CHAPTER 23

130 6 0
                                    

First Meeting

(Cadness' Voice)

"Why ka ba sad Cadness? Ayaw mo ba nung mga binili nating make-up?" Pumangalumbaba din si Adriel sa tabi ko matapos niyang ilapag sa table ang tray na puno ng pagkaing inorder nila ni Aki.



"Hayaan mo na muna bakla! Stressed lang 'yan." sagot ni Sab dito at saka ito kumuha ng fries.



Mas lalo akong napasimangot nang titigan nila 'ko nang sabay-sabay.



"Ahh. Alam ko na. Kulang 'to sa vitamin W!" sigaw ni Adriel na para bang may bright idea siyang naisip. Itinaas niya pa ang isa niyang kamay at tumuro ito sa taas. Kung hindi lang siguro ako nai-stress ngayon ay natawa na 'ko sa ginawa niya.



"Do vitamin W even exist?" maarteng tanong ni Aki dito. Tinapunan niya pa nang weird na tingin si Adriel.



"Yes kaya! Puro kasi kayo vitamin A, B, C. Kasali din naman sa alphabet ang W 'no!" depensa ni Adriel sa sinabi niya. Umirap pa ito sa hangin na ikinatawa ni Sab.



"I only know na W is also an element sa Periodic Table aside from the fact that it is an alphabet." Kumunot pa ang noo ni Aki nang sabihin niya 'yon. Mukhang napapaisip talaga siya sa sinabi ni Adriel.




"Eh di ikaw na magaling sa Chemistry."



"Ano ba kasi ang ibig sabihin ng Vitamin W?" pagsabat muli ni Sab sa usapan nila bago pa man magkainitan ang dalawa.



Oo nga pala, kaya kami magkakasamang apat ay dahil sa company rin namin sila nag-oOJT. Business din kasi ang course nila pero magkaiba nga lang kami ng major. Marketing Management kami ni Sab, samantalang silang dalawa naman ay Human Resource Management.




"Eh di vitamin Wave!" proud na sagot ni Adriel.



Hindi ko naman napigilang matawa nang batuhin siya ni Sab ng fries sa mukha at nang makatanggap siya ng batok kay Aki.



"Oh 'di ba? Napatawa ko na si Cadness! Mission success!" Kinindatan ako ni Adriel at saka nito isinubo 'yung fries na ibinato sa kanya ni Sab.




"Kadiri ka bakla! Madumi na 'yan, kinain mo pa!" Tinignan pa siya ni Sab nang hindi makapaniwala.



"Shut up bakla! Wala pa namang 5 minutes! 'Wag kang maarte! Kaya hindi ka susunduin ni Harvey eh!"




"How did you know? Binasa mo 'yung message niya kanina 'no? Ang sabi mo makikipicture ka lang?" Kinwelyuhan pa ni Sab si Adriel. Para kaming nanonood ni Aki nang live na away sa dalawang 'to. Kanina pa silang lunch time ganyan.



"Bakla naman! Hindi ko kasalanan na habang nag-isnapchat ako ay nag-notif 'yung message ng jowa mo! Hindi ko binuksan. Nakita ko lang!" Sinibukang hilahin ni Adriel ang damit niya mula kay Sab pero bigo ito.



"Did we come here to watch you fight? Aren't we going to eat?" maarteng pahayag ni Aki na tila ba sawa nang panoorin ang pagbabangayan ng dalawa. Sabay naman silang bumitaw at lumayo sa isa't isa. Tsk. Nakakahiya. Ang dami pa namang customer dito sa McDo ngayon.



Hindi pa man kami nakakapagsimulang kumain ay bigla na lang tumili si Adriel na nakakuha hindi lamang ng atensyon namin, kungdi maging ng mga taong kanina pa kami nililingon dahil sa kaingayan ng mga kasama ko.




"Ano ba 'yon? Para kang tanga dyan!" sigaw ni Sab kay Adriel na ngiting ngiti habang nakatingin sa labas ng fast food chain. Mukhang may natatanaw siyang paparating. Sino naman kaya 'yon? Baka crush niya.






"Sina Trei?" kunot noong pahayag ni Sab nang matanaw niya din ang tinitignan ni Adriel.




Maya-maya pa ay natanaw na namin ang mga ito na papasok sa kinakainan naming fastfood chain. Si Trei at Chase kasama ang isang magandang babae. Mukhang kasing age lang din namin siya.



Girlfriend ba siya ni Trei? Kasi nag-uusap silang dalawa at nagtatawanan. Mukhang close sila.




"Hi Ate Wendy!" Tumayo si Adriel at Aki mula sa kinauupuan nila at saka lumapit do'n sa babaeng kasama nila Trei para yakapin ito.





Magkakakilala ba sila?




"Hi!" bati nito sa'min nang makalapit siya sa table namin. Napatayo tuloy ako nang wala sa oras upang magbigay-galang din sana kaya lang ay tumama naman ang tuhod ko sa table na naging dahilan ng tawanan nila.





Nakakahiya. Kahit kailan ka talaga Cadness.





"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito sa'kin. Hinawakan niya pa ang likod ko to check my knee.



"Okay lang po. Hehe. Hi po pala!" nahihiyang bati ko dito. Sinamaan ko naman ng tingin sila Chase na mahinang tumatawa sa may gilid.



"Hi ulit! You sure, you're okay huh?" paninigurado nito. Tumango lang naman ako kahit na alam kong magpapasa ito mamaya. Nakapalda pa naman ako ngayon dahil sa uniform namin for OJT.



"I'm Wendy, by the way. I'm Wave's elder sister. Are you perhaps, in the same circle of friends too?"



Natulala naman ako sa sinabi niya. Kapatid siya ni Wave? May kapatid si Wave? O em gee! Nakakahiya! First meeting namin tapos I bumped my knee pa sa table makalapit lang sa kanya.




"Are you okay? Sabi mo okay ka lang? Sumasakit ba?" Yumuko siya upang tignan ang tuhod ko na kaagad ko namang inilayo kaya lang ay natumba naman 'yung inuupuan ko kanina. Hay. Nakakahiya talaga.



Kaagad naman na lumapit si Aki sa'kin at saka itinayo ang upuan.



"Cadness girl! Okay ka lang ba talaga?" rumehistro ang pag-aalala sa mukha ni Sab nang mapansing hindi ako mapakali.




"Cadness? You're Cadness? As in 'yung ka-video call ni Wave nung Valentine's night?" hindi makapaniwalang tanong ng ate ni Wave. Nanatili naman akong nakatingin lang sa kanya. Still shocked with what I just discovered.




"You're voice was so good! As in! I was there kasi sa study room namin nung nag-call ka! I was so kilig nung kinantahan mo siya! Tsaka 'yung notes na sinulat mo for him nung nagkasakit siya? That was so effort talaga!" inalog-alog niya pa 'ko at saka ako ikinulong sa isang mahigpit na yakap.



"G*g*! Tignan mo si Cadness! Sobrang nagulat yata, hindi na makapag-react!" komento ni Chase na muli na namang nakapagpatawa sa mga kaibigan namin.




"Ano'ng meron?"



Noon lang ako nabalik sa katinuan nang dumating si Wave out of nowhere.



"She's the girl, 'di ba? Your suitor?" His sister exclaimed, almost whispering the last words she said which made my heart beat abnormally.

When He Learns To Love A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon