PROLOGUE
"Mama naman, kailangan ko pa bang pumunta sa probinsya?"
"No buts, but yes, para naman magtino ka."
Nagmaktol pa ako ng pang ilang beses hanggang sa makaramdam rin nang pagod. Umupo nalang ako sa couch. I crossed my arms. Matino naman ako 'ah. Hindi lang talaga sila marunong makakisalamuha ng tao.
"Mama! I don't want to go there! Please!"
Iniisip ko pa lang ang kalagayan ko habang nasa sa probinsya. Naawa na ako sa sarili ko.
"Whatever you say Calli, pupunta at pupunta ka doon. Maliwanag ba?" Si Mama na binaliwala lang ang pagmamakaawa ko sa kanya.
"Pakiliwanag sa akin Ma, hindi ko naiintindihan." tumawa ako. Pinukulan agad ako ng masamang tingin ni Mama bago pa man niya ako bulyawan ay agad na akong tumakbo papuntang kwarto.
Kainis! Ayaw ko ang amoy doon, naala ko pa nung bata ako. Bumisita kami doon dahil vacation namin. I mad at that time, I thought kasi sa ibang lugar kami magbabakasyon o sa ibang bansa. I didn't expect na sa probinsya kami magbabakasyon. Dahil sa inis ko naglayas ako sa bahay namin sa probinsya. Kaya ayun naligaw, hapon na kasi sa oras na iyon kaya diko na masayadong maaninag ang dinadaanan ko kaya nung bigla akong napatid bigla akong napalangoy sa tsokolateng swimming pool kasabay ang kalabaw. Sobrang baho! And I swear at that time. I'll never ever go to that place again!
Mabuti nalang at may masungit na tumulong sa akin. Labag pa sa kalooban niyang tulungan ako. Halatang napilitan. I can't remember his face anymore. Ilang taon na rin ang lumipas. I don't know if he's still not forgotten me. Basta ang alam ko sobrang sungit niya. Ubod ng sungit!
Nagulat ako dahil biglang tumunog yung cellphone ko sa study table. Kinuha ko 'yun kaagad at sinagot.
"Oh?"
"Calli! Look at those pics! parang si Vince yung nasa picture!" nagmamadaling bungad ni Taki sa kabilang linya. Narinig ko pa ang mabibigat niyang paghinga.
I rolled my eyes.
"Can you please calm down Taki? ang ingay mo. Bakit ano ba 'yon?" walang ganang tanong ko sa kanya habang tinitingan ang mukha sa salamin.
Suminghap siya. "Tingnan mo kasi yung mga pictures!" Inis niya nang sambit.
"Saan ko naman titingnan? sa kawalan?"
"Ugh! Common sense Calli, syempre sa messenger ano ba 'yan!" reklamo niya.
"Hindi mo naman agad sinabi,"
"Stop talking nonsense Calli, just do it. I felt so nervous."
"Why?"
"If you want to know, gawin mo nalang yung sinabi ko." nahimigan ko ang pagkaseryoso sa boses niya. Tinawanan ko lang siya. Sobrang seryoso naman ng babaeng 'to.
"Wag kang tumawa, ewan ko nalang kong may gana kapa bang tumawa kapag nakita mo na yung mga litrato."
"What is it then? Anong meron doon?"
"Letse ka talaga! Ilang beses ko bang uulit ulitin sayo, pumunta ka sa messenger now na!" She really annoyed at this time.
Suminghap ako at pinaikot ulit ang mata. Ginawa ko ang sinabi niya. Pumunta ako sa messenger. I click Taki's name at bumungad sa akin ang apat na picture na sinend niya sa akin.
YOU ARE READING
Being The Bad Boy's Tutor (TEEN SERIES #2)ONGOING
Teen FictionShe had a secret boyfriend. But her boyfriend cheated on her. Sa isang gabi nagsimulang magbago ang lahat. Pagising nalang niya nasa pinakaayawan niyang lugar na siya nakatira. Nalimutan niya ang lahat dahil sa aksidenteng nangyari sa gabing 'iyon...