CHAPTER 10
First Day
Pagdating namin ni Papa sa campus ay dumiretso kami papuntang Principal's Office. May mga ilang tanong ang ibinigay sa akin ng principal na si Mrs. Llano. Sinagot ko naman ng maayos ang lahat na mga tanong niya. Natapos rin naman kami kaagad pagkatapos ay sinabi kong saang classroom ako.
"Magaral ka nang mabuti dito, Calli. Huwag kang maghahanap ng away o masangkot man sa anumang gulo. Maliwanag ba?" paalala sa akin ni Papa.
Tumago ako ng mabilis. "Okay pa! Saka hindi naman ako mahilig maghanap ng away 'no. Good girl kaya itong bunso mo." tumawa ako.
Natawa din si Papa sa sinabi ko bago tinapik ang braso ko. "Siguraduhin mo lang Callirrhoe.."
"Aalis na po ba kayo?" tanong ko kay Papa.
Naglakad kami pabalik sa parking lot. Sumama naman ako kay Papa para ihatid siya papunta doon. Napansin ko ang pagtingin sa amin ng mga estudyante. Halata sa mga mata nila na kuryuso kong sino kami. Ngumiti ako sa bawat estudyanteng nahuhuli kong mapatitig sa akin. Nahihiya rin naman silang ngumiti pabalik.
"Ayaw mo bang umalis ako, anak? Gusto mo ba ng kasama, hmm?" tanong ni Papa. "Hindi ka ba komportable sa bago mong paaralan, anak?"
Umiling naman ako bago nagsalita. "Maganda po ang paaralang ito, nagustuhan ko po tsaka ayos lang po ako dito. Nagtatanong lang ako, pa." sambit ko sa kanya.
"Tawagan mo lang ako kung sakaling may problema ka, okay?" bilin ni Papa.
Tumango ako ulit sa bilin niya. Niyakap ko si Papa ng mahigpit. Napapikit ako at dinamdam ang pagyakap sa akin pabalik ni Papa. I smiled. Mayamaya ay kumalas na ako sa yakap.
"Sige na, pa. Mauna na po kayo. Baka may importante pa po kayong lakad baka mahuli na kayo.." nagalalang sabi ko at sumulyap sa palagid.
Masaya rin naman ako dahil si Papa ang naghatid sa akin papunta rito sa bagong papasukan ko. Si Papa talaga ang may kagustuhan nito kahit may driver namin kami.
Tumango si Papa sa akin at tumingin sa kanyang relo bago bumaling ulit sa akin. "Kailangan ko nang umalis, anak. May appointment pa akong pupuntahan. Ayos lang ba talagang iwan kitang magisa dito, anak?" paninigurado naman ni Papa.
Napanguso ako dahil doon. "Oo naman, pa! Hindi na naman ako bata para samahan hanggang dito at bantayan. Malaki na po ako, kaya ko na po ang sarili ko." I assured my father. He smiled and nodded bago tumulak na paalis.
Kumawala ako ng mabigat na hininga. At wala sa sariling tumingala habang ang mga mata'y nakapikit.
Sana magiging maayos ang unang araw 'ko.
"What a destiny.."
Napamulat ako nang may biglang nagsalita sa harapan ko. Agad uminit ang ulo ko nang makita ko kung sino ito.
"Tsk." Iyon lang ang tanging sinabi ko bago siya tinalikuran at hindi na siya pinansin.
Kakasabi ko lang na sana magiging maayos ang araw ko, parang malabo tuloy mangyari 'yun! Kainis, ang pangit ng bungad ng umaga ko 'dito!
"Hey, princess! Wala bang good morning 'dyan? Well, welcome sa new school mo!" narinig kong sigaw niya sa likod ko. Sumunod pala ang mokong ko sa akin.
YOU ARE READING
Being The Bad Boy's Tutor (TEEN SERIES #2)ONGOING
Teen FictionShe had a secret boyfriend. But her boyfriend cheated on her. Sa isang gabi nagsimulang magbago ang lahat. Pagising nalang niya nasa pinakaayawan niyang lugar na siya nakatira. Nalimutan niya ang lahat dahil sa aksidenteng nangyari sa gabing 'iyon...