CHAPTER 9

330 39 0
                                    

CHAPTER 9


Ready




Tila hindi rin makapaniwala sina Mama sa naging desisyon ko. Nagkabit lang ako ng balikat sa kanila at hindi matanggal ang ngiti. Masyado na akong excited.





"Sigurado kana bang okay kana?" si ate nasa loob kami ng kwarto ko ngayon.




Pinaikot ko ang mata ko. "Oo naman ate, okay na okay na ako..." pagmamayabang ko pa sabay taas ng kilay pagkatapos ay tumawa.




"Tsk, siguraduhin mo lang ha.."




"Wala ka bang tiwala sa kapatid mo?" I pouted. Nakita ko namang sinamaan niya ako ng tingin sabay pitik sa ilong ko. Agad akong napaatras sa kanya at sinamangutan siya sa ginawa.





"Sadista mo ate.." reklamo ko sa kanya.




"Hindi no'.." pagtanggi naman niya dahilan para mas lalo akong mapanguso.




"Eh, ano yang ginawa mo?"



"Pinitik ka.." simpleng sagot niya. "Huwag kang magiba ng usapan, sagutin mona ang tanong ko..."



"Sinagot kona kaya 'yung tanong mo.."



Nginiwian niya naman ulit ako.



"Parang nag-iba ata ang ihip ng panahon, may nangyari ba?"



"W-wala naman..." pagsisinugaling ko sabay iwas ng tingin. Hinawakan niya ng mariin ang kamay ko para maiharap pabalik sa kanya ang aking tingin. Tinaasan niya ako ng kilay at parang hindi nabenta o naniwala sa sinabi ko.




"Yung mga mata mo halatang meron.." pagpupumilit niya agad akong umiling at nilabanan ang malalim na titig niya sa akin para lang maniwala siya sa sinabi ko.




Ayaw ko nang tanungin tungkol sa nangyari. Baka mainis lang ako.




Huminga ako nang malalim.




"Wala nga talaga ate, promise. Gusto ko nang magaral kahit wala naman akong maalala na nagaral ako dati. Gusto ko lang ulit maranasan iyon.." malungkot akong ngumiti sa kanya. Nakita ko ang pagdaan ng sakit at poot sa mukha ni Ate Sieze.



He sighed. "I'm sorry Calli, I'm sorry.." paulit-ulit niyang sabi sa akin mabilis akong umiling para sabihing wala siyang kasalanan. Kahit hindi ko naman talaga maalala ang mga nangyari. Naramdaman ko naman na walang kasalanan at kinalaman si Ate doon. Nakakasiguro ako dyan.



Bigla akong napaisip. Bigla nalang pumasok sa isipan ko ngayun. "Ate may tanong lang ako.."



"Ano 'yun Calli?"



"May minahal naba ako?" kuryuso kong tanong sa kanya habang seryoso siyang tiningnan. Napansin ako ang bahagyang pagkabigla niya sa tanong ko at nagiwas nalang ng tingin. Yumuko siya dahilan para mas lalo akong magtaka.




"Ate?"




"Wala, Calli..wala.." parang hirap na hirap pang bigkasin ni Ate ang mga salitang iyon. "Huwag na tayong magusap tungkol dyan baka sasakit na naman ang ulo mo at maginit na naman 'yan, ayaw ko pa naman. Ako ang mahihirapan at masasaktan, eh.." pag-amin niya.




Tumango nalang din ako at nginitian siya.




"Basta Calli, no boyfriend muna, okay?" paalala niya sa akin.




Being The Bad Boy's Tutor (TEEN SERIES #2)ONGOINGWhere stories live. Discover now