10

24 5 0
                                    

Buong araw akong walang imik. Kahit sa eskwelahan ay hindi manlang ako nag-recite o kumausap kanila Aki. Hindi naman big deal dahil hindi 'rin naman talaga ako masalita sa school.

Pero alam kong pansin nila Aki na kakaiba iyon ngayon kaya't hinayaan nila ako pero hindi naman nila pinaramdam na parang wala lang ako. But my walls built up again, medyo naiilang na ulit ako with them being around. Even though, I can feel their sincerity in wanting me to be their friend, I still have doubts on them. Well, they can't blame me.

Umupo ako at bumaba sa kama dahil hindi ako makatulog. Siguro ay magtitimpla nalang muna ako ng gatas. Habang pababa ako ng hagdan ay biglang tumunog ang cellphone ko, it's a reminder.

'REMINDER:
October 7, 11:00 P.M
"Happy 17th Year" is coming!'

Napangiti ako. Mabuti pa ang cellphone ko, naalala ang kaarawan ko, 'cause even me, I almost forgot about it. Ang alam ko lang kasi ngayon ay masama ang loob ko at malungkot ako. Ang naalala ko lang ay ang pananakit nila sa damdamin ko.

Nagpa-init na ako ng tubig at naglagay na ng powdered milk sa mug. Habang naghihintay na kumulo ang tubig ay may narinig akong yapak ng paa na pababa.

"Ang wifi... ito sa kuryente... yung sa--- asan yung resibo ng tubig?" Narinig ko ang mukhang gulong-gulo na tinig ni Mama.

Suot niya ang kaniyang reading glass at nakakunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa mga hawak niyang papel na sa tingin ko ay resibo. She looks really stressed and frustrated.

Pinanood ko ang pagpasok niya sa kusina nang hindi ako napapansin. Tinanggal niya ang salamin niya at inilapag sa gilid ng lababo sabay inihilamos ang mga palad sa mukha at ng ibinaba na niya ang kamay ay dumapo kaagad ang kaniyang paningin sa'kin.

"Oh, gising ka pa pala?" Gulat na sabi niya.

Hindi ko siya sinagot at tumalikod nalang para itimpla na ang gatas ko. Saktong kumulo naman na ang tubig.

Bumuntong hininga siya, "Ares, pansin ko ang pag-iwas mo sa'kin nung mga nakaraang araw pa. Hinayaan lang kita dahil akala ko ay busy ka lang pero mukhang may galit ka talaga sa'kin. Ano ba 'yon anak?" I can hear tiredness in her voice.

Kalmado akong humarap sa kaniya, nananatili ang blankong mukha. I'm still mad at her but I think I can't be rude, she's still my mother.

"Dahil ba sa tingin mo hindi ko na kayo iniintindi? Dahil palagi akong wala?" Tanong niya at lumapit sa'kin, "Anak, tell me. Nasasaktan ako tuwing ganiyan ka."

I looked away to stop my tears from falling. Alam kong galit ako kay Mama pero hindi ko 'rin kayang makitang nagkaka-ganito siya. Iba ang aura niya ngayon, it looks like she's hiding a big rock behind her.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay, "Antares, pasensiya ka na kung ganoon ang pakiramdam niyo. Hindi ko kayo pinapabayaan. Ang hiling ko lang sana intindihin niyo muna ako, matatapos din 'to, anak, kahit anong mangyari ay patawarin niyo ako, ha?" She held my cheeks with teary eyes, "pero kahit ganoon, pwede ka pa 'rin magsabi sa 'kin. Gagawa ako ng oras para makinig sa inyo. Higit sa lahat ng taong makikilala mo, sa 'kin ka laging makakatakbo."

Gusto kong sabihin kay Mama lahat ng hinanakit ko sa kaniya, lahat ng hindi ko maipaliwanag na nararammdaman ko ngayon pero alam kong may malaki pa siyang problema, nababasa ko 'yon sa mga mata niya, at ayokong dagdagan ito sa ngayon. I swallowed the lump on my throat together with my pride and anger against her. I just can't get mad at my Mama for so long.

Nang bitiwan niya ako ay ngumiti lang siya sa'kin at bumalik na sa taas. Doon bumagsak ang mga luha ko, nanghina rin ang aking mga tuhod kaya napa-upo ako. Sumandal ako sa pader at doon umiyak ng umiyak.

Breakeven (The Script Trilogy 1)Where stories live. Discover now