01

78 5 4
                                    


"Hoy! Wag ka nang paupo-upo dyan, halika na Chanel!" Sigaw ng ka- team ko habang hila-hila ako.

"Ito na ho jusko" sabi ko at nagpahila na ako sa kaniya.

Nakakapagod naman kasi. Training dito, training doon. Parang pinapatay na katawan ko sa pagod.

"Okay! Break muna. Mamayang 1pm ulit," sabi ng coach namin.

Break pero may klase talaga. Syempre kailangan naman talaga naming umattend ng classes kahit na in training kami pero, nakakapagod talaga.

Studies and training? Nakakamatay.

"Jusko pagod na ko mga teh," pagrereklamo ni Maye sa mga ka-team ko na kaklase ko lang din.

"Oo nga tapos mag-aaral pa. Bago daming assignment,"

"Hirap hirap ng training wala man lang pa-biscuit,"

"Sa true lang, my god. Mas kuripot pa school na 'toh sa' tin eh,"

"Hayaan niyo na, wala din naman tayong magagawa," sabi ko sa kanila.

"Ikaw ba captain, hindi ka ba napapagod?"

"Oo nga Chanel, parang hindi ka stress dyan," dugtong ni Maye.

"Syempre, stress din pero wala naman tayong choice. Ginagawa ko nalang ay dinadama ko lahat ng pagod kasi ako naman ang pumili n maging player," sabi ko sa kanila.

Nagsibuntong hininga naman mga kasama ko kasi wala naman talaga kaming magagawa eh. We choice to be in this team, to play for our school kaya no choice. But I get their point, we just want some consideration.

Dumiretso kaming canteen para mag early lunch. Ang lunch ngayon ay Sinigang at Tinola. Pinili ko nalang ang Sinigang kasi madalas naman may Tinola dito. Sama-sama kaming kumain para sabay-sabay na rin kaming papasok sa room.

Natapos na kaming kumain at dumiretso ng room. Aakyat pa ng hagdan, sakit sa binti.

Nagklase pa kami ngayon and guess what? Math pa ang subject. Papatayin mo ba talaga ako Lord?

Nag start na agad ng lesson ang teacher namin. No greetings, diretso pakita ng PowerPoint.

"Chanel what is the answer in number 4?"

Ha? Ako?

"Po?" Pagsagot ko ay biglang naningkit ang mga mata ng teacher ko.

Patay.

"Hindi ka ba nakikinig sa klase ko? Ano porket player hayahay na? Bubulakbol nalang?"

Nagpapakahirap ako sa training. Pangalan ng school dinadala namin tapos ganiyan?

"Sorry po ma'am pagod lang po. Matindi po kasi yung ginawa kanina," sabi ko sakaniya.

"Opo ma'am mahirap po yung pinagawa kanina lalo na po kay Chanel. Siya po kasi ang captain namin at malapit na rin po ang laban," pagtatanggol sa'kin ni Maye.

Sinegundahan pa ng iba. Grabe ang babait talaga ng mga 'toh, si ma'am lang hindi.

"Sige, ipagtanggol niyo pa. Hindi yun rason para hindi makinig sa klase ko. Dapat matutong pagsabayin. Matuto kayong umasta ng maayos. Libre na nga sainyo lahat pinapasa pa mga grado niyo tapos ganiyan ugali niyo. Huwag mag-rebelde baka hindi kayo tanggapin sa langit," sabi ni ma' am.

Biglang tumunog na ang alarm clock sa room, senyales na tapos na ang klase.

"Umayos kayo sa susunod. Sama ng loob lang nabigay niyo sa'kin," sabi ni ma'am saka umalis na ng room.

Sakto namang dumating na si Sir Fuentes dito sa room namin.

"Yin, hayaan mo na si ma'am. Alam mo naman yon wala ng ginawa kundi magalit. Wala kasing jowa," sabi ni Eli.

A Joyful Tear Where stories live. Discover now