Fearless Chapter Two
"Wwwooo!!! Party! Party! Party! Yeah! Wwoohhhooo!!" Masayang sigaw ni Sahlee habang nag sasayaw sa gitna ng dance floor. Kasalukuyan silang nasa Orions at umiinom. Bawat isa sakanila ay may kanya kanyang mundo sa loob ng bar. Si Empress ay naka upo sa bar counter at umiinom ng beer. Si Sahlee naman ay nasa gitna ng dance floor at naghihihiyaw habang nagsasayaw dala ng kasalingan. Si Jackie naman ay nasa isang sulok ng bar habang may kahalikang lalaki pati si Ashley ay nasa isang sulok at nakikipaglandian. Si Melody naman ay nasa tabi ni Empress at umiinom rin habang nag eenjoy sa tugtugin sa bar.
"Hey, Em. Ang tahimik mo ata ngayon" tanong ni Melody kay Empress.
Empress...
I took a sip from my beer before answering Melody's question.
"May iniisip lang" sagot ko. Tumango naman siya.
"Sige, iwan muna kita. Ma kikisali lang ako kay Sahlee" pagkatapos nun ay umalis na siya at nagsisisigaw habang papalapit kay Sahlee na nasa gitna parin ng dance floor.
Ewan ko ba kung bakit wala ako sa mood maki pagparty sakanila. Naiisip ko parin kasi ang tungkol sa pamilya ko. Ewan ko ba! Kahit na anong pilit kong tanggalin sila sa isip ko, pilit parin silang bumabalik. Parang yoyo na pag itinapon ko, bumabalik parin. Naka kapit na talaga sila sa katawan at kaluluwa ko. Kahit na anong gawin kong ligo, hindi na sila maaalis sa katawan ko.
I took a sip from my beer again. Lahat ng tao dito sa bar, nag kakasiyahan. Samantalang ako, iniisip parin ang pamilya ko. Hindi ko na rin magawang makapag enjoy. Tutok na tutok talaga ako sa pamilya ko.
"Hey miss, nasan na yung kasama mo?" Tanong sakin ng lalaking nag aasikaso sa bar counter. Para siyang kabute na sumusulpot nalang bigla galing sa isang sulok. Sinamaan ko siya ng tingin. Ano bang paki alam niya?
Nadako ang tingin ko sa isang matandang lalaki na kakapasok lamang ng bar. Mukha siyang mayaman dahil sa suot niyang suit. May mga bodyguards ring naka sunod sakanya. Binabati siya ng mga staff ng bar. Nginingitian lamang niya ang mga ito. Maamo ang kanyang mukha at mukha namang mabait. MUKHANG mabait.
"Kilala mo ba yun?" Tanong ko habang naka turo ang daliri ko sa matandang pataas na ng hagdan. Inilapit naman ng lalaki ang kanyang mukha upang marinig niya ang tanong ko.
"Yan ba?" Tanong niya habang tinururo yung tinutukoy kong matanda. Obvious ba? Sinamaan ko siya ng tingin. "Yan ang may ari ng bar na to" pagpapatuloy niya. Inilayo na niya yung mukha niya sa tenga ko kasi may costumer.
Uminom ako sa baso kong may lamang beer. Siya pala ang may ari ng tambayan namin. Wala sa mukha niyang interesado siya sa ganitong bussiness. Malayong malayo sa maamo at mabait niyang mukha. Para siyang isang lalaking anghel na pinababa dito sa lupa dahil sa kanyang mukha. Anghel na nagpatayo ng isang makasalanang lugar? Mali nga ata ang sinabi ko. Mukha lang naman talaga siyang mabait.
"Hi miss, mag isa ka lang ba?"
Napatingin ako sa direksyon ng nagsalita. Isang lalaking may malaking katawan at kumikintab na ulo. Tinignan ko siya ng malamig. Tumawa ito ng mahina at umayos ng posture.
"Miss tinatanong kita kung mag isa ka lang ba?" Pag uulit niya tanong niya. Hindi ko siya sinagot at uminom sa baso ko. Hindi ba niya nakikitang nag iisa lang ako ditong naka upo? Walang sense mag tanong. Narinig ko nanaman siyang tumawa.
"Miss!" Sigaw niya saka malakas na tinapik ang table ng counter.
Tumayo ako at tinapon ang laman ng baso kong beer sa panget niyang pag mumukha. Naagaw namin ang attensyon ng karamihan kaya naman maraming naka titig saamin. Marahas kong nilapag ang baso sa counter at nag lakad na paalis. Bigla kong naramdaman ang pag sakit ng pantog ko. Naiihi na ako. Hindi pa ako nakaka layo ng napatigil akong muli dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa wrist ko. Sa laki ng kanyang kamay, alam ko na agad kung sino ito.
BINABASA MO ANG
Fearless
ActionHer name is Empress. Simula nang mamatay ang kanyang mga magulang sa isang ambush, she promised herself na ipaghihiganti niya ang mga ito at makakamit ang hustisyang nararapat para sakanila. Siya ang naging tagapagmana ng nga naiwang ari-arian ng ka...