Day of Chaos
A-Am I late?
Sumakit ang tiyan ko sa kaba at takot.
The lock of the door is now broken. Then suddenly, a group of men rushed to get out from that door and close the broken door behind them.
Gusto kong murahin sila isa isa dahil ano pang silbi? Sinira na nila ang pinto. But then I realized I'm not in the position to do so. Maybe they were filled with adrenaline kaya imbes tumawag para pagbuksan namin sila ay diretsang sinira na lamang nila ang pinto.
I cursed under my breath as they panicked in closing the door. Naghanap ako ng mga mabibigat na bagay at tumulong para mabarekadahan ang pinto. Seeing the faces of these guys who just came in, I think I'll die if I stick with my plan of going down through that door.
The two of them are familiar to me while the other one is from my batch. The two already graduated from this campus many years ago yet they are here with us, trapped in this rooftop.
I'm thinking of something which I think is impossible but I am so desperate to get to my brother. Lumapit ako sa mga kaibigan ko.
"Guys, I'm gonna go down. Please, ingatan n'yo mga sarili ninyo."
Nanlaki ang mata nina Lory at Kiana. Gusto kong magpaalam sa kanila ng maayos pero wala ng oras para doon. Gusto ko lang na mag ingat sila. Sa panahong ito, wala akong ibang magagawa kung may mangyari mang masama sa mga kaibigan ko. Kailangan kong umuwi sa kapatid ko at 'yon ang pinaka importante sa akin.
"Zori, masyadong delikado. Nakita mo ang sitwasyon sa baba—"
"Drew! Hindi pwedeng manatili lang ako dito! Kailangan kong umuwi. Just don't worry about me, mag ingat kayo..." Naiiyak kong sabi bago nagpunta sa banda kung saan ko nakita ang hagdan kanina.
Hindi ito umaabot sa mismong lugar na gusto kong babaan pero malapit ito sa bintana. I will enter through the window in one of the rooms on the third floor. I know it is too risky but I'm sure there are still safe areas down there.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago hinubad ang skirt na suot ko. I am wearing thick cycling shorts at mas magiging komportable ako sa pagkilos kung iyon lang ang suot ko. Hinubad ko na rin ang sapatos ko.
We are exposed under the heat of the sun but the sky is slowly turning into ash gray due to the smoke that are emitted by those burning building, houses and cars. The world is in chaos.
"Arion, do you wish to die?!" Millie worriedly screamed at me.
Kahit may mga hindi magandang ugali ang grupo nina Kate, alam kong sa kabilang banda ay hindi sila ganoon kasama.
"Mag ingat kayong lahat."
'Yon lang ang tanging naisagot ko. Noong wala pa ako sa ganitong sitwasyon, maiisip ko na kailangan ko ring iligtas at tulungan ang mga kaibigan ko. Pero ngayong nandito ako sa mismong sitwasyon. Alam kong hindi ko iyon magagawa dahil may ibang tao na mas importante at kailangan kong unahin. Nalulungkot ako at masakit para sa akin na iwanan ang mga kaibigan ko.
Basa ang malalamig kong mga kamay nang humawak ako sa bakal na hagdan. Malakas at malamig ang humahampas na hangin sa aking balat. Sumasabay ang tunog na nakakatakot na nagmumula sa mga patay sa baba. Yes. I'm in the middle of a zombie apocalypse. Parang mabibingi ako sa halo-halong ingay na naririnig ko mula sa mga halimaw na sinasabayan ng sigaw, hiyaw at iyak. Dahan-dahan kong tinatahak ang hagdan na nakakabit sa dingding ng ikaapat na palapag ng gusali.
This is my first time to do this and I never imagined myself doing this. Para akong susuko pero hindi pwede dahil kailangan kong bumaba.
Hinayaan ko ang pagbagsak ng aking luha habang dahan-dahan rin ang aking pagbaba sa hagdan. Sandaling natigilan ako pero agad rin akong bumalik sa katinuan. Tumingala ako at nakita ko ang mga kaibigan at mga naiwan ko sa taas na sumisigaw sa akin at nagmamakaawang bumalik ako. I saw one of the men who looked familiar to me. He's staring intently at me with his jaw clenched. Para bang tinitimbang nya ang bawat galaw ko. Unlike the others who are encouraging me to stop and go back to them, siya ay nakatitig lang.
BINABASA MO ANG
The Beginning of The End
HorrorIt will never be the same anymore. Mag iiba ang mundo pati na rin ang mga tao. If this is the wrath of God, no one can do anything about it. But as long as they have the air to breath, a human will fight to survive. This is not just a battle against...