11

42 6 28
                                    

Nakapag-assembly na kami at nakapag-stretching na rin. Ngayon ay mag-jjogging na kami sa oval. Dinala ko ngayon ang aking charm bracelet dahil gusto kong matablan ng swerte.

Pumila na kami at syempre dating gawi palagi na si Adiel ang katabi ko. Palagi namang siya ang katabi ko.

"Hi captain! Good morning! Musta araw mo?" Adiel greeted me again. Boomerang peg nito palagi.

As usual, kada simula ng jogging lagi niya akong kinakamusta. Consistent si Adiel, di yata napapagod ang lolo niyo.

"Good morning din ulit," sabi ko sakaniya at tinawanan siya.

"Ay nabati na nga pala. Sorry aken," sabi niya at saka niya tinawanan sarili niya. Nabubuang na yata.

"Okay naman naging mga araw mo, captain?" Tanong niya sa akin.

"Oo naman, ikaw ba?" Sabi ko.

"Woy sandali lang ah," sabi niya.

"Huy narinig mo yun diba tinanong ako ni captain? Oh ikaw din diba narinig mo rin diba?" Tanong niya sa nasa likod namin.

"Opo, captain," parehas na sagot nila.

"Sigurado kayo ah, narinig niyo ah, patunay ko kayo!" Sabi niya sakanila.

"Okay okay, ako naman ayos lang," sabi niya at nanginig nginig pa na akala mo'y nangingisay sa pagkatapos niyang sagutin ako.

"Oh bakit ka naman nag nginginig nginig dyan?" Tanong ko.

"Kinikilabutan ako ih, ngayon mo lang yata ako natanong kung kamusta araw ko," sabi niya at ngiting ngiti pa rin.

"Buang. Tsaka correction, sabi ko lang ikaw? Di kita directly tinanong," sabi ko sakaniya.

"Wag ka ng umepal, isasapaw mo pa kasungitan mo eh. Basta tinanong mo ko! Ayan oh patunay ko sila, diba? Diba? Umangal lagot sakin," Sabi niya at nilingon ang nasa likod namin.

"Opo," sagot naman nila at nailing iling.

"Oh sabi ko sa'yo," sabi niya sa akin at ngumiti sabay taas baba ng kilay.

"Ewan ko sa'yo," sabi ko sakaniya at napailing nalang.

"Ehem ehem. Okay, okay ito ang aking naging araw," sabi niya at umubo ubo pa.

"Ayos naman ako, okay naman ako, masaya naman ako, at higit sa lahat pogi pari-"

"Okay na, tama na yan. Nilulubos mo naman masyado," sabi ko sakaniya at saka siya tinawanan.

"Captain naman eh. K di wag," sabi niya at sumimangot pa.

"Oh sige na, kamusta araw mo?" mahinahon na tanong ko.

"Kuh, yoko nga," sabi niya at nakasimangot.

"Kamusta po ang araw mo, Adiel?" Mahinahon kong tanong at saka siya nginitian.

Nanlaki ang mata ni'to at biglang namula ang mga tenga.

"Huwag ka ngang ano diyan," sabi niya at saka kinagat ang kanyang labi. Halatang nagpipigil ng ngiti.

"Bakit?" Tanong ko sakaniya.

"H-huh? Ano yon?" Nanlaki ang mata niya at naka kagat pa rin sa labi. halata paring parang nagpipigil ng ngiti. Nabaliw na ba toh?

"Kamust po ang araw mo?" Tanong ko sakaniya.

He cleared his throat first before answering me. Ewan ko ba dito. He's acting weird na naman.

"Ahm ano ayos lang naman ako tapos I'm fine and I'm okay lang naman," he answered like he wanted to poop. Buang na yata.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sakaniya.

A Joyful Tear Where stories live. Discover now