking lot.
"Are you kidding me? This is your car!?" sigaw ni Andy habang tinuturo ang sasakyan na tinigilan ni Jake.
"Uhmmm... Oo." ang nahihiyang sagot ni Jake.
"Oh God! Tell me na nananaghinip ako! Black Lamborghini Reventon O_O" sigaw ni Crissy.
"Uhmmm gusto nyong i try?" tanong ni Jake.
"Sigurado ka?" sabay na sagot ng dalawa.
"Kaso 2 seater lang. I can't take... both of you."
"Sige next time nalang ako. May lakad parin ako e. Bye." sagot ni Crissy sabay kindat sa kaibigan.
"Te..teka! Crissy! Crissy! ugh.."
Isang minuto ng awkawrd silence.
"Uhhhh.... Ehhhh...."ang di mapakaling sabi ni Jake.
"Uhmm kung may gagawin kang iba pwede naman next time na lang." ang sagot ni Andy na di mapakali dahilsa uncomfortable na titig na binibigay sakanya ni Jake.
"Hindi... O..okay lang. Eto oh."
Tinitigan ni Andy ang susi na nasa kamay ng binata.
"You're letting me drive?"
"Uh.. Ehh.. Okay lang naman kung pagod ka ako na lang ang mag ddrive. Akala ko kasi like mo ma experience i drive." kinakabahang sagot ni Jake.
"Sure ka? Papayag kang i drive ko to?"
Tumango lang si Jake sabay abot ng susi.
"Let's go?" tanong ni Andy. Sinagot lang sya ng isang mahinhin na tango ng binata.
Agad na nagpunta si Andy malapit sa driver's side. Bubuksan na nya sana ang pinto ng biglang unahan siya ni Jake sa pagbukas nito.
"Thanks." ang tangi nyang sinabi.
Pero sa sandaling yun, isang kakaibang ngiti ang binigay sakanya ni Jake. Hindi yung madalas na nahihiya at kinakabahan na ngiti nya. Hindi maipaliwanag ni Andy kung anu yon. Basta ang alam nya, may kakaiba talaga kay Jake. Nung ngumiti sya, sandali nyang nakalimutan na isang geek slash weirdo ang nasa harapan nya.
Napatigil sya sa pagiisip ng biglang sumarado ang pinto sa passenger seat.
"Seatbelt."
Kinuha ni Jake ang belt mula sa kaliwa ni Andy. At sa di maipaliwanag na dahilan, parang biglang tumigil ang pag hinga ni Andy. Naamoy nya ang pabango nito. Something spicy and strong. Katulad ng amoy ng daddy nya. Isang amoy na talagang sobra nyang na miss.
"Okay ka lang?" ang marahang tanong ni Jake.
"Uhh.. Oo. Sorry ah. Na gulat lang talaga ko na pumayag kang i drive ko to."
"I trust you."
Napatingin si Andy kay Jake na sa ngayon ay inaayos na rin ang sarili nyang seatbelt.
Kanina lang, isa syang tahimik at halos di makagalaw. Pero ngayon, kahit suot suot parin nya ang mga old fashioned clothes at ang makapal nyang rimmed glasses, mararamdaman mo sa kilos at salita nya na nag iba sya.
WEIRD.
"Shall we go?" ang tanong ni Jake. Bahagyang nagulat si Andy, di nya namalayan na kanina pa pala sya tulala at nakatitig kay Jake.
"Uhh. Sure."
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
NERDY JAKE on the right side------->
Aren't he the cutest?
First encounter of Andy and Jake. Do you feel the strange something in the air?
Tell me how are you liking the plot so far. Comment, suggestions are very much welcome.
xx
BINABASA MO ANG
Change Me In A Bet
RomanceMadami ang nagtataka kung bakit ibang iba si Andy sa mga katulad nyang anak mayaman. Bukod sa hindi sya ganun ka galing sa pakikipag socialize sa tao, wala pa rin nakakakita sa kanya na makipag close sa mga katulad nyang mga 'alta sa syudad'. Pero d...