Enjoy reading! :)
Fearless Chapter Seven
[Cross' POV]
"Cross." Mahinang tawag niya sa pangalan ko bago siya mawalan ng malay. Hindi na ako nag atubili pang buhatin si Em at pinunta siya sa sasakyan ko. 'San ko ba siya pwedeng dalhin? Hindi ko rin kasi alam ang address nila. Hay! Sa condo na nga lang! Agad kong ini-start ang makina ng sasakyan at dinala na siya sa condo. Ang swerte pa niya kasi sa kama ko siya pinahiga at hindi sa sahig. Kinumutan ko siya at napatitig sa kanyang mukha.
Mukhang hindi siya suplada. Nakikita kong mabait siya in her own way. Na overwhelmed nga ako nang purihin niya akong magaling sumayaw. Totoo ang sinabi ko sakanya kanina na siya palang ang pumuri saakin tungkol doon. Mahilig talaga akong sumayaw pero tinututulan ako ni Dad. Bakit ba kasi hindi nalang niya ako suportahan sa aking mga desisyon? Parang namang hindi ko siya dad sa kanyang ginagawa.
"Buti ka pa, napansin mo." Saka ko siya hinaplos sakanyang noo. Pero natigil ako nang maramdaman kong napaka init niya. Narinig ko siyang umungol at gumalaw. Bigla nalang siyang nanginig at pinagpawisan. Nablanko ang aking isip. Anong gagawin ko?
"Cross" biglang tawag niya sa pangalan ko. Biglang bumalik ang mga laman ng utak ko nang marinig ko ang boses niya. Para siyang nahihirapan.
Tama! 'Yung ginagawa ni mom sakin dati 'pag may lagnat ako!
Kumuha ako ng dimpo at mainit na tubig. Sinawsaw ko 'yung dimpo sa mainit na tubig at inilagay iyon sa noo niya. Sana makatulong 'to para bumaba ang lagnat niya. Naghanap na rin ako ng gamot at nagluto ng chicken noodle soup kahit na hindi ko alam magluto. Sana lang masarap 'tong niluto ko.
Ginising ko muna siya para kumain at uminom ng tubig.
"Em, wake up. Kumain ka muna." She groaned saka tumingin sakin.
"Nasan ako---argh." She groaned again dahil sa pain nang magpumilit siyang bumangon.
"Safe ka dito sa bahay ko. 'Wag kang mag alala. Kumain ka muna para gumaling ka agad." Wika ko habang tinutulungan siyang mahiga ulit. "Gusto mo subuan kita?" Kinuha ko na 'yung niluto kong chicken noodles soup.
"'Wag na. Ako nalang." Saka niya kinuha ang mangkok mula sa kamay ko.
"Argh." She ground again kasi napaso siya sa init ng soup. Kinuha ko sakanya 'yung mangkok.
"Ako nalang ang magsusubo sa'yo." Saka ko hinipan 'yung kutsarang may laman na soup. Isinubo ko ito sakanya ng hindi na mainit.
"Bakit mo ba 'to ginagawa?" Biglang tanong niya.
I shruged. "Hindi ko alam. Interesado lang siguro ako sa'yo." Simpleng sagot ko saka nanaman siya sinubuhan.
"Why?"
"Maybe because you different from the other girls." Wika ko. Nagpapawis na 'yung kamay ko dahil sa kaba. All my life, ngayon lang ako nakaramdam ng kaba sa harap ng isang babae. Iba ang nararamdaman ko sakanya kumpara sa ibang babae na nakaharap ko na. Ang gaan ng pakiramdam ko tuwing kasama ko siya. Pero may nararamdaman akong kakaiba sa pagkatao niya. Isang misyeryo na gusto kong alamin.
"Masarap ba?" Bigla kong tanong sakanya.
Tumango naman siya at ngumiti. "Masarap naman kahit papaano." Nakangiting wika niya.
Napangiti ako ng lihim sa sinabi niya. "Sige na! Kumain ka nalang!"
[Empress' POV]
Sinubo ko na 'yung sinusubo niya sakin. May future 'tong mokong na 'to sa pagluluto. Alam niyo, nagtataka ako sa sarili. Parang hindi ako si Empress. Kakaiba ako ngayon kesa sa dati. Nahuhulog na ata---urgh!! Ano ba 'tong pinag iisip ko? I can't fall for him! Baka dahil lang 'to sa lagnat ko.
BINABASA MO ANG
Fearless
ActionHer name is Empress. Simula nang mamatay ang kanyang mga magulang sa isang ambush, she promised herself na ipaghihiganti niya ang mga ito at makakamit ang hustisyang nararapat para sakanila. Siya ang naging tagapagmana ng nga naiwang ari-arian ng ka...