CHAPTER 1

875 59 0
                                    

CHAPTER 1




First




"Please take care Calli, magiingat ka sa daan.."




I slowly nodded to her. Nangako si Ate na hindi niya ako ibubuking na umalis ako ngayong gabi.




"Hindi kita maiihahatid, baka makahalata sina mama na wala tayong pareho.." dagdag pa ni Ate.





Umiling ako sa kanya para wala na siyang dapat ipagalala pa. It's alright. "Ayos lang Ate, I understand..sapat na itong ginawa mong pagpayag sa aking umalis."





She sighed again before she nodded.





"Go ahead, magiingat ka sa daan..bilis na..baka maabutan tayo ni mama na naguusap..masisira ang plano mong umalis..." pagpapalis niya sa akin.




"Okay.."




Mabilis na akong tumalikod palabas. Hindi ko na sinayang ang oras. Hindi ako magapahatid dahil walang maghahatid. Wala akong pwedeng utusan para magapahatid dahil hindi maari baka malaman nila. Hindi ko pwedeng gambalain si Ate tungkol dito para sa iakakabuti naming pareho. Pagkalabas ko ay saktong sakto na may dumaang taxi sa harapan ko. Pinara ko kaagad iyon.





"Sa CRR restaurant po.." mabilis kong sabi sa driver nang makapasok na ako sa loob.




"Sige po ma'am..." tugon nito.




Sumandal ako. Huminga ako ng malalim at dahan dahang pumikit. Naramdaman kong nagsiunahang tumulo yung luha ko. Hindi ko mapigilan. Sobrang sakit ng dibdib ko. Hindi kona alam ang gagawin ko kapag narinig kona ang explanation 'niya tungkol sa mga litrato na iyon.




Sana guni guni ko lang lahat ang nakita ko. Sana hindi iyon totoo. Umaasa akong hindi iyo totoo para may pagasa pang mapatawad ko siya. Kaya ko siyang tanggapin ulit sa kabila ng ginawa niya kung hindi niya iyon ginusto lahat at sinasadyang mangyari kong ano man ang nangyari sa loob ng sasakyan. Sana aksidente lang yun.




Sana. Sana. Sana.




Pumikit ako ng mariin. Pinigilan kong huwag humikbi, I tried. Pero halos hindi ako makahinga.





Napatigil ako nang biglang tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Pinunasan ako muna ang luha ko saka ko kinapa ang cellphone na nasa loob ng bulsa ng hoodie ko.




Napatulala at mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko nang makitang si Vince iyong tumawag. Tumingala ako pagkatapos ay kumawala ng mabigat na hininga saka ko sinagot.





I answered the call.





"Calli...."





Iyon ang bungad sakin galing sa kanya. Halos bulong iyon. Kakaiba. Hindi ako sanay na tinawag niya ako sa pangalan ko gamit ang ganong uri ng boses. Naninibaguhan ako sa kanya parang nagpapahiwatig na may mali talagang nangyari. There's really something wrong here.




Kinakabahan ako ng sobra. Kahit hindi pa siya nagsimulang magsalita. Kumalabog na ng sobrang lakas ang dibdib ko.




"Vince..." I responded.





Being The Bad Boy's Tutor (TEEN SERIES #2)ONGOINGWhere stories live. Discover now