CHAPTER 75

141 6 0
                                    

She fell first, but he fell harder


(3rd Person's Point of View)

"Ahh.... surprise?" Umakto pa si Cadness na tila sinosorpresa nga nito ang lalaking nasa harapan niya. Awkward pa itong ngumiti dito. Napakamot na lang siya sa ulo niya nang hindi magbago ang gulat na reaksyon ng mukha ni Wave. Umayos siya ng tayo at saka tumikhim upang kunin ang atensyon ng binata.




"Akala ko next year pa ang uwi mo?" Mahinang tanong ni Wave sa dalaga na halos ibulong na lamang niya sa sarili niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita niya.





“Na-miss ko na si Artemis eh-.” Hindi na naituloy ni Cadness ang sasabihin niya nang makita nito kung paano'ng ang gulat na mukha ni Wave kanina ay napalitan ng lungkot at pagkadismaya. Mas lalo siyang hindi napakali nang talikuran siya nito at magsimulang humakbang paalis sa kinatatayuan nito kanina.




“Hoy! Joke lang Wavy! Hahahaha! Malamang ikaw dahilan kaya umuwi agad ako! Tampo ka agad? Dahil sa bata? Parang hindi mo naman anak 'yon? Halika nga dito, Mahal!” Mabilis na lumakad si Cadness palapit kay Wave upang hilahin ito.




“Hindi ko naman talaga anak 'yon?” Reklamo ni Wave dito na parang batang nakikipag-away sa kalaro niya kaya hindi maiwasan ni Cadness ang pasimpleng matawa. Oo. Pasimple lang. Kasi magmula ng magising si Wave ay medyo mas naging masungit ito lalo na pagdating kay Cadness. Masungit na in a way ay naglalambing. Haha.




“Ah talaga ba Wave? Kausapin mo na lang kaya si Nia? Tapos si Tito at Tita tsaka si Ate Wendy na lang pala ang kakausapin ko. Nagbago na pala ang dahilan ng pag-uwi ko. Hindi na ikaw. Bye!” Ready na sanang mag-walk out si Cadness upang mas asarin pa si Wave pampawala ng kabang nararamdaman niya para sana sa sorpresa niya dito na hindi na surprise kasi nalaman na ni Wave ang pag-uwi niya. Kaya lang ay ang sama-sama na ng tingin nito sa kanya kaya nanatili na lang siya sa pwesto niya at nagpigil ng tawa.



“Joke lang ulit haha. Bakit ba ang serious mode mo ha? Nandito na nga ako. Hindi ka ba happy? Babalik na lang akong Cebu-.” Natigilan si Cadness nang yakapin siya ni Wave. Isiniksik pa nito ng sobra ang sarili niya sa dalaga na para bang mawawala ito kung hindi mahigpit ang pagkakayakap niya dito. Hindi mapigilan ni Cadness ang maluha dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman niya.



3 months lang siyang nawala, pero pakiramdam niya ay tatlong taon niyang hindi nakita ang lalaking nasa harapan niya. Hirap na hirap pa siyang mag-decide noon kung tutuloy ba siya dahil ayaw niyang malayo dito at sa anak-anakan nila na si Artemis. Apat na taon na ang batang iyon. Siya muna ang nag-aalaga sa anak ng pinsan niyang si Ashly dahil busy ito sa pag-aaral niya. Halos siya na nga ang tumayong nanay at si Wave naman ang tatay dahil dalawang taon palang ito ay sila na ang nag-aalaga dito. Hindi pa kasi ipinapaalam ng pinsan niya sa ama ng bata ang tungkol dito kaya pasa-pasahan sila sa pag-aalaga. Ang dahilan? Hindi nila alam. (A/N: Cameo lang ng characters sa Love Me Right story ko hahahaha XD)



Nagpunta si Cadness sa Cebu upang tulungan ang Mommy niya sa pagmamanage ng expansion ng restaurant nito. Kinuha na niya ang opportunity na 'yon upang mapalapit sa Daddy niya dahil do'n ito naka-base ngayon dahil sa community center naman na itinayo nito. Kaya lang ay hindi pa rin sila nakapag-usap dahil sa sobrang busy ng kanyang ama. Tanging hi at hello lang ang nasasambit nila sa isa't isa sa tuwing dinadalhan niya ito ng pagkain. Maliban do'n ay wala na. Pero masaya na siya do'n. Alam naman niyang magkakaroon din sila ng oras upang pag-usapan ang hindi nila pagkakaunawaang dalawa. Parang sa kanila lang ni Wave. It takes time, ika nga.

----*

"Wavy! Good Morning!” kumaway-kaway pa si Cadness dito nang pumasok si Wave sa may pool area kaya naman nagtawanan ang buong barkada maging ang mga magulang ng binata.

When He Learns To Love A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon