"Good morning."
"Morning." humikab ako at umupo sa katabing stool na inuupuan niya. "Anong pinapanood mo?"
She looked at me again, "Oh this?" she showed a video of two people singing. "You two seems so affectionate last night." nakita kong pumindot siya at ipinakita ang mga comments.
Agad akong napaiwas at kumuha ng isang toast bread.
"Kung alam ko lang sana na nandoon sila kagabi ay hindi na kita inaya doon." she sighs. "But hey, ang daming positive comments sa posted na video niyong dalawa. Plus the breath taking band in the background."
Tinampal ko ang kamay niyang may hawak ng cellphone na nasa harap ng mukha ko. "No phones while eating, Rinel."
"Geez. You sounds like Auntie all of a sudden." she said and put her phone down on the table.
Kumagat ako sa toast at tinignan ang mga magazine na nasa lamesa. "Kailan ka pala uuwi ng France?"
"It depends. It could be later, tommorow, or the next day of tommorow." sabi nito nang hindi ako tinitignan dahil ang mga mata niya ay nakatuon sa mga magazine niya. "Speaking of France, may fashion gala na gaganapin doon, want me to reserve you a ticket?"
Ipinatong ko ang isang binti sa inuupuan. "When?"
"A week from now, I think."
Hindi ako umimik at pilit inaalala kung mayroon bang importaneng schedule na makakasagabal sa akin.
"I'll check mamaya kung mayroon akong schedule." tinapos ko ang pagkain bago tumayo.
That's when her eyes landed on what I'm wearing.
"Saan ang punta mo, Carli?"
Nagkibit balikat ako at tumalikod na, "Somewhere public."
"Madaya." she pouted.
Ayan, model pa.
I waved my hand and walked to the living room, getting my shoulder bag.
"Take care, idiot!"
I smiled and faced her. "Ikaw ang mag-ingat, Nel. Sometimes there are blood scattered in the bathroom."
Muli akong tumalikod ngunit bago pa makahakbang ay narinig kong umurong ang stool at mga yabag na para bang tumatakbo. My lips formed a smirk.
Takot pa rin pala ang babaeng 'yon.
"GOOD morning, Sir."
I smiled at my secretary before she opens the door for me.
"Hey everybody."
Tinapunan lang nila ako ng saglit na tingin bago pinagpatuloy ang naudlot nilang pag-uusap. Diretsahan akong umupo sa upuang nakalaan para sa akin dahil mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga loko.
"Believe me, bro! A good friend of ours told me that he saw her slapping the Congressman's son!"
Agad na kumunot ang noo ko nang marinig ang sinabi ni Ian. Who slapped the Congressman's son?
Nakita kong ngumiwi sina Gabriel at Nathan, Kuya was just listening to them while signing some papers.
"I think napost nga 'yon e. Marami daw kasing nagvi-video kanina and he sent me one." dagdag pa nito habang kinakalikot ang cellphone.
BINABASA MO ANG
The Mistake
Romance"Yes, I love him, and being in love with him was the most beautiful mistake I have committed in my entire life..." -Carli Meunier