Fearless Chapter Six.Two

9 0 0
                                    

FEARLESS CHAPTER SIX (VI)

[PART TWO]

     "Did he just kiss me?"

     "AAYYYIIIEEE!!!! Ikaw Em ha! May kung ano pala sainyo hindi mo manlang sinabi!" nabalik ang ulirat ko dahil sa sinabi ni Sahlee. Tumingin ako sakanya. 

     Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti. "Wala ah!" saka ako naglakad paalis ng kwarto. Nakakaloka ang mga pangyayari ngayon ah! Ninakaw na nga niya ang first kiss ko, pati ba naman ang second kiss ko! Baka pati ang third kiss ko gusto na rin niyang nakawin?

       Sinapa ko yung batong nadaanan ko. Palabas na ako ng gate ng campus. Nawala bigla ang gana kong pumasok. Bakit pa kasi dito nilipat si Sahlee ng kanyang lolo? Ayan tuloy oh, ako ang nahihirapan. 

      Napa hinto ako sa paglalakad ng makita ko ang isang lalaking naka suit na papasok sa isang sasakyan. Marami ring mga bodyguards ang nakabantay dito. Bakit may ganitong uri ng tao dito? 

      Nagpatuloy na ako sa paglalakad palabas ng campus ng maka alis na yung sasakyan. Nagtungo ako sa Orions. Hindi na ako papasok pa sa mga susunod naming subject dahil nga sa nawalan na ako ng gana. Umorder ako ng tequila pagrating ko ng Orions. 

       "Bakit mag isa ka?" napalingon ako sa nagsalita. Umiling lamang ako. 

       "Anong kailangan mo?" tanong ko sakanya. Umorder siya ng inumin niya sa counter. I took a sip from my tequila. 

       "May gusto lang akong sabihin" saka siya uminom mula sa inorder niyang alak. 

       "Shoot" cold kong sabi sakanya. 

       "Ang magaling kong kapatid, naka uwi na" mapait niyang sabi. Napa tingin ako sakanya. 

       "Kailan pa?" 

      "Nung isang araw pa" napa tango nalamang ako sa sinabi niya saka uminom sa aking tequila. 

[Cross' POV]

       "Cross, sino yung babaeng kahalikan mo kanina?" ma-awtoridad na tanong sakin ni dad. Naupo ako sa sofa katapat niya. 

       "Girlfriend ko" simpleng sagot ko sakanya. Nilabas ko yung sigarilyo ko saka yun sinindihan. 

FearlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon