42

13 1 0
                                    

I was squeezing to my stress ball staring at my wall.

Last week I celebrated my birthday, I started to realized many things. Napag-iiwanan na ako.

Unti-unti nang bumubuo ng pamilya ang mga kaibigan ko, yung iba ikakasal na at yung iba naman ay may mga karelasyon na.

Nauna pang magka-pamilya at magka-anak ang dalawang kaibigan ko na akala ko hindi tatablan ng pag-ibig, masiyado kasi nilang hinamon kaya mas malala pa ang sinapit nila kesa sa'kin.

Habang ako? My routine was just to wake up, go to my clinic, dance, and after that I'll go to the club or hang out with my friends.

Sa pitong taon na nawala si Daddy, kinasal na ang ina ko sa kasintahan niya at nagkaroon sila ng isang anak.

Pilit naman akong inaabot ng ina ko, pero pilit 'din akong lumalayo sakanya. Masakit parin ang lahat, dahil sa pitong taon ay sinisisi ko parin ang sarili ko kung bakit hindi kami nagkaayos ni Daddy bago siya mawala.

Ang mga mana na iniwan sa'kin ni Daddy ay pinamigay ko sa mga charity. Lahat ng pera na 'yon ay talagang pinaghirapan ni Daddy at hindi nanggaling sa maduming gawain.

Hanggang ngayon, hindi parin nakukuha ni Daddy ang hustisya na para sakanya. Ang mas masakit pa 'don ay hindi na 'rin umuusad ang kaso niya. 

Walong taon na 'rin akong walang balita sakanya, mapait akong napangiti. Siguro may pamilya na 'rin siya?

Nagkatuluyan na ba sila ni Faye?

Ano kaya ang pakiramdam na mahal ka ng isang Trent? Ano kaya ang pakiramdam na ikakasal ka sa taong mahal na mahal ka ng sobra?

Walong taon na pero ramdam ko parin ang mga halik niya sa tuwing pipikit ako...

Wala na 'rin kasi akong balita kay Pax, galit 'din ako sakanya... pero yung galit na 'yon ay normal lang na maramdaman ko dahil kaibigan ko 'din siya. I was disappointed.

"Maam Kait, nandito po si sir Basti at maam Yesha."

Napatigil ako sa pagkatulala ng marinig ko ang sinabi ng tauhan ko dito sa clinic, dali-dali naman akong bumaling sakanya at sa likod niya ay nandoon nga ang dalawang kaibigan ko.

Napatayo ako sa kinauupuan ko ng makita ko sila. How lovely couple they are, I can see how happy they are.

Before they made that genuine smile on their faces they've faces many challenges. Parehas nilang nasaktan ang isa't-isa pero lumamang ang pagmamahalan nila.

"Busy ka?" Yesha said sarcastically.

She's pregnant with their second child and it's a girl. Buti naman napagbigyan si Bastion sa babaeng anak na gusto niya.

Tinapunan ko siya ng seryosong tingin.

"Anong kailangan niyo?" inis kong tanong.

Napatingin siya sa fiance niya na hawak-hawak si Raz, ang unang anak nila.

"Mainit yata ulo ng Doc natin, Bas."

Her fiance shrugged his shoulders while laughing. "Naisturbo yata natin ang pagmumuni-muni niya." Natatawa niyang sabi.

I rolled my eyes and walked towards them, agad ko namang kinuha si Raz sa mga braso ni Basti.

Agad namang hinawakan ni Raz ang buhok ko at pinaghihila 'yon, nagtawanan naman ang mga magulang niya ng makita nila ang ginawa ng anak nila.

"Mag-asawa ka na daw ninang." Panunuyang sabi ni Yesha, kaya tinapunan ko siya ng tingin habang nasa mukha ko ang kamay ni Raz na merong laway.

"Balak yata maging matandang dalaga." Singit naman ni Basti.

City of Love Series #2: Two Shadows ConflatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon