05

48 6 9
                                    

Really Adiel? Nanggamit ka ng bata para makipag-ayos sa akin?!Pasalamat ka at cute kapatid mo. Kala mo naman madadala ako sa ganoon at sa pagkain?!

May pa-letter ka pa. Pasalamat ka maganda penmansbip mo.

Nasa bahay na ako ngayon at nagtaka si mama nang may dala-dala akong box ng cheesecake.

"Oh, ano 'yan?" tanong ni mama.

"Regalo lang ng kaibigan ko, ma." sabi ko kay mama.

"Baka naman galing sa boyfriend mo? Aba kung may boyfriend ka na eh ipakilala mo na sa amin,"

"Wala naman akong boyfriend ma, bigay lang talaga ito,"

"Ako pa uutuin mo. Bakit ka naman reregaluhan wala namang okasyon," pang-aasar pa niya.

"Ma, wala nga po akong boyfriend. Binigyan lang talaga ako ng kaibigan ko dahil peace offering,"

"Huwag ka nang magsinungaling. Ako pa uutuin mo eh halata ka naman,"

"Taas na po muna ako,"

"Nako ang anak ko nag-dadalaga na!"

Haynako si mama talaga. Kung magkakaroon man ako ng boyfriend ay sasabihin ko naman sakanila.

Pagkatapos kong mag-palit at mag-ayos ay binuksan ko muna ang cellphone ko para tignan kung mayroon bang ganap.

Pagbukas ko ng wifi ay sunod-sunod na ang notifications mula sa group chat namin. Itong tatlo na naman nagbabardagulan.

Maye kulangot:

Kingina nitong si Adiel. Magbibgay nalang manggagamit pa ng bata.

Elipunga:

Taena ang cute nga eh HAHAHAHAH pero nanggamit ng kapatid ampucha.

Amang kabute:

Pucha di ganoon ang turo ko eh! Pinapahiya ako ng aking kumpareng Adi.

:Express Laine

Magsitigil nga kayo, kautuan niyo.


Hindi na ulit ako nag-chat pa at nag-scroll nalang ako sa iba kong social media.

Pag-scroll ko sa twitter ay nakita ko ang mga pinag-commentan at nilike ng tatlo.

@AdimidatingKye
Silly me. Such a user.

Sino ba ito at pinagbabardagulan ng tatlo?

@Mayeganda
Hina mo lods. Child abuse!

@EliJane
Kingina! Ayos na sana pero bugok ka!

@AmaMoAmaKoRin
Pucha ka pare. Pinapahiya mo ang teaching skills ko.

Nakita ko pang nag-reply si Maye kay Amaris.

@Mayeganda
Ang uto mo. Teaching skills eh torpe ka nga! Ulul!

Sino ba ito at buhay na buhay ang tatlo.

Tinignan ko ang account nito.

Adi
@AdimidatingKyle
I owe everything to Him.
100 following 8,097 followers

A Joyful Tear Where stories live. Discover now