Fearless Chapter Three

13 0 0
                                    

Fearless Chapter Three

♥Empress' POV♥

Lumapit ako sakanya. Nanlilisik ang aking mga mata. Kung pwede lang na makapatay ang titig, kanina pa siya naka bulgta at wala nang buhay. Naka kunot ang aking noo at nakayukom ang aking mga kamao. Bawat yabag ko ay mabibigat habang papalapit ako sakanya. Ramdam ko ang pag iinit ng aking mukha... Ramdam ko ang galit sa aking buong katawan.

Marahas ko siyang sinuntok sa mukha at bumagsak naman ito sa sahig. Naka ramdam ako ng pamilyar na sakit sa aking kamao. Napa hawak naman siya sa kanyang labi dahil nag karoon ito ng cut. Sobra akong nang gigil at gusto ko siyang patayin ngayon mismo pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Kailangan kong pigilan ang sarili kong maka gawa ng ikakasama ng iba.

"Nakita mo naman ang nangyari diba?! Muntikan na kaming mamatay!! Parang hindi ka nag iisip!!" Singhal ko sakanya. Sinubukan niyang tumayo pero nasuntok ko muli siya kaya bumagsak uli siya. Kahit na anong gawin kong pagpigil sa aking sarili, hindi ko rin ito natiis.

Puma ibabaw ako sakanya at pinaulanan siya ng sunod sunod na suntok sa kanyang mukha. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. They started this. They did. Someday, this will end. I will end this.

"Em! Si Sahlee!!"

Napa hinto ako sa pag suntok sakanya at tumayo. "Magtago ka na habang may oras ka pa. Morge ang aabutin mo pag may masamang nangyari kay Sahlee" malamig kong sambit sakanya. Inayos ko ang suot kong leather jacket at nag lakad na pabalik ng van.

"Anong nangyari sakanya?" Nag aalala kong tanong kay Jackie na nag aalalang hinihintay ako sa labas ng van. Hindi siya mapakali at nahihirapan siyang mag sabi. "Anong nangyari sakanya?" Pag uulit ko sa tanong ko habang naka hawak sa mag kabilang braso niya. Lumuha siya at hindi nakapag salita. Nag buntong hininga ako. "Pasyensya na Jack" sambit ko saka ko siya yinakap. Pagkatapos nun ay pumasok na ako sa loob ng van. Naka higa si Sahlee sa upuan at naka sandal ang kanyang ulo sa lap ni Melody. Dumudugo ito.

"Anong nangyari sakanya?" Tanong ko kay Melody. Tumingin siya sakin habang may luhang umaagos sa kanyang pisnge.

"Naumpog yung ulo niya sa paanan ng upuan" sagot niya. Pinunit ko yung laylayan ng t-shirt ko at pinantapal sa sugat ni Sahlee sa ulo. Madali akong lumabas ng back seat.

"Get in" walang emosyon kong sabi. Pumasok naman si Jackie sa loob at nag tungo naman ako sa driver's seat. Agad ko itong pinaandar sa pinaka mabilis na estado ng van na to. Naging tahimik at mabilis ang byahe dahil kalagitnaan parin ng gabi.

>♥~♥

♥Thirs Person's POV♥

Nag aalalang nag hihintay si Empress sa labas ng Emergency Room. Tahimik naman na nakasandal ang ulo nina Ashley at Jackie sa balikat ni Melody habang natutulog silang tatlo sa bench sa labas ng E.R. Labis na nag aalala si Empress kay Sahlee dahil malapit sila sa isa't isa at iniisip rin niyang isa rin siya sa mga dahilan kung bakit ito nangyari sakanya.

Napa hilamos niya ang kanyang mga palad sa kanyang mukha habang umiiling. Ilang oras na ang naka raan ng ipasok nila si Sahlee sa loob at hanggang ngayon, hindi parin lumalabas ang doctor na umasikaso sakanya. Hindi.niya alam ang magagawa niya kung may masamang mangyari kay Sahlee.

Napatayo siya sa kanyang upuan ng mag bukas ang pintuan ng E.R. Agad niyang sinalubong ang doctor. Nagising na rin sina Melody dahil sa pagtapik ni Empress sakanilang braso. Tumayo sila at inayos ang mga sarili.

Nanlabo ang mga mata ni Empress dahil sa mga luhang naipon dito. Tumigil ang oras sa kanyang paligid. Nanikip ang kanyang dibdib at naiyukom niya ang kanyang kamao. Hindi siya maka paniwala sa kanyang narinig mula sa bibig ng doctor. Pati sina Mepody ay napa hagulgol sa narinig. Hindi nila akalain na mapupunta ang mga pangyayari sa ganito.

Tumingin si Empress sa ceiling upang iwasan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Hindi ito ang oras upang maging mahina siya. Bumalik ang walang emosyong mukha at mga mata ni Empress. Naglakad siya palabas ng ospital habang naka yukom ang kanyang mga kamao. 'This is now or never'. Sambit niya sa kanyang isip.

"Em, san ka pupunta?" Humihikbing tanong ni Jackie sa papa alis na Empress.

"Dito lang kayo. Bantayan niyo si Sahlee" seryosong sambit ni Empress at nag patuloy na ulit ito sa pag lalakad paalis.

Nasilaw siya sa sinag ng araw. Napatingin siya sa kanyang wrist watch. Hapon na pala. Hindi manlang niya naramdaman ang gutom o kahit na pagka antok. Kahit na hindi pa siya kumakain at wala parin siyang tulog, buhay na buhay parin ang kanyang sistema.

Empress...

Madali akong umuwi sa condong tinitirhan ko. Nagpalit ako ng damit at nagsuot ng loose black shirt, leather jeans, leather jacket at combat boots. Nagpunta ako sa isang kwarto sa aking condo. Kumuha ako ng baril at nilagay sa aking gun holster.

Lumabas ako sa condo. Madilim na. Mabilis na nga talaga ang takbo ng oras. Nagtungo ako sa parking lot at mabilis na pinaandar ang aking motor. Gaya nga ng sabi ko kanina, morge ang aabutin niya pag may masamang mangyari kina Sahlee. Kaya eto ako ngayon, babawiin na ang kanyang buhay. Sa morge na siya maaabutan ng araw.

Tamang tama lang ang pagdating ko. Napa ngisi ako. Tinanggal ko ang helmet sa aking ulo at sumandal sa aking motor. Pinapanuod ko siya habang lasing na nag lalakad palabas ng bar. Halatang lasing na lasing na siya dahil pagewang gewang na siya sa pag lalakad. Buti nalang at hindi siya natutumba. Mag isa lang siya ngayon. Hindi nga ako nagkakamali. Dito ko nga siya mahahanap.

Hindi na ako mahihirapan pang maghintay. Matatapos kami kaagad. Patuloy lang siya sa paglalakad. Natawa ako ng bahagya ng ma-out of balance siya at mailusot ang kanyang paa sa canal. Napa mura siya habang pilit na inaangat ang kanyang paa.

"Katangahan" mahina kong sambit. Napangisi ako ng magawi ang tingin niya sa akin. Ang lakas naman ng pandinig nito. Ang hina na nga ng pagka sabi ko nun pero narinig pa niya? Hanep ah. Pero hindi na niya ito mapapakinabangan pa. Sayang naman kasi mamamatay na siya agad.

Nakita kong kinusut kusot muna niya ang kanyang mga mata bago ngumisi at lumapit sakin. Pagewang gewang siya habang nag lalakad pero naabot naman niya ako ng hindi natutumba. Para siyang matandang nahihirapang mag lakad. Alam kong bata parin siya kahit na nagmumukha siyang may edad na dahil sa mga tattoo sa kanyang katawan. Sayang siya at ganito lamang ang kakahantungan ng buhay niya.

"Anong ginagawa mo dito? Ha? May nangyaring masama sa kaibigan mo kaya nandito ka noh? Hahaha" tuloy tuloy niyang sabi habang tinuturo ako at gumegewang gewang sa kinakatayuan niya. Tumingin ako sa malayo at sakanya muli bago ko siya sinuntok sa kanyang mukha. Nakaramdam ako ng pamilyar na sakit sa aking kamao. Pamilyar na sakit na gustong gusto kong nararamdaman tuwing nakaka sakit ako ng iba dahil nakaka sigurado akong naging malakas ang pagkakasuntok ko sakanya. Natumba siya sa semento at nagdugo ang kanyang ilong at nagkaroon ng cut sa kanyang labi. How I love seeing a person bleed sa kagagawan ko. Tumawa siya ng mahina. Nababaliw na ata. Nasuntok na nga at napa dugo may gana parin siyang tumawa. Baliw lang ang gumagawa niyan.

Tumayo siya at humarap sakin. "Yun lang ba ang kaya mo?" Pang hahamon niya sakin. Tinaasan ko siya ng kilay.

Sinuntok ko muli siya pero hindi siya natumba. Napa atras lamang siya ng bahagya. Ano bang problema nito? Naka drugs ata.

FearlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon