Our summer went happily like that. Sobrang bilis pero ang isa sa pinaka-masayang almost two months ng buhay ko. Sinulit namin ito ni Gus sa pagkilala sa isa't-isa. We became closer and come to know each other with that short-span and it was fun, even if he was a bit hideous pa. Hindi pa man malalim pero kumportable na ako.
Iyon din ang kinakatakot ko, ayoko na maging uto-uto tulad noon. Kaya kahit gaano pa man kami maging close ni Gus, alam ko ang boundaries ko. Aware naman ako na mas mayaman sila sa 'min pero I can't trust my heart out again. He may hurt me in other way but the same pain as Patty did.
Ngayon ay sabay kaming mage-enroll pero ako sa public at siya naman sa private school dahil nga mas mayaman naman sila. Ayoko rin ng private dahil walang voucher iyon kapag nag-senior high na ako, hindi rin naman ako sure kung kakayanin namin ang finance kapag nagkataon. Balak na din nilang lumipat ng bahay dahil temporary lang sila kila Kuya Jam.
"Uhm, oo nga pala, 'diba pagkarating niyo dito, nung tinawag ako ni Kuya Jam?" I asked as we continue walking, heading to my school.
"Yeah, what about that?" Sabi niya na sandaling tumingin sa'kin.
"When your Dad said na... a-ako ang mairereto?" I suddenly got embarrassed, "Then you replied, hindi siya iyon... may hinahanap ka ba?"
Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ngayon dahil hindi ko ito natanong sa kaniya nung bakasyon dahil nahihiya pa ako.
He laughed shortly, "Ah, that was because I have my type, and you're not it."
Parang mayroon sa'kin na kumirot dahil sa sinabi niya, hindi ko alam kung bakit. May mga times na may naipaparamdam siya sa'kin na first time ko lang naramdaman and it's weird, I can't identify it. Or maybe I was just scared to name it?
Hindi ako nagsalita kahit may gusto akong sabihin na hindi ko din alam. Itinikom ko nalang ang bibig ko pero parang nawalan ako ng gana ngayong araw.
We walked towards the classrooms filled with enrollees and teachers until we reached the designated room for my enrollment. Pansin ko rin ang pagtingin ng may paghanga ng mga nadadaanan naming estudyante kay Gus at hinahayaan niya lang naman iyon. Siguro dahil sa kakaiba niyang pares ng mga mata at siyempre, ang hindi maitatangging itsura niya kaya nags-stand-out siya.
"Ares!" Napalingon ako sa likod ko ng may tumawag sa'kin.
"Aki?" I asked, confused.
Bakit siya nandito? Hindi ba lumipat na siya ng school?
Lumapit siya sa'min at niyakap ako. Ramdam ko naman ang mainit na mata ng iba sa amin dahil dalawa ang gwapong kasama ko.
Aki is undeniably a heartthrob since elementary. He has this soft and playful facade on him. Singkit ang mga mata niyang pinong itim ang kulay na parang buhok niya, he has a kissable thin strawberry-like lips, makakapal din ang kilay niya na hindi mo makikitang naka-salubong dahil lagi siyang naka-ngiti, mahilig din siyang magpahaba ng buhok niya na makapal at puro. Mukha siyang Hapon dahil half Japanese nga naman siya.
"Anong ginagawa mo rito?" I asked when we parted the hug.
He smiled, "Sabi ko sa'yo magta-transfer ako dito 'diba? Para may kasama ka."
"Aww, nakaka-touch ka naman."
I was sincerely touched. He is so thoughtful and caring. Siya parati ang hindi nakakalimot sa'kin, even I, almost forgot he said that, akala ko rin naman kasi biro lang.
Narinig kong may tumikhim sa tabi ko. Andito pa pala ito? Nakalimutan kong kasama ko pala si Gus.
"Ay, Aki. Ito pala si Gus, semi-neighbor ko siya." Lumipat ang tingin ni Aki mula sa 'kin papunta sa katabi ko.
YOU ARE READING
Breakeven (The Script Trilogy 1)
RomanceAntares Cuervin Velar "I got time while he got freedom... when a heart breaks, it don't breakeven."