Fearless Chapter Six.One

7 0 0
                                    

FEARLESS CHAPTER SIX (VI)

      "I'm dead" yun na lamang ang nasabi ko nang mabasa ang naka vandal sa field. SNOW EMPRESS MURLLEY. Yan ang nakasulat sa field. Ang buong pangalan ko. Kaso fake lamang yung surname ko. Na touch naman ako kasi nag-effort pa talaga silang hanapin ang buong pangalan ko sa NSO. 

      "Hoy Em, tara na!" nagmamadaling sabi ni Sahlee habang naka hawak sa mga kamay ko. Tinignan ko siya ng nagtataka. Naget's naman niya na nagtatanong ang mga mata ko kaya sumagot siya. "Nanjan na ang MDG"

      Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Napa lingon lingon ako sa paligid at ayun na nga! Patungo na sila sa direksyon namin! Yumuko ako para magtago sa kumpulan ng mga tao saka sumunod kila Sahlee paalis. 

      'Wag sana niya ako mahuli. Baka kung ano pang gawin niya sakin. Malay mo, balatan niya ako ng buhay, ipakain sa leon, ilibing ng buhay o di naman kaya ay chop chop-in! Ayoko nun, Lord! Maawa kayo sakin!

      "San ka pupunta?"

      Napapikit ako ng mariin ng marinig ang boses na 'yun. Sh*t! Kakasabi ko lang na sana 'wag akong mahuli eh! Hinarap ko siya at ngumiti ng pilit. 

      "Ahh...hehe.. i-ikaw pala.. hehe" pautal utal kong sabi. Naka poker face siya habang naka cross arms na naka tingin sakin. 

      "Tatakas ka?" tanong niya. Napa lunok ako dahil sa tono ng boses niya. Napaka lamig kaya naman nakaka takot pakinggan. Nakakapagpataas ng balahibo. 

      Umiling ako at ngumiti ulit ng pilit. "H-hindi ah. Ba't naman ako t-tatakas?" Sh*it! Bakit ba ako nauutal?!

      Lumapit siya sakin. Napapa atras naman ako. OMG! Ito na siguro yun! Wala siyang karapatang kumuha ng buhay kasi hindi siya Diyos!

      "Sumama ka sakin" pagkasabi niya nun ay bigla nalang niya akong hinila. Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya saking kamay pero hindi ko magawa. Masyadong mahigpit at feeling ko, magkaka pasa ako dahil dito. Lumingon ako kina Sahlee and mouted 'tulong' pero nag-iwas lamang sila ng tingin. 

       "Bitiwan mo nga ako! Ayoko pang mamatay noh!" naiiyak na sabi ko sakanya. 

      Lumingon siya sakin at sinamaan ako ng tingin. "Sino kasing nagsabing mamamatay ka?"

      "Sorry na please! Hindi ko naman kasi talaga sinasadyang awayin ka eh! Saka kasalanan mo rin naman iyon! Kinuha mo kasi yung tubig ko eh---"

FearlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon