SIXTEEN

2 1 0
                                    


Tuesday>7:00 am

Mabilis na nagayos si laine para sa pagpasok. Papasok na sana sya ng biglang tumunog yung doorbell nya. Kaya pinagbuksan nya ito. Nagulat sya na si ella pala yun may dalang maleta.

"Sorry, laine, I don't know where I'm going. Ikaw lang naisip ko na mahihingan ng tulong."

"Pasok ano bang nangyari sayo."

"Last night kasi dahil late akong nakauwi kaya nagalit parents ko. I can't endure this. Everyday, every night they are always mad at me. Sometimes I think that I'm an adopted child. Kaya, can I ask a favor? Can I live here for a while? Don't worry, aalis din naman ako dito ehh kapag ok na ang lahat."

"Sure, saka wag kang mag-alala, you've always been welcome here. Kahit nga wag ka nang umalis, ehh. Saka mag-isa lang ako dito."

"Bakit nasan ba parents mo?"

"Nasa probinsya. Actually, I decided to study here in Manila. Para, you know the new environment."

Mahaba pa ang pinagusapan nila, kaya lang napansin nila na malalate na sila sa school.

Nasa school na sila ng biglang sumugod sa kanila si zalora. Na mukhang may magandang balita.

"Ohhh, you look so fresh. Bakit anong meron."

"Gosh, I can't believe this. How can I say this?" Maarting sambit ni zalora.

"Alam mo ang arte mo bakit ba?"

"Kasi, you know Gael, right?"

"Yung nakilala natin sa bar?"

"Yahhhhh"

"Oh, tapos?"

"He's courting me."

"Huh, sure, ka?"

"Yes, tsaka mag-transfer na sya dito."

"Ohhh, really?"

"Hay naku laine basta sasagutin ko na sya."

"Sagot agad, ehhh, hindi pa nga kayo ganung magkakilala."

Pumasok na lang sila ng room. Nag discuss-discuss lang yung instructor at umalis na din.

"Guys anong plan natin?" Anya laine

"Mag mall tayo"

Pumunta sila sa mall. Matagal na kasi silang hindi nakakapagmall. Saka bibili din sila ng mga damit sa boutique.

Marami silang pinamiling damit. Nang makaramdam na sila ng gutom ay agad na silang nagdesisyon para kumain. Nagulat si zalora na may nakita syang lalake. Si gael pala yun kumakain din mag-isa.

"Hey Gael. Bakit mag-isa ka lang dito." Anya Zalora

"Ahhh, wala may binili lang akong sweater sa h and m." Anya Gael

"Are you going to eat?"

"Oo, eh?" Maarteng sambit ni zalora.

"Tamang-tama kakain pa lang ako. Sige upo na lang kayo dyan. Libre ko."

Dumating na yung order nila at napuno ng katahimikan ang lamesa. Habang si zalora ay patuloy pa rin ang pang-aakit kay gael. She looks like a gay man while seducing Gael.

Napawi ang katahimikan ng biglang nag salita si zalora.

"Anyway, gael, kailan ka ba magt-transfer sa sakequil?"

"Ahhhhh, maybe tomorrow."

Natuwa naman si zalora at pinipigilan ang kilig. Napansin ni gael na may bago sa grupo nila si ella. Kaya ipinakilala nya ang sarili kay ella.

"Hi, I'm Gael, and you are?"

"I'm ella." Nahihiyang nakipagkaway si ella kay gael.

Napuno tuloy ng katahimikan ng magpakilala si Gael. Marami pa silang pinagusapan. Nang napagdesisyunan na nilang umuwi.

Hinatid ni zalora sina kyle, laine, and ella. Nang makarating na sila ng condo ay mabilis na rin na umakyat sila laine and ella sa condo. Pumasok na sila ng elevator. Tumunog ang elevator. Tanda na nakarating na sila ng floor nila. Pumasok na sila sa condo nila at nagbihis.

"Hey ella. Marami pa akong hindi alam sayo. Kwento ka naman tungkol sayo. What is your parent's job?"

"Ahhhhmmmm, both of my parents have a business. May sarili silang business. They are always at work at madalas na hindi nakakauwi. Minsan kasi pumupunta pa silang abroad para I meet yung mga co-board nila."

"Ahhhh"

"Ikaw ba anong trabaho ng parents mo?"

"Wala na silang work. Nag retired na kasi si mommy sa pagtuturo. Si daddy naman retired na din sa seaman. Mga kapatid ko na lang ang nagpapaaral sakin."

"Ahhhh, akala ko nagiisang anak ka lang."

Binigyan na lang sya ni laine ng ngiti at pumasok sa cr para mag bathtub. Nagbabad sya ng 15 minutes at naligo na pagkatapos. Pagkalabas nya ng cr ay napansin nyang nakatulog na pala si ella sa couch. Kaya binigyan nya na lang ito ng kumot at dumretsyo sa kwarto nya.

Hindi sya inaantok Kaya nag bukas na lang sya ng Facebook at sinimulan ang pagsscroll. Napansin pa nya na may asawa na pala yung auntie nya at kakakasal pa lang. Nasa kalagitnaan na sya ng pagsscroll ng biglang tumawag yung couz nya.

"Couz, how are you?"

"Ok lang naman dito couz. How's life there?"

"Hay naku, very stressful. May thesis na kasi kami."

"Owwwwwww kamusta na si tita. Ay oo nga pala nakita ko si auntie sa Facebook. Aba kinasal na huh."

"Ahhh, oo, couz sa tagal ng panahon."

Marami pa silang pinagusapan ng couz nya. Natigil lang yun kasi nalowbat na yung phone nya kaya nagpaalam na rin sya sa couz nya at agad na pinatay yung CP.

Pumunta na lang sya sa fridge at kumuha ng tubig. Napansin nyang hindi pa rin nagigising si ella at humihilik pa sa pagtulog. Kaya mukhang masarap yung tulog ni ella. Pagkatapos nun ay bumalik na lang sya sa kwarto nya at sinimulan ang pagbuo ng antok. Mabilis naman syang inantok at nagising na lang sya dahil sa malakas na ulan at kulog. Nakalimutan pala nyang isara ang balcony ng condo nya.

Biglang nag text si zalora na suspended daw ang klase dahil sa bagyo. Kaya mabilis nyang binuksan ang Facebook nya para tingnan ang news. Napag-alaman nya na kararating lang ang bagyo. Kaya lumabas sya ng kwarto at nakita nyang gising na si ella.

"Alam mo na ba yung news?" Anya ella.

"Yahhh. Nag text na din sakin si zalora."

"O my gosh, look."

Pinakita ni ella kay laine na sa manila tatama ang bagyo. Kaya pala sobrang lakas talaga ng ulan at hangin ngayon. Nanonood na lang sila ng TV at nilipat sa news channel.

Napag-alaman nila na signal number 3 ang manila. As possible, na maging super typhoon. Napabuntong hininga na lang sila. Iniisip na sana maging maayos na ang lahat.

Tiningnan ni laine kung marami pang grocery. Buti na lang at mayroon pa. Kaya nagluto na lang sya ng instant noodles at kumain silang dalawa.

Mga 5 days silang panay kain at tulog lang ang ginawa. Bawal naman lumabas sa lakas ng hangin sa loob. Hindi din makapunta si zalora at kyle sa condo nya dahil sa baha sa labas.

Nuod, tulog, kain, and kwentuhan. Paulit-ulit nilang ginagawa. Dahil sa bagyo, mas lalong pang napalapit sila sa isat-isa, at mas lalo pang nakilala ang isat-isa. Nalaman nila ang similarities nila na parehong mahilig magbasa ng libro. Ganun din sa mga idolo na parehas nilang ini-stan.

Dumating ang araw ng pagtigil ng bagyo. At nakalabas na rin sila sa wakas. Bumalik na rin ang klase sa school.

_____________________blacklydner

Thank you so much.

THE NIGHTMARE THAT YOU CANNOT ESCAPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon