CHAPTER 19

122 6 0
                                    

Alam na nila

(Cadness' Voice)

"Cadness! O em gee! Ang cute ninyong tatlo! Matchy matchy kayo ng cap! Barney and friends 'yan?" bungad sa'min ni Acre nang makapasok kami sa locker room na kinaroroonan nila upang ibigay ang mga binili naming energy drink at ilang pagkain na ibinake ko para sa kanila.



"Akala namin hindi kayo manonood." biro ni Chase habang kinukuha mula sa'kin ang malaking plastic bag na hawak ko.



"Pwede ba naman 'yon?" sabat ni Adriel na hinahalungkat na ngayon ang mga dala namin.



"Ichicheer mo si Wave?" makahulugang tanong ni Ran.



"Kayong lahat." nakangiting sagot ko dito. Nakakunot noo namang lumingon sa'kin si Wave na kanina ay busy sa paglalagay ng knee pad sa magkabilang tuhod niya. Kaagad din akong umiwas ng tingin dahil baka makalimutan kong kinakalimutan ko na nga pala siya.


"Hi Aki!" bati ko dito nang dumaan siya sa may gilid ko. Alanganin itong ngumiti sa'kin. Kaya naman nagtawanan sila Hunter.



"Kilig si Aki! O em gee!" komento ni Adriel nang mapansin ang paghinto nito sa paglalakad.



"Shut up!" irap nito kay Adriel at saka pumasok sa pinakaloob ng locker room. Nahiya na yata siya ng tuluyan. Tsk.



"Cheer mo si Aki mamaya, Cadness. Promise, laughtrip 'yon! Hahaha." pang-uuto sa'kin ni Acre na tuwang tuwa sa naisip niya.



"Ganda mo friend ha? Pati pala sa tropahan nila may nagkaka-crush sa'yo! Iba na ang Ferrer!" asar sa'kin ni Sab na nasa gilid ko lang.




"Maganda naman talaga si Cadness. Hindi lang siya pala-ayos. Ang ganda kaya ng complexion ng skin niya. Kutis artista." nakangiting pahayag ni Ran na hindi ko inaasahang sasang-ayunan ng lahat maliban kay Wave na busy na ulit sa pag-aayos ng sarili niya. So, balewala din. Hay. Ano ba 'tong iniisip ko. At bakit ko ba siya iniisip.









----*

"O em gee! Aki! O em gee! Naririnig mo ba 'ko? O em gee, Aki!" tili ni Adriel sa mismong tenga ni Aki matapos kong iabot ang panyo ko dito dahil naiwan niya sa locker room ang kanya. Ipinahiram ko rin dito ang mini fan na dala ko. Hindi ko naman talaga gagawin 'yon kung hindi ako kinaladkad ni Sab pababa.




Ayaw pa nga niyang tanggapin noong una dahil nahihiya siya pero nag-insist ako dahil may heat exhaustion daw siya sabi ni Trei. Kaya masama ang sobrang pawis dito.




"T*ng*n*m* Adriel. Shut up!" sigaw niya kay Adriel na nakapagpangiti sa'kin. Ang cute niya magmura ng tagalog. Hahaha.



"O em gee! Tignan mo si Cadness! Nakangiti siya sa'yo! T*ng *n*m* din Aki mag-thank you ka sa'kin!" sigaw muli ni Adriel sa kanya.



Kakatapos lang ng game at panalo ang team nila kaya masyado ring na-exhaust si Aki sa game. Mula kasi first set ay nakasalang na siya sa game kagaya nila Wave at Chase na sinasabi nilang ace daw ng volleyball team ng school namin na hindi ko naman ikinakaila dahil sa galing nilang mag-spike lalo na ang mang-block ng bola.



"Ang ingay ninyo!" inis na sigaw ni Wave na nakapagpatahimik sa'min saglit. Nakahalukipkip ito habang nagpapahinga sa bench nilang mga players.






"Maingay talaga dito friend. Punta kang library, tahimik do'n. Oh, joke lang! KJ ka na naman!" depensa ni Acre nang samaan siya ng tingin ni Wave.




"Shut up ka na nga Acre. Pagod lang 'yan kaya ganyan." pangaral ni Chase sa kaibigan niya na palaging hyper. Nilapitan pa nito si Wave at saka inabutan ng Vitamilk.




"Eh di always din siyang pagod." bulong ni Acre sa sarili niya na narinig ko naman kaya natawa 'ko.




"Sira ka Acre. Marinig ka nyan. Ang sakit pa naman niyan magsalita." biro ko dito na medyo halfmeant at saka ko ito hinatak palayo kayna Wave.



"Sobra. Pero he doesn't really mean naman what he's saying. Madalas, defense mechanism niya lang 'yon to make people realize things. But believe me, mabait 'yan si Wave. Masungit lang. Kaya nga crush mo eh. 'Di ba?" siniko niya pa 'ko pagkasabi niya no'n. Nanatili naman akong walang kibo. Iniisip ang sinabi niya.


Defense mechanism niya nga lang ba ang lahat ng sinabi niya? Pero para saan? Tsk. Bakit ko pa ba iniisip ang bagay na 'yon?



"Hindi na. Kakalimutan ko na lang na gusto ko siya." nakangiting sagot ko dito. Naramdaman ko ang pagtitig niya sa'kin kaya tinignan ko din siya. Natawa ako nang makitang malungkot siya.




"Why naman? Hindi mo na ba siya kayang hintayin?"


"Kaya ko namang maghintay. Nakapaghintay nga 'ko ng 2 years bago ako nag-confess sa kanya. Kaya lang.... may iba kasi siyang gusto. Malabo talagang magka-feelings din siya sa'kin. Haha." sinubukan kong tumawa pero lumabas din na pilit ito. Tsk.




"Ano 'yan ha? Bakit hindi ako kasali sa chismisan? Ano'ng feelings 'yan?" Literal na sumingit sa gitna namin si Adriel. Kumapit pa ito sa braso namin ni Acre.


"Okay lang bang sabihin sa chismosang 'to?" pagingi ni Acre ng permiso sa'kin. Tumango naman ako dito at saka ngumiti.


"Wala namang paki si Wave haha." natatawang sagot ko dito.


"Hoy hindi! May paki naman 'yon sa'yo! 'Wag ka nga! Pasmado lang talaga ang bibig ng isang 'yon. Pero may care 'yon sa mga taong nakapaligid sa kanya." pagtatanggol ni Adriel sa kaibigan niya. Bakit ba nila 'ko binibigyan ng false hope tungkol dito? At bakit ko ba binibigyan ng kahulugan abg sinasabi nila?




"Limited lang ang paki niya sa inyo. Walang free trial sa ibang tao." biro ko sa mga ito na totoo naman para sa'kin.



Sabay nila 'kong hinampas sa magkabila kong braso na siyang ikinagulat ko though hindi naman malakas ang pagkakahampas nila.


"Ano ka ba Cadness! If hindi ka important sa kanya, hindi niyan isesave ang number mo sa phone niya. Iboblock ka din niyan sa messenger if stranger ka lang sa kanya." pigil na sigaw ni Acre.


"Naka-save ang number mo sa kanya hindi ba?" pagkumpirma ni Adriel kaya naman tumango ako kahit na hindi ako sigurado. Naka-save naman siguro kasi nagrereply siya sa messages ko before. So hindi siguro ako unknown number or sadyang nakabisa niya lang ang unahan ng number ko?



"Sa messenger, hindi ka naman naka-block sa kanya hindi ba?" tanong muli ni Adriel. Tumango lang ulit ako bilang sagot. The last time I checked my messenger, hindi pa naman ako naka-block sa kanya. Baka mamaya. Joke. Haha.


"Ibig sabihin-."




Hindi na naituloy pa ni Acre ang sasabihin niya nang sumulpot si Sab at hilahin ako palayo sa kanila.



"'Wag ninyo nang paasahin ang bestfriend ko! Naku! Nanggigigil ako dyan sa kaibigan ninyo. Very wrong na pinaligawan ko siya kay Cadness!" inis na sigaw nito na nakapagpabigla hindi lang sa dalawang kausap ko kanina kungdi pati na rin sa'kin.




"Nililigawan mo si Wave?" malakas na tanong nila kaya naman naglingunan sa'min ang buong team nila. Shet. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Bakit kasi ang daldal ni Sab. Hindi ko nga 'yon sinasabi sa kanila.


"Hindi ba nila alam?" awkward na bulong ni Sab sa'kin.


"Ang ingay mo kasi!" inis na sagot ko dito.



"Nililigawan mo si Wave?" tanong ni Chase hindi kalayuan sa'min. Sa halip na sagutin ko siya ay hinanap ng mata ko si Wave na nakaupo lang sa tapat ni Chase. Nakatingin lang din ito sa'kin kagaya ng mga kaibigan niya. Kaya lang ay hindi ko mabasa ang ekspresyon niya.


Ano nang gagawin ko?

When He Learns To Love A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon