He stood up, holding my hand. "Let's go."
"Where?"
He looks down on me. "Eat. Ililibre kita. Sa dati tayo."
I stared at him. Sa dati.. Does he still remember? Hindi naman siguro niya magyayaya kung hindi niya naaalala hindi ba? Napalunok ako at mahinang tumango bago tumayo.
As soon as I stands up he put his arm around my waist, guarding me.
"Miss.."
Lumingon ako nang marinig ang pagtawag ni Pj. "Yeah?"
Inabot niya ang card ko. I was about to accept it when Rio get it first. "Thanks." Ramdam ko ang bigat ng kamay niya na nakapatong sa baywang ko. "Let's go."
Nginitian ko si Pj bago nagpatianod kay Rio. Tinanggal lang niya ang kamay niya nang makalabas kami parehas. Kaunti na lang ang mga tao na nasa labas ng bangko.
"I saw your car." He scratch his nape, looking at my car. "Wala akong dalang kotse dahil nakisakay lang ako kay Kuya. Uh.. can you give me a ride?"
Sa halip na sumagot ay nilabas ko ang susi mula sa shoulder bag. I unlocked the door after activating my car. "Get in."
Binato ko sa kanya ang susi bago umikot papuntang passenger seat. I entered the car and wears the seatbelt. Natapos na ako pero hindi parin siya pumapasok kaya binaba ko ang bintana na nasa gilid ko. "Let's go, Marquez. I'm hungry."
Para siyang nabalik dahil sa pagtawag ko. Pumasok din siya sa at ininspeksyon ang kotse. "I can smell the chicken sauce.." he murmured that I heard.
"Just drive."
Napailing siya habang nilalagay ang seatbelt. After that, he maneuver my car.
Nangalumbaba ako sa bintana habang nakatingin sa labas. Maglilimang buwan palang simula nang umalis si Sariya pero ito na ako na kay Rio na naman. Nagui-guilty pero mas lamang ang kasiyahan.
Bakit ako masaya?
"Carli?"
Hindi ako lumingon. "Hmm?"
"Anong nangyari dati? Bakit bigla kana lang nawala?" He ask out of the blue.
Napatungo ako. Ang mga mata ay nakatutok sa mga daliri na nasa bintana. "It's my decision to leave. Why would I even stay? Ayokong makita si Sariya na nasasaktan dahil sa'kin. She's a good person. Isa pa, ayoko ring makita na hinahabol mo siya habang nakatayo lang ako sa gilid at nagtitiis.... Bakit ako magtitiis pagkatapos mo akong paalisin?"
Nawalan na naman kami ng imik. Tanging mga tunog lang ng mga sasakyan ang naririnig ko. Naging ganoon kami hanggang sa makarating sa isang mall.
Nauna akong lumabas sa kotse ko bago siya. I waited for him in the mall's entrance before we both enter.
Parang kabisado parin namin ang daan kung nasaan ang pwesto ng stall ng Monster Wings. As I take every step, memories flow in my mind. Those vivid memories na parang kahapon lang nangyari.
In the same place... with the same person.
Dire-diretso akong umupo sa isang set ng lamesa't upuan na magkaharap at nilagay sa ibabaw ng mesa ang bag habang si Rio ay nandoon na sa harap ng stall para umorder.
Bigla akong napatigil sa pag-aayos ng damit at nag-angat ng tingin kay Rio na nag-oorder.
This feels... stupidly shitty.
Why?
Bakit ako pumayag? I haven't atone for my mistakes yet. And why? Why am I here sitting and waiting for him?!
For God's sake, hindi na 'to kagaya ng dati, Carli!
Closure nalang 'to!
Tatayo na sana ako nang may naglapag ng dalawang set ng six pieces ng chicken wings sa harapan ko.
I looked up seeing Rio looking at me too.
"Saan ka pupunta?" He asked turning his back at me to get two bottled water where he came from. Binaba niya rin 'yon isa sa akin at isa sa kanya bago siya tuluyang umupo.
Tinignan ko ang nasa harap na Buffalo Wings flavored chicken wings bago kay Rio na nagsusuot ng plastic glove sa isang kamay.
"Stop staring and just eat, Li."
Dahan dahan kong inabot ang dalawang plastic gloves na para sa akin para isuot. Hindi ko parin maiwasang hindi mapaisip. Sa loob ng matagal na panahong lumipas, he can still remember what I want.
'Knowing even the smallest details are important too.'
Kumurap ako nang marinig 'yon sa loob ng ulo ko. Sa kanya din galing 'yon, kay Rio, noong malapit na ang exam para sa last sem. Sabay kaming nagreview pero dahil ayokong mag-aral ay nahirapan ako kaya tinulungan niya muna ako. He helped me get through it. Siya ang tumulong sa akin na makapagreview para pumasa.
Simula pa man dati ay alam na alam ni Rio ang kahit napakaliit na kilos ko lang. He knows when I'm sad or angry. Iniisip ko pa nga lang na nagugutom ako ay may ibibigay na siyang pagkain.
Ewan ko ba kung paano niya nahuhulaan 'yon.
"Anong ginagawa mo?" Napatanong ako nang makita siyang may hawak na cellphone.
"Taking a picture."
Napatango ako.
PATAGO akong ngumiti pagkatapos kumuha ng ilang litrato. Kinunan ko rin ng litrato ang stall ng Monster Wings.
I opened my instagram account to post the picture of the stall and a picture of what we're eating with Carli's lower body.
'It's a chef kiss for me.'
Then I posted it using that caption.
Wala pa mang limang minuto ay may mga notifications na akong natanggap.
@genius_ian, @natesante, and @turnergabriel commented in your post.
Pinindot ko 'yon para makita kung ano na namang kalokohan ang dala ng tatlo na 'to.
@natesante: Kumakain din ako nyan pero wala akong kasamang chiks💀
@natesante: wanted chiks na pwedeng kasama kumain ng chicken wings🪧
@turnergabriel: Kunwari bulag ako at hindi ko nakikita yung last na picture
@turnergabriel: typo yata yung chef kiss baka french kiss dapat yon
@genius_ian: wag niyong ipagkalat na si @carlicarli_m yung may ari ng bag na nasa last picture
Tinignan ko rin ang replies sa comment ni Ian.
@natesante: oo wag din na'tin ipagkalat na si @carlicarli_m yung may ari ng kamay na nasa last picture
@turnergabriel: basta hindi natin ipagkakalat na si @carlicarli_m yan. Wag niyo i-mention si @carlicarli_m baka kumalat at magka-issue
@genius_ian: @turnergabriel baka tissue hindi issue✋🏻🥱
@natesante: mamaya pa yon maaga pa hahaha!
@turnergabriel: @genius_ian talagang malalaman mo agad kapag gawain ng isang tao no? Lumalabas bigla e
@natesante: huli
@genius_ian: hindi ko kayo pabibilhin ng mga produkto ko, mga banyaga! Lumayas kayo sa bansa ko, mga punyeta!
I can't help it but to let out a chuckle. Mga gago.
BINABASA MO ANG
The Mistake
عاطفية"Yes, I love him, and being in love with him was the most beautiful mistake I have committed in my entire life..." -Carli Meunier