CHAPTER 14

115 5 0
                                    

Tanga ka kasi

(Cadness' Voice)

"Bakit wala si Aki?" tanong ko kayna Adriel nang makapasok kami sa restobar na pinuntahan namin dati.

"Akala ko si Wave ang crush mo? Bakit si Aki ang hinahanap mo? Ikaw ha!" tinusok-tusok pa ni Acre ang tagiliran ko.

"May pinuntahan daw na birthday party si Wave kaya hindi ko na siya hinanap." napapakamot sa ulo na sagot ko.

"Iba na ang updated. Haha." tumatawang pahayag ni Ran.

"Baka potential jowa 'yan. Yiiieeee! OMG!" asar pa ni Hunter.

"Paano magiging potential jowa eh nasa future jowa o baka jowa niya na mamaya, si Wave." nakairap na pahayag ni Chase.

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Na kayna Athena siya?

"'Wag ka nga Chase! Hindi ba pwedeng pumunta lang siya dahil birthday ni Athena? Sila agad? Si Aki nga nando'n din eh." pagsalungat ni Ran sa sinabi ng kaibigan.

Birthday pala ni Athena. Hay. Bakit ba nararamdaman ko na naman 'to? Nakakainis lang. Hindi ko 'to dapat nararamdaman dahil hindi naman kami. Pero hindi ko talaga maiwasang masaktan. Crush ko lang naman siya, 'di ba?

"Eh sino bang niloloko ko? Sino bang manliligaw sa crush niya lang? Gusto ko na yata si Wave." naisubsob ko na lang ang mukha ko nang ma-realize ko ang bagay na 'yon.

"OMG! Nililigawan mo si Wave?"

"Nagpaligaw si Wave?"

Napaangat ako ng ulo nang magtilian ang mga kasama ko. Nakatingin sila sa'kin nang hindi makapaniwala.

Ano'ng meron?

"Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kanila.

"Kakasabi mo lang. Nililigawan mo si Wave!" sagot ni Adriel sa tanong ko. Hinampas niya pa 'ko sa braso ko.

"Sinabi ko 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ko. Sabay-sabay naman silang tumango kaya napasabunot ako sa buhok ko.

Nakaka-frustrate naman 'to!

"So, totoo nga?" curious na tanong ni Chase. At dahil narinig naman na nila ay tumango na lang ako.

"OMG!"

"OMG talaga!"

"Bakit siya pumayag? Alam naman niyang may gusto siyang iba?" nagtatakang tanong ni Hunter sa sarili niya. Maging ako ay itinatanong ko din 'yan sa sarili ko.

"Baka nagmomove on na siya kay Athena kasi ang tagal ba naman niyang naghintay do'n. Kahit ako mapapagod." sagot sa kanya ni Acre.

"May nagmomove-on bang heart pa din ang contact name? Tapos palagi pang nakangiti kapag nababasa messages nung isa kahit na hindi naman directly sa kanya nag-message kungdi sa GC nila? Isa pa, isang text o tawag lang ni Athena go agad siya. Tsaka 'di ba, nag-effort pa siya sa regalong ibibigay niya ngayon kay Athena?" paliwanag ni Chase sa seryosong tono.

"Bakit ba ang nega mo? Malay mo naman may chance si Cadness!" kontra ni Adriel sa kanya.

"I'm just stating facts and the obvious things here. Don't get me wrong, Cadness. Ayoko lang na magkaroon ka ng false hope. Kasi believe me or not, sobrang in love si Wave kay Athena. He even cried nung nag-away sila last time kasi binlock siya nito. Friend ka na din namin kaya ayokong umasa ka sa wala." nakangiting pahayag ni Chase at saka ako inakbayan. Tama naman siya.

When He Learns To Love A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon