10

32 6 17
                                    

Nakalipas na ang isang linggo at ngayon naman ang last two weeks ng training namin. Nakaka excite na nakakakaba dahil nalalapit na ang laban.

Nag-aayos ako ng gamit ko ngayon sa aking kwarto. Niready ko na ang aking mga kailangan para mamaya. Nasa baba sina mama at papa kumakain ng almusal.

"Anak? Tapos ka na ba dyan? Halika na dito at kumain ka na. Baka malate ka pa nyan," dinig kong tawag sa akin ni mama.

"Opo ma," sabi ko.

Nagmadali na akong mag-ayos upang makakain na. Inilagay ko ang bago kong dadalhin na extra clothes, hygiene kit and requirements na kailangang ipasa. May biglaang kailangan na requirements para sa gen math. Mapapatay ako nito kay ma'am Ecinto kung di ako makapag pasa. Ratatat na naman toh malala kung nagkataon.

Nang matapos akong mag-ayos ay bumaba na ako upang sumabay kina mama na kumain. Andito pa rin si papa at nagkakape pa. Himala na hindi siya nagmamadali ngayon at may time pa siya na magbasa basa ng dyaryo.

Habang kumakain ako ay bigla namang nagsalita si papa. Kinakamusta na naman ang grades at ang pag vvolleyball ko.

"Oh Chanel? Anong grade ni Amaris ngayon?" Tanong ni papa sa akin.

Mali pala ako, kay Amaris nga pala ang mas iniintindi nito at hindi ang grade ko. Hindi ang effort ko, hindi ang mga paghihirap ko sa pagaaral. Mas iniisip niya ang grade ng kaibigan ko na kasunuran ko sa final grade.

"Ayos naman siguro Pa ang grade ni Amaris. Hindi ko lang po alam kung ano nga ba ang grade namin ngayong first sem dahil wala pa naman pong sinasabi sa amin," sabi ko kay Papa.

"Bantayan mong maigi ang mga grade nyang si Amaris ha? Mamaya tinataasan ka na noon," sabi ni Papa.

"Hindi naman po ganoon si Amaris Pa. Nagaaral lang naman po talaga ng maayos yung tao kaya po ganoon ang grade niya. Hindi naman po siya nakikipag kompetensya sa akin," sabi ko kay Papa. Dahil totoo naman eh, wala ngang pakialam si Amaris sa grades niya pero palagi pa rin siyang mataas.

"Nako, hindi mo naman talaga kilala yang taong yan. Mamaya ay tinitira ka na niyan patalikod ng hindi mo alam," sabi ni Papa.

"Ano ka ba mahal, maayos naman talagang bata si Amaris. Napakabait kaya noon, pati na ang nanay noon. Kumare ko nga iyon eh. Inaanak ko pa ang kapatid noon," sabi naman ni Mama.

"Haynako, tigil tigilan niyo akong dalawa. Kahit ganyan ay hindi niyo parin masasabi kung matino ba talaga iyon," sabi ni Papa.

"Hayaan niyo po Pa, aayusan ko nalang po lalo ang pag-aaral ko para po mas mataas ang maging grado ko," sabi ko kay Papa.

"Aba dapat lang. Manghinayang ka sa pampaaral namin sayo ng mama mo. Hindi biro kumayod kaya ayus ayusin mo buhay mo," sabi ni Papa.

Palagi nalanh niya itong linya. Bakit? Obligasyon naman nila iyon ah. Bakit parang kasalanan ko?

"Haynako anak basta pasado ka ay masaya na ako! Huwag kang magpapabaya ha?" Sabi ni mama.

"Opo naman ma," sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Eh yang volleyball niyo? Kamusta? Kelan ang laban niyo?" Tanong ni Papa.

"Ayos naman po Pa. Mas mabigat po ang training namin ngayon dahil two weeks preparation nalang po. Next next week na po ang laban, hindi lang po sigurado ang location," sabi ko kay Papa.

"Kapag nalaman mo na ang exact location, sabihin mo agad sa amin at manonood kami ng mama mo," sabi ni Papa.

"Talaga Pa?! Makakapunta po kayo ngayon?!" Excited na tanong ko kay Papa dahil madalas naman ay wala sila kapag niyayakag ko silang manood.

A Joyful Tear Where stories live. Discover now