Now is the start of the hell week. Ngayong dito na ang practice ay dito na kaming lahat.
Kailangang maaga dahil nakakahiya naman sa mga taga SHU. Kaya naman maaga akong umalis sa amin. Mula umaga na kasi ang practice, mahirap nang ma-late.
Pagkarating ko sa court ay nandoon na sina Amaris at Maye, si Eli ay may practice rin kaya wala rin siya ngayon.
"Good morning, bestie!" Sabi ni Amaris.
"Good morning, Yin!" Sabi naman ni Maye.
Minsan ay tinatawag nila akong Yin. Shortcut sa Laine. Ewan ko ba kina mama tinatawag akong yinyin kaya ayan.
"Good morning din," bati ko sakanila pabalik.
Inilagay ko na ang aking mga gamit at nagstretching muna ng kaunti para ready mamaya.
Maya-maya ay dumating na ang mga taga Savanna. Nangunguna rito si Adiel demonyo.
"Ayan na pala bebe mo eh," sabi ni Maye.
"Baliw, bebe ka dyan," sabi ko.
"Yieeee captain"
"Captain smile na,"
"Awut Adiel for the win," pangaasar ng mga ka-team namin.
Engot na Adiel kasi ano ano pinagsasabi. Matapos niyang sabihin yon ay hindi na nila kami tinigilan ng asar.
"Good morning, captain," napalingon ako sa nagsabi ni'to.
Syempre sino pa ba, edi si evil.
Nakangiti ito at halatang mapang-asar na ngiti ang iginagawad sa akin.
"Good morning din, co captain," sabi ko at tinipid na nginitian siya.
"Yieeee captain ang call sign!" Sigaw ng iba.
"AdiNel for the win!" Sigaw ni Maye
Gago talaga ang mga ito. Jusko Lord pinagpalang lubos ba ako sa kamalasan Napailing nalang ako at inirapan sila.
Pumunta ako sa equipment section sa court upang ihanda ang mga kakailanganin mamaya.
Habang nag-aayos ay may mga kamay na nakiki-asungot sa aking pag-aayos.
"Tulungan na kita,"
"Ayos lang, doon ka nalang Adiel," sabi ko.
"Morning captain, tulong na kami!" Rinig kong sabi ng katabi ni Adiel. Nakakunot noong nakatingin ako rito.
"Nako master di yata ako kilala," bulong niya kay Adiel.
"Gago ka kasi sumulpot ka pa rito," sabi ni Adiel
"Bakit? Gusto mo ma-solo noh? Bawal PDA dito uy," sabi naman ni'to.
Tumingin sila sa aking dalawa at itong kasama ni'to ay ngumiti sa akin at inilahad ang mga kamay.
"Ako nga pala si Emman. Jude Emmanuel Ocampo, pinsan ko itong Adiel na ito,"
"Wow ha parang lugi ka pa," sabi ni Adiel.
"Kadiri, ikaw maswerteng pinsan mo ko 'noh," sabi ni ito at tumingin ulit sa akin at inilalahad ang kamay.
Aabutin ko na sana ngunit iniiwas ni Adiel ang kamay ni'to.
"Kakamay ka pa mamaya kung saan mo iyan inihawak," sabi ni Adiel.
"Wow naman ang protective. Jowa ka?"
May ibinulong si Adiel at nagtawanan ang dalawa. Galing, dalawang ulupong na pala ang makakaharap ko palagi.
"Sige na mag-ayos na kayo diyan," sabi ni Emman at tinanguan ko nalang siya sabay ngiti.
YOU ARE READING
A Joyful Tear
RomanceVolleyball, the first love of Chanel Laine Guinto, and because of it? She found love. She fell and she was saved, but is he the guy she's willing to give her joyful tear? (ONGOING)