Week had passed and today is the first day of our meet. Laro namin ngayon and performance nila Eli.
"Omg naeexcite na ako!! Mapapanood natin si bebe Eli!" Tuwang tuwang sigaw ni Maye.
"Masyado ka namang excited," sabi ni Amaris.
"Aba syempre! Laban toh ni Eli bilang dancer at cheerleader!!" Sabi ni Maye.
"Ay oo nga pala, cheerleader na rin si Elipot," sabi ni Amaris.
"Anong oras ba ang laban nila?" Tanong ko. Gusto kong puntahan si Eli mamaya para mapanood siya.
"Mga 2 daw sila mag perform pero 1-5 ang laban," sabi ni Maye.
"Sakto pala eh, makakapanood tayo ng sa boys, pati na rin ng kay Eli," sabi ko.
"Ay Chanel, mamaya pala hehe aalis muna ako ah! Magkita nalang tayo. Ay pasama ka nalang kay Adiel!" Paalam ni Maye.
"Saan naman ang punta mo?" Kunot noo na tanong ko.
"Ah eh basta! Basta mamaya kita nalang tayo," sabi niya.
"Sige, Ikaw bahala," sabi ko. Pinuntahan ko si Amaris upang magtanong kung may alam siya tungkol kay Maye.
"Huy Amaris," pagtawag ko.
"Oh ano yon bestie?" Tanong ni Amaris habang naglalaro ng bola.
"Alam mo saan ang punta ni Maye?"
"Nako, malamang sa basketball. Balita ng iba doon eh tumatambay yang linggit na yan," sabi ni Amaris.
"Basketball? Ano namang ginagawa nun dun?" Tanong ko.
"Ay nako, ewan ko. Baka may bebe na doon. Mandurugas kayo eh iniwan niyo kami ni Eli," sabi ni Amaris.
"Ulul wag ako," sabi ko sakaniya.
"Eeeh, bestie naman eh,"
"Sakin mo pa itatago si kiyay ha? Wag ako Juan," sabi ko at saka siya tinawanan.
"Tse, dyan ka na nga! Ayan na si Adiel oh, tsupi," sabi ni Amaris.
Pag lingon ko ay nandito na nga sina Adiel, at mukhang kasama nila si Hannah. Hindi niya ako nasundo ngayon dahil kinailangan na silang taga SHU ang magkakasama papunta rito, yun ang kanilang protocol.
"Good morning, captain ko," bati niya sa akin.
"Morning," sabi ko.
"Hi Chanel!" Bati naman ni Hannah.
"Ahm, hi!" Bati ko sakaniya. Hindi ko alam kung paano ba ang dapat na pagbati dahil hindi naman kami close.
"Huy, lovebirds ah masyado kayo," sabi ni Emman.
"Ulul, layas," sabi ni Adiel at saka naman umalis sina Emman habang inaalalayan nito si Hannah. Wala naman ng saklay si Hannah pero inaalalayan niya ito.
"Kamusta captain? Ayos ka lang?" Tanong nito.
"Oo naman, ikaw?"
"Ayos lang din," sabi niya at saka ngumiti.
"Kumain ka na?" Tanong ko.
"Ikaw ha, concerned," mapang-asar niyang sabi.
"Oh sige binabawi ko na,"
"Ito naman, joke lang," sabi niya at saka ginulo ang buhok ko.
"Opo, kumain na po ako," sabi niya.
"K, thanks sa info,"
"Haynako, ang sungit sungit ng bebe ko," sabi niya at saka pinisil ang pisngi ko.
Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ito. Hinampas ko siya sa kaniyang balikat dahil baka mamaya ay may nakarinig.
YOU ARE READING
A Joyful Tear
RomanceVolleyball, the first love of Chanel Laine Guinto, and because of it? She found love. She fell and she was saved, but is he the guy she's willing to give her joyful tear? (ONGOING)