12

13 4 0
                                    

"Guys, hindi pa ako nakakakain ng maayos," reklamo ko sa kanila dahil atat na silang umalis ng Jollibee.

Dito kasi namin napiling kumain ng light breakfast bago kami tumuloy gumala, hindi pa kasi talaga kami kumain.

"Marami naman tayong kakainan pa mamaya, magla-lunch na rin." Sabi ni Saui na kakatapos lang din kumain.

I just shrugged then stood up. Excited na 'rin ako sa kung ano mang balak namin gawin ngayon. Aki said we will attend a mini concert mamayang gabi. Sakto kasing may tutugtog na sikat na banda sa Pierlas, a famous food park na kahit mga artista ay pumupunta .

"Since masyado pang maaga, si Ems muna sasagot ng gala ngayon." Proud na sabi ni Aki.

"Okayie!" Walang pake na sagot naman ni Ems, palibhasa mayaman, "basta ba Emi na ang itatawag niyo sa 'kin eh."

We ended up going to a live theatre play na nadaanan namin. Hindi namin alam kung bakit kami napunta doon dahil wala naman sa 'ming mahilig manuod ng ganoon pero mabuti na 'rin dahil maganda naman ang play kahit wala kaming alam sa mga ganoong bagay. Dalawang oras ang itinagal ng play kaya exactly lunch siya natapos. Time killer lang talaga namin 'yon dahil sa maaga sila nagpunta sa bahay, wala naman pala silang plano bukod sa pagpunta ng food park mamaya.

"Okay guys, mag-lunch na tayo." Masayang asik ni Saui.

"After lunch, 'san tayo?" Emi asked.

"I think there is a movie I want to see. Cinema nalang." Suggestion naman ni Aki.

We made our way to Mang Inasal nalang for our lunch, mahilig talaga kami sa extra rice kahit na hindi kami tumataba. I remember in our younger years, isa lang sa 'min ang oorder ng my unli rice tapos ishe-share namin sa isa't-isa. Though, ako lang naman ang laging walang pera sa 'min, matipid kaming lahat at praktikal hanggang maaari.

"Girls, ako na mag-order, look for a table na lang." Aki said, voluntarily.

Iniwan namin si Aki sa line at humanap ng table namin. Nang makaupo ay saktong tumunog ang cellphone ko.

Agosto:

'What's your food kaninang break?'

'I didn't have the chance to text you, hindi ako kumain, nasa library ako for something.'

'I'm on my way there na pala sa bahay niyo, remember my promise? Kauuwi ko lang from school.'

Wow, sunod sunod yung text at update sa 'kin.

Me:
'i'm sorry, i can't at this time, i'm with aki.'

Ay, I forgot to say about the girls. Well, hindi niya naman personal na kilala ang mga ito.

Agosto:
'What? Where are you? I can join right?'

I was about to type my reply pero dumating na si Aki dala ang inorder namin. He sat beside me, kaharap namin si Saui at Emi.

"Uy, you look like a couple, naka-terno pa kayo ng color." Hagikhik ni Emi sa 'min.

"Yuck! Isa kang clown." Parang diring-diri na singhal sa kaniya ni Aki.

Na-hurt ako slight kasi parang wala naman kaming pinagsamahan pero dahil hindi ko naman na siya crush ay hindi na iyon big deal sa 'kin.

"Ew, ano bang pinagsasabi mo Emi? Lahat tayo naka-matchy so tayo---" Naputol ang sasabihin ko nang biglang sumigaw si Aki.

"Foursome!" Sa lakas ng sigaw niya ay napatingin lahat ng iba pang kumakain.

Natawa kaming tatlo dahil iba ang dating ng sinabi niya.

Breakeven (The Script Trilogy 1)Where stories live. Discover now