Fearless Chapter Five
"Hey! Grab me a bottled water!" sigaw ng isang pawisang lalaki na nakasuot ng jersey sa tabi ko. Kakagaling lang siguro niya sa paglalaro ng basketball. Hindi ko maiwasang mapasulyap sakanya dahil nadidikit ang malagkit niyang balat sa balat ko. Tsk! Sana nagshower manlang siya bago nagpuntang cafeteria. Nakaka diri kaya! EWW!
Nakangiting nilapag ng babae ang bottled water na inutos ko. Napalunok ako habang nakatingin sa tubig na nakalapag sa harap ko. Kanina pa ako nauuhaw kakahanap kay Sahlee at sawakas! Makakainom narin ako ng tubig. Kukunin ko na sana yung tubig pero may isang kamay ang naunang kumuha nito. Nilingon ko kung kanino ito nanggaling.
Napa awang naman ang bibig ko nang makitang yung lalaking pawisan ang kumuha nun. Tinignan ko siya ng masama pero hindi niya iyon napansin.
[Bridge's POV]
"Asan na ba yung Cross na yun?" tanong ko sa mga kasama ko. Kanina pa namin siya hinahanap sa buong campus pero hindi namin siya mahanap. Bigla nalang kasi siyang nawala nung hindi sinasadyang mabanggit ni Rusty ang isang pangalang ayaw na ayaw niyang naririnig at naaalala.
Tumingin ako sa mga kasama ko. Nagkibit balikat lamang sila kaya naman napatango nalang ako sakanila.
"Guys! Tara muna sa cafeteria. Nagutom ako kakahanap kay Cross" sabi ni France habang nakahawak siya sa kanyang tyan.
"Tsk! Parang lagi ka namang gutom eh!" natatawang sabi ni Kenzo. "Sige, tara nalang muna sa cafeteria"
"Uy, si Cross yun diba?" napatingin kami sa tinuturo ni Rusty. Nandun nga si Cross sa may counter. 'Andito ka lang pala Cross Anderson Steward. Hinanap ka pa namin kung saan saan dito ka lang pala namin makikita' Lalapitan na sana namin siya pero nagulat kami sa sunod na nangyari.
"Hoy mr. Oily Skin, sakin yang tubig na yan" sagot ng isang nerd na babae. Napa taas naman ang kilay namin sa inasal nung babae. Hindi ba niya kilala ang binabangga niya?
"OMG. Hindi ba niya kilala ang binabangga niya?"
"Her life will be like a living hell. Believe me"
"San kaya nakuha ng Nerd na yan ang lakas ng loob niya para kalabanin ang leader ng Mega Dragon Gang?"
Naupo kami sa bakanteng table. "Here" sabay abot ni France ng apat na packs ng pop corn. "This could be a good movie"
"Guys, ano sa tingin niyo ang dapat na i-tittle sa palabas na yan?" tanong ni Kenzo habang sumusubo ng pop corn. Marami nang nagkukumpulang mga estudyante sa palibot nila kaya naman hindi ko na masyadong makita ang mga ekspresyon ng mga mukha nila.
BINABASA MO ANG
Fearless
ActionHer name is Empress. Simula nang mamatay ang kanyang mga magulang sa isang ambush, she promised herself na ipaghihiganti niya ang mga ito at makakamit ang hustisyang nararapat para sakanila. Siya ang naging tagapagmana ng nga naiwang ari-arian ng ka...