6

21 6 13
                                    

Wala na kami sa shop pero naiinis pa rin ako dahil kahit hanggang sa paglalakad namin ngayon papuntang park ay hindi niya ako tinitigilan sa pang-aasar. Hindi man siya tumawa o magsalita, nakakainis pa rin ngisi niyang hindi natanggal sa mapang-asar niyang mukha.

"What?" Pagmamaang-maangan niya nang makita ang masamang titig ko.

"Can't you stop grinning? Nang-aasar ka talaga 'no?"

"Bakit? Are you embarrassed? Hindi ka nga nahiya kanina kung makakapit ka sa 'kin na para bang close tayo."

Eh bakit, 'diba friends naman na kami?

"Feeling close yun sa'yo pero ganoon kasi ako sa mga taong kumportable akong kasama." Napatigil siya, "Bakit?"

"Ang bilis mo naman maging comfortable, we just met at hindi pa naging maganda ang simula natin."

Hindi ko alam pero ganoon talaga ako. Mabilis mag-tiwala at mag-adjust sa isang tao. Some said that, that personality of mine will become my weakness someday at nangyari na nga iyon few years ago kaya ako nalang ang umiiwas makipag-kilala, pero naiwasan ko ba ang isang 'to?

"I just get attached too easily that's why." Maikling paliwanag ko.

Nakarating kami sa park na malapit at umupo sa bench na inupuan namin kagabi, iyong malayo sa mataong part ng park. Napangisi ako ng maalala ang nangyari.

"May naaalala kaba dito?" I asked him with the widest smirk I could give. Now it's my time.

Doon nawala ang nakakainis niyang mukha, napalitan ito ng seryoso. His brows furrowed adding darkness that is now in his face.

He stayed in a frown, "Don't you dare bring that up again, Ares. Once you sip on that drink, you'll forget everything about last night." He pointed my milktea.

Tinignan ko ang milktea na hawak ko at napalunok, nakakatakam kasi ito. I then gazed at him. Gusto ko ang milktea pero mas gusto kong maki-chismis sa buhay niya. Kailangan niya itong ilabas kung hindi didibdibin niya ito, pagdinibdib niya, magkakaroon siya ng sakit sa puso, kapag nagkasakit siya, makokonsensiya ako araw-araw dahil dapat kinausap ko siya. Magkakasakit na nga siya dahil sa bisyo niya, lalala pa dahil marami siyang dinidibdib.

"Bakit? We can talk about it, Gus. What lies beneath that tears of yours?" I seriously said.

Bigla tuloy naging seryoso ang atmosphere. Balak ko lang sana siyang asarin.

Ngayong mas malapit kami sa isa't-isa ay mas namangha ako, his jawline is perfectly carved complimenting his face features more. Siya yung tipong kahit ilang beses mong titigan ay hindi ka magsasawa. Iyon nga lang, all you'll see is sorrow, a suffering that is never told. Nakakabahala dahil may kulang. Kapag ngumiti siya ay hindi umaabot sa tenga, kapag tumatawa ay hindi totoo, kapag nagsasalita ay galing sa malamig niyang puso. Magulo at lito.

He looked at me with that gloomy eyes of him. Matagal kaming nagkatitigan, as if he's searching for my sincerity hanggang sa siya na ang umiwas.

"Let's be friends with benefits." Natigilan siya sa sinabi ko at lumingon sa akin.

Mabilis siyang namutla, hindi inaasahan ang sinabi ko.

"Mali ang iniisip mo, Agosto."  I giggled.

"W-what do you mean ba?" I saw how many times he gulped, nervous of what could I mean by that.

"Benefits as in, ikaw magiging human diary ko as I am to you. We will share each others problems, thoughts... things that were left unsaid pero hindi magre-response, makikinig lang."

"Bakit hindi magsasalita?"

"Bakit? Ang diary ba nagsasalita?"

He just scoffed, "I don't know you're this cheesy. Mukha kang mahinhin sa malayo, even when your clothes are quite..." Hindi niya itinuloy ang sasabihin.

Breakeven (The Script Trilogy 1)Where stories live. Discover now