4

37 7 14
                                    

Gumulong ulit ako sa kaliwa nang hindi pa 'rin makuha ang tamang posisyon sa pagtulog. Tatlong araw na akong binabagabag at hindi pinapatulog ng mga iniisip ko.

His heart is owned? By who? Mukha siyang broken eh, anong nangyari sa kanila?

Nalilito na 'ko kung saan ba talaga nag-init ang ulo ko eh, dahil ba tinawag niya akong panget sa pananamit ko o dahil sa--- no! Bakit naman ako magagalit kung mayroon nang nagmamay-ari sa kaniya? Sino ba siya? Hindi ko naman siya crush eh, nagwapuhan lang ako sa kaniya. Besides, hindi rin naman crushable ang ugali niya.

Na-hurt talaga ako sa statement niyang iyon.

Bumuntong hininga ako at kinuha ang cellphone ko sa tabi ko. Nagbukas ako ng Facebook at nagpost.

'By who?'

Hindi niya naman makikita 'to dahil hindi naman kami friend sa Facebook at wala akong planong hanapin siya... hindi ko naman kasi alam apelyido nila.

"12 midnight na pala." Napahilamos ako at bumaba sa kama.

Lumabas ako sa terrace namin at tumingin sa baba kahit wala naman nang naroon dahil madaling araw na.

"Psst!" Napatingin agad ako sa katapat naming terrace nang marinig ko iyon.

Napairap ako nang makita ko si Augustus na nakaupo sa grills ng terrace nila at... naninigarilyo siya. Alam ba ito ng tatay niya? Jusko, kabata-bata niya palang.

I parted my lips to speak but he cut me off by putting his index finger in the middle of his mouth, telling me to be quiet.

Magsasalita na sana ulit ako ng magvibrate ang cellphone ko.

'Augustus Guillermo sent you a friend request.'

I took a glance on him then back to my phone. Wala siyang hawak na cellphone at hindi ko 'rin siya nakitang gumalaw o may kinalikot na kung ano.

"What?" I jumped on shock when he asked.

I rolled my eyes and boredly showed my phone on him. Sigurado naman akong alam niya ang ibig sabihin ko.

"I obviously didn't do that. I don't have my phone here and my Facebook account isn't made just now."

Nagkibit balikat ako at papasok na sana because I didn't want to waste my time talking to this jerk, pero sinitsitan niya ulit ako.

"Psst! Papasok ka na?"

"Hindi ako 'psst'! May maganda akong pangalan at oo papasok na 'ko, hindi ba obvious? Ang sama na ng hangin dito eh." Para akong tanga na sinisinghalan siya ng pabulong pero tama lang na makarating sa tenga niya.

But instead of getting annoyed, he just gave me giggle, "Matulog ka na... at magpalit. Masyadong malamig." He looked away.

Doon ko lang narealize na naka-sando na fitted lang ako at manipis na pajama, and worse, wala akong bra! Hindi naman halata ang nipple ko dahil madilim pero nakakahiya pa rin!

Napasulyap ako sa bintana nila bago pumasok at nakita ko si Kuya Gegaspi, ang weird talaga ng name niya, may hawak siyang phone at nakamasid samin. Napansin niyang nakatingin ako kaya dali-dali siyang nawala. Could it be him? Yung nag-add sa 'kin?

Tanghali na 'ko nagising dahil pinuyat nanaman ako ng Agosto na iyon.

"Ate may katabi ka bang kiti-kiti kagabi? Ang likot mo matulog eh." As usual, ang mataray kong kapatid.

Hindi ko siya pinansin at naupo na sa hapag, tanghali na kaya tapos na sila kumain ng lunch, ako nalang ang hindi.

"Si Izar?" Tanong ko kay Solar bago sumubo ng kanin.

Breakeven (The Script Trilogy 1)Where stories live. Discover now