EPISODE 17: OUTING

79 4 0
                                    

EPISODE 17: OUTING

Nang makapasok na si Sean sa banyo ay naupo na si Ice sa kama nito.

Walang kibuan sa kanila ni Nigel. Ilang minute naman ang lumipas ay tumayo si Nigel para kumuha ng tubig nang yumakap sa kanya si Ice mula sa likod.

“Nigel, I miss you, I really do. Please come back to me” umiiyak na si Ice at ramdam ito ni Nigel. Nakaramdam siya ng kirot ng marinig at maramdaman muli ang yakap ni Ice.
Hinarap ni Nigel si Ice, ngumiti naman si Ice sa kanya. Biglang nagbago ang expresyong ng mukha ni Ice nang tanggalin ni Nigel ang pagkakayap nito.

“Sorry Ice we’re done.” At bumalik na si Nigel sa kanyang kama.

Naiwan naman na nakatayo at tulala si Ice. Hindi naman niya masisisi si Nigel kung bakit naging ganito ang trato dahil siya mismo ang nakipaghiwalay dito. Pinahid na lang ni Ice ang luhang tumulo sa kanyang mga mata. BUmalik na siya sa kama ni Sean at wala na silang kibuan ni Nigel hanggang sa lumabas na si Sean.

“Bakit parang ang tahimik niyo naman, di niyo man lang kinilala ang isa’t isa” lingid sa kaalaman ni Sean na dati na silang magkasintahan na may masamang nakaraan.

Tumabi na si Sean kay Ice at wala pa din itong kibo.

“Kindly turn off the light, I wanna sleep” pagsusungit ni Nigel.

“I think I’m not welcome here” bulong na sabi ni Ice kay Sean.

“Don’t worry ganyan lang yan talaga si Nigel. MONSTER” pabirong sabi ni Sean. Natawa naman si Ice sa ginawang expresyon ni Sean.

“Pwede kung ayaw niyong matulog, magpatulog kayo.” Yamot na sabi ni Nigel. Nagtawanan na lang si Ice at Sean. Tawanan na hindi mo maririnig.

Pauwi na sina Ethan at Ivan, nakasakay sila sa sasakyan ni Ivan. Habang nakaupo sa passenger seat ay nakasandal ang ulo ni Ethan sa bintana ng mapansin niya ang isang lalaki na nakahandusay sa kalsada.

“Wait Ivan, ipara mo sa tabi” pagpipigil ni Ethan.

“Why?”

“I saw something”.

Pagkahintong pagkahinto ng sasakyan ay agad bumaba si Ethan at tumungo sa lalaki. Laking gulat niya ng makitang si Alexis ang nakahandusay.

“Ivan come here”

“What’s – Alexis?” gulat din si Ivan sa Nakita.

“Let’s help him” sabi ni Ethan.

Dali-dali nilang itinakbo si Alexis sa ospital. Alalang-alala si Ethan kay Alexis.

Hindi mapakali si Ethan habang nasa emergency room si Alexis.

“Hey Ethan he will be fine you need to sit down” sabi ni Sean na dumating with Nigel and Ice. Tinawagan agad sila ni Ethan kanina nang makarating sa ospital.

“Hopefully he will be fine” pigil luhang sabi ni Ethan.

“Come here” – Sean, then he hugged Ethan.

Kitang kita naman sa mata ni Ivan na nagseselos siya sa pag-aalala ni Ethan kay Alexis. He wants to confront him but mas pinili na lang niyang manahimik.

After an hour ay lumabas na ang doctor and tell them that Alexis is now fine.

“Thanks God” yan na lang ang lumabas sa bibig ni Ethan.

A week passed at laging dumadalaw si Ethan kay Alexis, madalas niya itong inaasikaso samantalang napapabayaan niya na si Ivan.

“Ivan, I need to go. Kailangan ako ni Alexis today because he will discharge today” masayang sabi ni Ethan while wearing his pants and shirt. Tumayo sa kama si Ivan at yumakap kay Ethan.

W8TING 4 UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon