Naiiling na ininom ko ang laman ng shot glass na inorder ko. It was a strong one but taste so good!
"Another one." I ordered to a good-looking bartender.
Tumaas ang dalawang kilay nito habang nagpupunas ng baso, "That's your 13th order, aren't you tipsy yet? I mean the drink that you'd been ordering is stron—"
"I said another one and I'm still in my straight mind to order." walang gana kong sagot.
I heard him sigh before grabbing the glass from me, "You're reminding me of someone who can drink a lot. I miss her shouting at me to order a margarita."
Bigla naalala ko ang kaibigan sa sinabi nitong margarita. "Sariya loves margarita a lot." wala sa sarili nagbaba ako ng tingin.
"You knew Sariya?"
Tumaas ang isang kilay ko, "She's one of my best of friends."
Tumango tango ito at sinalinan ng alak ang shot glass, "Do you know where she is? I miss her you know. It's been almost two— wait three months without her."
"I cannot tell you." I shook my head. Oo nga pala. Parang ipo-ipo lang na lumipas ang mga araw simula nang umalis si Sariya. It's been three months without seeing her in person.
His brows furrowed, "Bakit naman? I wanna see her—"
"I can't. Kahit awang-awa na ako sa pesteng batong iyon."
"Pardon?"
Pilit ako ngumiti at muling umiling, "Nothing." kinuha ko ang binigay niyang inomin at nilagok iyon.
"PLEASE! I'm begging you, Ma'am! Let me see her! Just a glance.. please.."
I bit my lip to stop myself from pitying my brother who's kneeling in front of Riya's family.
"Kuya, tama na." awat ko at hinawakan siya sa braso.
"No! I have to see her, Rio!"
Tumingala ako. "Let's go, Kuya."
"Bro, tama na. Hindi na healthy to." nahihirapang awat ni Nathan kay Kuya.
Gab ruffled his hair, "Rago, stand up."
Umiling lang sa amin si Kuya at hinarap ulit sila tito June. Tangina tatlong buwan na ang lumipas pero bakit ganito parin si Kuya?! Can't he just forget her?!
"I'm begging you, sir. Please let me see your daughter. Mababaliw na ako..." lumuluhang pagmamakaawa nito.
Finally, Clyf, Riya's brother, spoke.
"That's good to know." he uttered.
Parehong napatingin ang mga magulang niya sa kanya.
"Clyf." May pagbabanta ang boses ni Tito June.
He scoffed, "After what you've done to my sister."
"Clyf July!" may pangangaral na tonong singhal ni Tita Sarah. She looks at us again with apologizing eyes. "Patawarin niyo kami pero wala kaming sasabihin sa inyo." she smiled at my brother. "I can feel your emotions towards my daughter but, forgive me. I cannot tell where she is. Dahil kapag sinabi ko mas lalong masasaktan at ma-aagrabyado ang anak ko."
Umiwas ako ng tingin nang makitang tumulo ulit ang mga luha ni Kuya.
"Ma'am, I'm so sorry for what I have done. I really love your daughter, believe me. My engagement was just fixed dahil tradisyon na 'yon ng pamilya namin but I don't want it." Marahas na umiling si Kuya.
"I've been crazily in love with Sariya ever since I met her as Rio's girlfriend and now that I have a chance I'm willing to give her everything I have..."
"I do believe you, hijo, but right now is not the right time. Kung talagang mahal mo ang anak ko, pwes kailangan mong maghintay. Parehong hindi pa kayo handa, lalo na si Sariya. Kung para talaga kayo sa isa't isa, destiny will make a way for the two of you." she held my brother's shoulder and help him stood up. "Dapat sa susunod na pumunta ka rito ay may naka-plaster ng ngiti sa mga labi mo at hindi na mga luha, maaari ba iyon?"
I don't know what happened but after a couple of minutes my brother nod at her willingly.
Tita Sarah smiled and hug him tight, "Thank you so so much for feeling that to daughter."
"Bro, let's go." yaya ni Gab kay Kuya. "Thank you po, Mr. and Mrs. Quervas. Clyf." Gab smiled at them.
Nahihiyang yumukod ako kila tito at tita, "Sorry po ulit at salamat sa pagpapa-realize kay Kuya."
Tumalikod na ako at sinundan sila na hatak hatak si Kuya papunta sa gate ng bahay.
"Rago."
I pursed my lips when I heard Riya's brother called.
Naglakad ito papunta kay Kuya habang nakalagay ang mga kamay sa bulsa ng pants na suot.
"If you really want to see my sister," he licked his lips. "She's in Spain."
With that, he left us.
.
.
."Fuck! Just check if she's in Spain damn it!"
Napailing ako at itinukod ang mga siko sa tuhod, "Kuya, akala ko natauhan kana."
"Bro, ayoko—"
"Check. It!" dumadagundong na sigaw ulit ni Kuya.
Napabuntong hininga na lang ako.
Kanina pa sila nag-aaway simula nang maka-alis kami sa villa ng mga Quervas at dumaretso sa kompanya ni Ian, isa sa mga kaibigan namin, na nagmamay-ari ng Neo-Technetronic na kinaguguluhan ngayon ng maraming mayayamang tao dahil sa advance na mga gamit na nilalabas ng kompanya niya.
At isa ring tao na halos pakasalan na ang mga computer niya.
"Rago, shut up! Kanina pa namin hindi masikmura iyang pagbabago mo, kaya tumigil kana!" bawi ni Gab.
Nanlilisik ang mga matang binalingan ito ni Kuya kaya agad itong umatras, "Shut the fuck up!"
Sino ba ang hindi matatakot sa isang Rago Marquez? Tunog pa lang ng pangalan ay kinatatakutan na. In terms of business, a ruthless domineering animal that preys on other companies that get in his ways.
Kinagat ko ang labi nang makita ko na naman sa mga mata nito ang kislap na nagbabadyang mga luha.
"Kuya, tama na, please?" pagsusumamo ko habang nakatingala dito dahil nakatayo siya at nakaupo ako. "Naaawa na ako kay mommy dahil panay ang iyak tuwing nagpa-pass out ka pagkatapos mong laklakin ang mga alak sa kwarto mo."
His emotionless eyes held mine that sent shivers into my spine, "Then find her. That's the only way to stop me, Rio."
"Pero hindi nga natin magawa." singit ni Nate na sinasabunutan ang ulo.
"That is why I'm fucking asking you to check if she's in Spain. This is the last one. Last fucking one then I'll stop."
Narinig ko ang pagbuntong hininga ng mga kasama ko kasabay ng pagtalikod ni Ian at tinungo ang mga computer sa lamesa niya.
Seryoso nitong tinignan si Kuya, "Last fucking one, you motherfucker."
BINABASA MO ANG
The Mistake
Romance"Yes, I love him, and being in love with him was the most beautiful mistake I have committed in my entire life..." -Carli Meunier