CHAPTER 13
Fault
Maayos naman ang sunod na klase ko dahil wala ang katabi ko. Hindi ko alam kong nasaan 'yun, baka umabsent. Mas mabuti na rin 'yun para wala ng distrubo sakin. Makakapag-focus ako sa pakikinig.
Hahays bakit ba kasi ako napunta sa sitwasyong ito. Nakilala ko pa ang dalawang hassle na magkapatid. Parehong matitigas ang ulo at barumbado pa. Alam kong may kasalanan din ako at may dapat akong panagunatan. Ako naman 'yung nangako kay Lola kaya dapat ko itong gampanan para hindi siya maging dismiyado sa'kin.
"Sasama kaba sa amin mamaya?" naputol ang pagiisip ko nang biglang may lumapit sa aking tabi kung saan ang upuan si Stevan.
Bumaling ako kay Milli na nakatingin na sa akin. "Saan?" tanong ko.
"Sa lugar namin palagi kaming pumupunta 'dun kapag uwian."
"Parang hindi ako pwede mamaya eh. May gagawin ako, importante." Huminga ako ng malalim. " Sayang gusto ko sanang sumama pero di talaga pwede."
Bigla niya akong tinampal sa braso kaya napatingin ako sa kanya. "Anukaba! marami pa namang next time kong hindi ka pa pwede ngayun. We'll just wait until you have free time. Okay? Unahin mo muna 'yan importante naman pala e." Ngumiti siya sakin.
"Dapat talaga kanina pa 'tong tanghali pero hindi natuloy dahil nga 'dun sa nangyari kanina." bumuga ulit ako ng malalim na hininga habang inisip ang nangyari kanina. Biglang lumabas sa isipan ko ang mukha ni Prescott habang sinasabi ko sa kanya ang mga nasabi ko kanina. Nasaktan kaya siya sa mga salitang binabato ko?
"I know girl but don't worry dapat ngang kami ang magpasalamat sayo eh for saving us. Malaking tulong na rin iyon sa amin lalo na sa mga kagaya naming binubully niya."
"Matagal na ba kayong tinatratong ganyan dito? 'bat di kayo magsumbong sa mga magulang niyo pata matigil na ang lokohang 'to." suhestiyon ko kay Milli. "Bata lang 'yun, dapat nga kayo ang nirerespeto hindi sila."
"'Yun nga ang problema Calli. Kahit alam nilang mas matanda kami, parang wala lang naman sa kanila at least magawa lang nila ang ikakasaya nila. They're just so immature, kaya hinayaan nalang namin at pilit na inintindi kahit malala na." sambit niya.
Napatulala ako sa sinabi niya at mahinang napailing. "That's so reasonless, Milli."
"I know, pero hayaan mo na lang. Magbabago din 'yun kapag makarealize na sa mga pinangagawa nila."
"Yeah." sabi ko nalang kahit may gusto pa sana akong idagdag na sabihin.
Naging maayos ang sunod na klase ko. Mabuti nalang at nawala din sa isip ko ang nangyari kanina dahil sa mga activities na gagawin namin. Sa tuwing gusto kong makinig ng maayos kay Maam Alex ay hindi ko magawa dahil bumabagabag pa rin sa isipan ko ang reaksyon ni Prescott kanina. Hindi matanggal-tanggal sa isipan ko. Gusto ko na sanang kurutin ang sarili ko para naman umayos pero di'ko ginawa.
"Hindi ka talaga sasama sa amin, Calli? Baka pwede bang magbago ang isip mo?" sabi sa akin ni Georgianne nang makalabas na kami sa classroom. Oras na para uwian.
Umiling ako. "Hindi talaga, pasensya na. Next time nalang ha?"
"Hays, we don't have any choice but to say yes. We want you to hung out with us but you can't. We understand." sabi ni Yuna na nakangiti sa akin ngayon.
Tumango ako at saka nginitian rin siya pabalik bago ako nagsalita. "Sige na guys, kailangan ko nang umalis. Magiingat kayo ha, bye!" paalam ko sa kanila bago ko sila tinalikuran para magsimula ng maglakad para umalis. Matamlay ang bawat hakbang ko, at sa tuwing humahakbang ako ay bumubuga ako ng hininga. Hindi ko alam kong paano ko sisimulan ang gagawin ko. Mas lalo akong nahirapan dahil sa naging pangyayari kanina.
Ugh! It's his damn fault not mine. Ako pa 'yung nakaramdan ng pagkaguilty sa mga nasabi ko imbes na siya naman ang dapat. I don't really understand myself why I'm feeling this way. This is so wrong, incredible self. Nasa parte ko na sana hindi ko nalang iyon ginawa at sinabi sa kanya nakita ko kasi na may dumaang sakit sa mga mata niya pero hindi ko pinansin dahil nagpadala ako sa inis ko. Pero bagay rin naman 'yun sa kanya e! Bahala na nga.
Sa halip na hanapin ang classroom ni Prescott dumiretso nalang ako sa gate. Tatawagan ko nalang si mama para magtanong kong sino ang susundo sa'kin. Alam kong wala pa si Papa sa bahay pati na rin si Ate. Si Mama naman nasa bahay lang but she doesn't know how to drive a car. One time I suggest her practice how to drive but she refused. It's not a big deal for me but sometimes I want her to learn how to do it so she can finally go anywhere without looking for someone who can drive her.
"Is she the girl who confronted Prescott earlier? I can't believe her she can do that! She's so awesome!" I heard someone whispering. I looked around and I saw a girl behind me. When I caught her looking at me she immediately averted her gaze.
"Yeah, siya nga 'yun! First time kong makita na may kumausap kay Prescott sa ganoong paraan. Ang tapang niya, kung ako siguro nasa posisyon niya hihimatayin na ako."
"Baka katapusan na nga ng buhay ko, eh." then they both laughed after that.
"Seryoso, I want her to be my friend. I'm admiring her for doing that! I can't help but to admire her. I'm jelous, she can easily faced Prescott like he's just nothing." narinig kong sabi ng babaeng nahuli kong nakatingin sa akin kanina.
"It's my first time seeing her here in school. Is she a transferee?"
"Yeah, 'yun ang dinig ko. Grade 11 student ata. I'm not sure, hindi naman ako chismosa."
Imbes na pakinggan pa ang usapan nila tungkol sa akin ay nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at mas lalo pa itong binilisan. Hindi talaga ako makapaniwala na wala pang taong gumawa gaya ng ginawa ko. Ay oo nga naman sino ba naman ang may kayang gumawa sa ginawa ko, kung siguro sila ang nasa sitwasyon ko kanina ewan ko nalang baka himatayin na sa kilig lalo na sa parteng nag-akala siyang hahalikan ko siya. Asa siya, mangarap nalang siya.
Tsaka 'bat parang gusto niya rin naman? Kung ayaw niya naman sa ginawa ko kanina ay dapat tinulak niya na ako o baka ay siya na ang lalayo palayo sa akin. Nakakapagtaka kong bakit hindi man lang siya gumalaw. Hays, ewan ko. Feeling hari ang isang 'yun. Akala ko pa naman wala 'yung binubully at puro babae lang ang iniisip hindi pala. Mali pala ako.
Pinapangako ko hanggat nandito pa ako sa mundo at magkalapit lang kami sa isat isa ng direksyon hindi ko siya tatantanan hanggat hindi siya matututo kung paano maging mabuti.
"Hey, wanna ride?"
_______________________________________________
Author's Note: If you liked this chapter, please consider giving it a vote. Thank you! don't forget to leave a comment also.
YOU ARE READING
Being The Bad Boy's Tutor (TEEN SERIES #2)ONGOING
Teen FictionShe had a secret boyfriend. But her boyfriend cheated on her. Sa isang gabi nagsimulang magbago ang lahat. Pagising nalang niya nasa pinakaayawan niyang lugar na siya nakatira. Nalimutan niya ang lahat dahil sa aksidenteng nangyari sa gabing 'iyon...