Figure it out
(Cadness' Voice)"Order lang ako saglit ng crispy chicken sandwich sa McDo." paalam ko dito bago maunang pumasok sa fastfood chain na nasa harap namin. Tumango lang naman siya at saka kinuha ang lunch bag na dala ko.
"Dito na lang ako sa labas." sagot niya at saka naglabas ng pera mula sa wallet niya.
"May ipapabili ka ba?" tanong ko dito matapos niyang iabot sa'kin ang 500 peso bill na hawak niya.
"Wala. Pambili mo ng chicken sandwich mo." sagot niya na ikinagulat ko. Bakit niya 'ko ililibre?
"'Wag mo na 'kong tignan ng ganyan. Bumili ka na do'n. Dali na. Ang bigat kaya ng laptop mo." tinulak pa niya 'ko nang marahan papasok sa entrance ng McDonalds.
"Uubusin ko 'to!" biro ko pa dito. Inirapan lang naman niya 'ko at saka ito humarap sa mga taong dumadaan sa harapan niya.
Naninibago ako. Hindi naman kasi siya ganito. Nasobrahan siguro siya ng inom ng gamot noong nagkasakit siya kaya siya naging mabait sa'kin.
Dalawang chicken sandwich na ang binili ko at saka dalawang McFloat para sa'ming dalawa.
Nang makuha ko ang order ko ay kaagad din akong lumabas upang balikan si Wave dahil paniguradong magrereklamo na naman ito sa bigat ng laptop ko. Kinuha niya kasi mula sa back pack ko ang laptop ko at saka niya ito inilipat sa back pack niya.
"Wave!" tawag ko dito dahil nakatalikod ito sa'kin. Iniangat ko pa ang mga pagkaing binili ko upang ipakita sa kanya na kaagad ko ding ibinaba nang makita ko ang isang pamilyar na babae sa harap niya.
Nandito naman pala ang first love niya. Mukhang hindi na niya 'ko kailangan.
"Hi Cadness! I'm so glad to see you both here sa mall. I was just strolling alone. Kanina pa. Okay lang ba if sumama ako sa inyong dalawa?" tanong nito sa isang masiglang tono.
Ngumiti ako dito at saka inabot ang mga pagkaing hawak ko. Nagtataka naman niya itong kinuha.
"Tamang tama. I have some errands to do. Kaka-text lang sa'kin ni manang mula sa bahay. Okay lang naman kung kayo ni Wave na lang mag-ikot? Pinapauwi na kasi 'ko." ngumiti ako ng pilit dito kahit na naiiyak na 'ko.
"Pinapauwi ka na?" naguguluhang tanong ni Wave sa'kin. Tumango lang ako dito at saka kinuha ang lunch bag ko sa kanya.
"Pasensya na. Sige, una na 'ko. Enjoy kayo!" ngumiti akong muli at saka nagmamadaling naglakad palayo sa kanila.
Pigil ko ang mga luhang nagbabadya sa mga mata ko hanggang sa makarating ako sa pinakamalapit na sakayan ng jeep.
Hindi ko na napigilan ang maiyak lalo na nang mapagtanto kong hindi ko alam kung paano ako uuwi at na kay Wave ang laptop ko. Ano ba naman klaseng katangahan 'to?
Ilang jeep na ang dumaan pero nanatili pa rin akong nakatayo dito sa gilid ng kalsada. Hindi naman kasi sa way na 'to ang daan pauwi sa'min. Kailangan kong tumawid sa kabilang kalsada dahil do'n sa gawing 'yon ang daan pauwi sa'min.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko mula sa pocket ng pang-itaas na uniform ko pero hindi ko ito pinansin. Masyado akong abala sa pag-iisip kung bakit ba nagpakatanga na naman ako sa lalaking 'yon. Kahit na pinapamukha na niya sa'king wala akong pag-asa sa kanya kahit na ano'ng gawin ko.
BINABASA MO ANG
When He Learns To Love A Girl
RomanceSi Cadness Ferrer ay isang NBSB na na-inlove sa isang beki na nagngangalang Wave Sandoval. May patutunguhan kaya ang panliligaw nya dito? o mauuwi lang lahat ng efforts nya sa wala? o baka naman----