"I can't believe it! Aki and Emi are dating?!" napatawa pa ako dahil hindi talaga ako makapaniwala.
I mean, we were friends for years and I haven't seen a hint na may gusto sila sa isa't-isa, mas ine-expect ko pa nga na maging sila ni Saui but what are the odds 'di ba?
"Pareho silang engineer sa parehong firm, it must be there," sabi niya at nag-shoot ng bola. Sabagay.
Nandito na kami sa arcade ng mall at naglalaro siya sa basketball machine na 'to habang ako ay nakaupo sa katabing bakanteng machine. Nakaangat sa sahig ang paa ko kaya sini-swing ko ito na parang bata.
They just started dating weeks pa lang pero sabi ni Emi ay nililigawan na siya ni Aki nung last hang out namin.
"Actually, childhood crush ko talaga si Aki," napatingin siya sa 'kin at nagtaas ng isang kilay, "and alam mo ba na in-uncrush ko siya dahil nalaman kong may gusto siya kay Saureign."
"S-saureign?" takang tugon niya na parang napaka-foreign sa kaniya ng sinabi kong pangalan.
"Saureign Yvezco, si Saui!"
"That's her real name?" He is so shocked.
Tumawa ako, "yes she doesn't like people knowing, it's a good name but she prefers Saui, lahat ng papers niya noon sa school Saui lang nakalagay."
Tumango tango lang siya at nag-shoot na ulit, ako naman ay tumingin-tingin sa paligid. Ganito talaga kami mag-usap, minsan paiba-iba ang topic. Nahagip ng mata ko ang mga umiilaw na crane machines na may stuffed toys sa loob. Parang gusto ko tuloy maglaro roon.
"Babe," tawag niya sa 'kin kaya napalingon ako.
"Ano?"
"Para sa 'yo 'to," he pouted before shooting, ng hindi tumitingin.
Lalong nagyabang ang mukha niya nang marinig ang tunog ng machine na ang ibig sabihin ay naka-points siya.
"Yabang!" tiinawanan ko siya, "roon muna ako sa mga cranes, laro ka lang diyan," paalam ko sa kaniya.
Binitiwan niya ang bola, "hahatid kita---"
"Huwag na! Parang ewan ka, matatanaw mo naman ako mula rito. Mag practice ka na lang diyan para makasali ka ng NBA," kiniss ko na lang siya sa pisngi para tumigil at agad akong tumakbo na 'don sa cranes.
Pumwesto ako sa harapan ng isang crane bago nilingon ang nanonood niyang mga mata at pinandilatan ito. Bumalik naman agad siya sa paglalaro, but is still throwing small glances on me.
"Madaya!" singhal ko nang hindi pa 'rin makuha sa ika sampung try ang pisteng Sulley stuffed toy na iyon, "scammer!" muntik ko pang sipain ang machine.
Siguro naglagay sila ng oil sa cranes nito, mga madaya.
"Babe, ano ba 'yan?" and here he comes to make fun of me, "napipikon ka diyan? Akin na ako kukuha," naglahad siya ng kamay sa harap ko.
Umiling ako dahil naubusan na ako ng tokens.
"Wait, papapalit ako, naubusan na 'rin ako eh. I'm going to buy us food as well." he smiled at me, I just nodded.
Mahal ang mga ngiti niya noon, ngayon ay libre ko na itong nakukuha, hilingin ko man o hindi,
Habang wala siya ay nag-decide akong humanap ng ibang cranes na ibang stuffed toy na ang laman kahit na si Sulley ang gusto ko, fan ako ng Monsters Inc. eh. Naglalakad akong nagmamasid sa mga machine kaya hindi ko napanin na may nabunggo ako.
"Sorry---" natigilan ako nang mamukha-an kung sino ang nakasalubong ko.
Ang maputi niyang balat, ang cap na itinatago ang singkit niyang mga mata, ang outfit niyang parating may checkered at ang malamig niyang ekspresyon.
YOU ARE READING
Breakeven (The Script Trilogy 1)
RomanceAntares Cuervin Velar "I got time while he got freedom... when a heart breaks, it don't breakeven."