Chapter 12: Stubborn

1.2K 90 41
                                    

Stubborn








Our eyes and ears were all fixed on the door. It's kind of weird that the banging has stopped.

Napalunok ako at lumapit kay Millie para tulungan syang makatayo. Sobrang lamig rin ng mga kamay nya. Aki pushed us behind him as he prepare his bat.

Wala na talaga kaming naririnig na kalabog kaya mas nabahala kami. We are used to them being reckless and whenever possible, they will try to get to people when they smell our flesh. Kaya nagtataka kami kung bakit natahimik at natigil ito.

"We are overthinking." Aki whispered and lowered his bat.

"M-Maybe we are. They only give up knowing they can't get to us..." Bulong ni Millie, puno ng lungkot ang kaniyang boses.

Siguro nga nagooverthink lang kami. Just like the usual, some infected tends to give up when the situation is impossible for them.

Huminga ako ng malalim at pinakawalan ito.

"Let's go. Let's just get what we need." I pat Millie's shoulder and bring her along with me.

Nakayuko syang sumunod sa akin pababa ng hagdan, bumabagsak pa rin ang luha sa kaniyang mga mata. Dinala nya kami sa may kusina at binuksan ang kanilang pantry. Somehow, my spirit lift up when I saw that there are plenty of foods inside their pantry. Ibinaba ko ang bag ko sa counter island at nagsimula ng kunin ang laman ng cabinet.

Tinulungan nya naman ako habang si Aki naman ay nasa may bintana. I guess he's looking for Pierce. Nababahala rin ako dahil baka mapaano si Pierce doon lalo na't wala s'yang kasama habang tatlo kami dito.

Noodles, spam, biscuits, eggs on one tray, spices, pastas, canned goods and a lot more. Napaisip tuloy ako kung bakit hindi nalang kami dito manatili. But I think it would be hard for Millie, maybe I should talk to her about this idea.

Naglakad si Millie papunta sa kanilang ref. We heard something like a bleep the moment she open the door of the refrigerator. My mouth went agape when I realized what it was. Tuluyan ng nawalan ng kuryente ang buong lugar, I assumed. Natigilan si Millie sa harap ng ref bago humagulgol ng iyak.

Nanikip ang dibdib ko habang nakatingin sa kaniya. Nilapitan ko sya at niyakap.

"W-Wala na ang pamilya ko. Wala na ang ibang taong kilala ko. Nawalan na tayo ng kuryente, a-ano pa ang susunod?" Umiiyak nyang sabi.

Hindi ko sya masisisi kung puno ng negatibong bagay ang isip nya ngayon. But I'm proud of her. Mas pinili nyang hindi makita ang mga magulang nya kahit sobrang nasasaktan sya sa nangyari. For me, it's better that way. Mas mabuti ng hindi ko makita ang kalunos-lunos na sinapit ng mahal ko sa buhay. I'd like to think that they have left this world just like how they look when they're happy and when everything is still fine.

"Shhh... It's okay, Millie. N-Nandito pa naman kami eh. We will get through this all." Pinahiran ko ang luha ko.

I saw Aki watching us quietly, may lungkot rin sa kaniyang mga mata. Bumitiw ako kay Millie at hinalughog na namin ang ref nya. There are still some eggs inside, fruits, vegetables, milk drinks, and sodas. Binuksan ni Millie ang freezer at inilabas ang mga nakastyro at wrapped na meat. Napalunok ako at hindi ko maiwasang matakam sa mga karne na nakita ko.

"Saan ba yung mga sinabi mong sako ng gulay, Millie?" Ani Aki habang nakapameywang at nanonood sa amin.

Humarap si Millie sa kaniya bago naglakad, "Dito..."

Naiwan ako sa may kitchen habang sila ay nagtungo sa isa pang silid at tingin koy papunta sa dirty kitchen. Tatapusin ko nalang ang pagkuha sa mga pagkain na nandito pa.

The Beginning of The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon