Fearless Chapter One
"Em, we're here. Wake up"
Nagising ako dahil sa pagyugyog sa balikat ko. Inaantok kong iminulat ang mga mata at sumalubong saakin ang mukha ng isang seryoso at ma awtoridad na lalaking nasa 40's. Ang dad ko. I blinked three times to clear my vission. Parehong naka tingin saakin ang mga mata nina mom at dad.
Bumangon na ako at inayos ang sarili bago sumunod sakanila sa labas ng eroplano. Matinding liwanag ang sumalubong saakin pag kababa ko. Maaliwalas ang langit at tirik na ang araw. Umihip ng malakas ang sariwang hangin. Sumabay naman ang mahabang kulay pula kong buhok sa pagsayaw ng hangin.
I feel fresh with my black shorts, and loose shirt. Maganda ang paligid ng isla. Puno ng mga puno, may isang resthouse sa tapat ng kulay asul na dagat, at puting puti ang buhanginan. Nakakamangha ang lugar na to. Sinalpak ko ang aking headset at nakinig sa tugtogin sa aking ipod. Naglakad na ako papunta sa kinakatayuan nina mom and dad. Nakangiti sila habang pinapanuod akong maglakad.
"Em do you like it here?" masayang tanong ni mom saakin habang naka akbay sa balikat niya si dad. Walang emosyon akong tumango. Sinanay naman nila ako sa mga magagandang pasyalan kaya hindi na ako mapapanganga pa ngayon sa lugar na ito. Niyaya kami ng isang matandang lalaki na naka suit papasok ng resthouse. Sumunod nalang kami sakanya.
"Em, do you even wonder why we bought you here?" seryosong tanong saakin ni dad pagkaupo namin ng couch. Tinaasan ko siya ng isang kilay. Bakit niya ako tinatanong? Ang alam ko kung bakit kami nandito para mamasyal at mag relax. "You should. because from this day forward, you're life will be changed" Mas lalong tumaas ang kilay ko sa narinig. What the hell is he saying?
"Uhm Em, wag kang mabibigla ha?" mahinahong tanong ni mom.
"Wait, what do you mean 'my life will be changed'?" naguguluhan kong tanong sa kanilang dalawa ni dad.
"Em, we're----"
"sir! ina ambush po tayo!!" rinig kong sigaw ng isang lalaki na naka suit na mas bata sa lalaki kaninang nag yaya samin na pumasok.
Narinig kong napamura si dad. Ano bang sinasabi nila?! Ambush?! The hell?! What is going on here?! Humarap saamin si dad with a worried expression. Hindi ko maiwasang kabahan sa mga nangyayari. Nagkakagulo na sila labas at nakakarinig na rin ako ng putukan ng baril at pagsabog ng mga bomba.
"Allora, itakas mo si Em. Magmadali kayo. Mag iingat kayo. Remember, I love you both, forever" hindi ko naintindihan ang sinabi ni dad dahil ang puso at utak ko ay nagsisimula nang mag panic. Naramdaman ko nalang ang paghalik ni dad sa noo ko kasabay naman nito ang paghigit sakin ni mom palayo. "Allora, don't die" tumango si mom bago na kami tuluyan pang tumakbo palabas ng resthouse. Takot na takot kaming tumatakbo patungo sa kung saan. Patuloy parin ang kaguluhan at putukan sa lugar. Muli kong nilingon ang resthouse kung saan naiwan si dad. Nasusunog na ito ngayon at maraming nagkalat na mga katawang wala nang buhay. Ngunit mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang isang lalaki na may hawak na baril at nakatutuok ito saaming dalawa ni mom.
'bang'
Natigil kaming dalawa ni mom sa pagtakbo. Naging slow motion ang lahat ng pangyayari. Ang mga tunog ng baril, ang pagsabog, ang paglalakad ng lalaki palapit saamin, pati na rin ang pagbagsak ni mom sa lupa. Tumulo ang mga luha ko habang pinapanood ang paglabas ng dugo mula sa bibig ni mom. Hindi to maaari. Panaginip lang to. Hindi to maaaring mangyari!
"Em, m-may cabin sa g-gitna ng gubat. May underground b-basement d-doon. Magtago ka" hirap na saad ni mom saka siya may inabot na isang pirasong papel saakin. "tawagan mo ang numerong iyan. Tandaan mo E-em, mom l-loves y-you" saka siya umubo ng dugo. "Be safe Em. Stay alive. We l-love you, always. Be strong" pagkatapos ng pahirapang pagsabi ni mom sa mga bagay na iyan, nakita ko kung paano siya nawalan ng hininga. Napahagulgol nalang ako. Kung panaginip lang ito, pls, sana magising na ako. Pero hindi. Everything seems so true. So fucking true!
BINABASA MO ANG
Fearless
ActionHer name is Empress. Simula nang mamatay ang kanyang mga magulang sa isang ambush, she promised herself na ipaghihiganti niya ang mga ito at makakamit ang hustisyang nararapat para sakanila. Siya ang naging tagapagmana ng nga naiwang ari-arian ng ka...