Continuation lang po ito ng chapter 2. Bitin sabi nyo dba? HAHAHAHA. Thank you readers :* Be a fan. Comment and vote!!! :**
------------------------------------------------------------------------------------------
AARON'S POV.
"Wait, bili lang kami ng food." Sabi nung babae. Walanjong Ken to, di man lang muna pinakilala samin yung mga kasama niya. New students to sa tingin ko. Hindi ako kilala eh. Hahahaha. By the way, I'm Aaron Cortez. Oo, famous ako sa school namin. Why? Kasi varsity ako ng basketball. Tsaka isa pa gwapo ako. At ako yata ang pinakagwapong nilalang sa school namin. Ohh, what a life. Joke. Ayan, umiiral na naman ang pagiging conceited ko. Pero totoo naman kasi. HAHAHAHAHA.
"Sure." Sabi naman ni Ken.
Maya-maya ay dumating na din yung dalawang chicks. Ang ganda nila eh :"> Pero mas maganda yung isa :) Pbb alert!!
"Ken, baka gusto mo naman kaming ipakilala dyan sa mga kaibigan mo? Baka gusto mo lang naman. " Pamela said sarcastically. She's Pamela Domingo. Tropa ko din to. Famous din at sobrang ganda. Ako, si Ken, si Pam at si Lloyd ang pinakasikat sa school namin. Si Lloyd Cruz naman, gwapo din yan. Kaso maarte at masungit. Wala talagang nagtatangkang makipag usap dyan sa lalaking yan. HAHAHAHA. Di ko din alam kung bakit.
"Ay, oo nga pala. Julia, Olivia, mga friends ko nga pala." Julia at Olivia pala mga pangalan nila.. Pero sino dyan yung Olivia? Eh yung Julia? O_________O
"Ay, buti naman naisipan mo kaming ipakilala sa kanila Ken." sarcastic kong sabi.
"Si Aaron Cortez." sabay turo sakin. "Si Paula Domingo and Lloyd Cruz."
"Hi, nice to meet you guys. I'm Julia David." Sabay ngiti. Nak ng tipaklong naman oh. Ang ganda niyaaa :""> Almost perfect nga eh. Yung mata, kilay, ilong, yung shape ng mukha pati yung lips :""> Waaah, ang bakla ko na tignan. HAHAHAHA.
"Ako naman si Olivia Javier but you can call me Via for short. Julia and I are bestfriends." sabay ngitin niya din. Feeling ko natamaan si Ken dito eh. Ang mga kislap sa mata niya. HAHAHAHA landi.
"Oh, Lloyd. Ano ka na? Nganga forever dyan?" Sabi naman ni Pam. Napaka sarcastic talaga neto.
"Che. Alangan naman magsalita ako ng may laman ang bibig diba? Hi Via, hi Julia! I'm Lloyd Cruz."
"Hello. Hmm, Ken, pwede ba kaming araw araw makishare ng seats sa inyo? Kasi you know.. New students kami at wala pa kaming masyadong kakilala. In fact, kayo pa lang." Sabi naman ni Via.
Magsasalita na dapat si Ken nang sumingit si Pam.
"Sure. You two can be a part of the barkada if you want to."
"Really? Oh my goshness. Thank you Pam!" Sabi naman ni Julia, ganda niya sobra :">
"Not a biggie. So, ano na? Magbe-bell na oh. Punta na tayo sa next class natin." sabi ulit ni Pam.
"Via, Julia, sabay sabay na tayo."
"Bye guys, see you around." Sabi ni Lloyd.
******
JULIA'S POV.
Hayy, nakauwi na din. Grabe, nakakapagod. Pero masaya naman. Ang bait nila Pamela and the company. Hahahaha. First day pa lang pero part na agad kami ng barkada nila? Ang saya ko lang :"""> Tapos ang ga-gwapo nila Aaron, Ken at Lloyd pero si Aaron talaga pinakagwapo eh. Hahahahaha. Ano ba, pbb teens ako. Joke joke. Tas ang ganda din ni Pam. Nakakatibo. No wonder maraming mga haters tong mga to. Sikat yata sila eh? Ewan ko. Feel ko lang. Sa itsura pa lang nila eh.
"Oh anak. Andyan ka na pala. Nagmeryenda ka na ba?" Si Mama. Kadarating lang neto from work for sure.
"Kakatapos lang Ma. Ikaw po?" Then I kissed her sa cheeks.
"Di pa nga eh. Kadarating ko lang. Sige anak, akyat muna ako. Pagod eh."
"Okay Ma. Love you po."
Umakyat na din ako sa room ko at nagcomputer na lang ako. Nag online ako sa facebook and twitter. Gosh, bakit ang dami kong friend requests? 58 agad agad? Eh kahapon kakaonline ko lang? Creepy. Pag tingin ko ng twitter ko eh ang dami ding nag follow sakin. From 936 followers naging 1k plus na? Creepy much. Hindi ko na lang pinansin yun. *scroll down* Ah shoot! Sinearch ko ang mga accounts nila Ken. Hindi ko inaasahang ganun yung makikita ko. Yung mga pictures nila, inuulan ng likes. See? Sabi ko na eh. Sikat tong mga to. I messaged them na iadd nila ako kasi nga hndi na sila maadd. Grabihan lang. Pagtapos nun ay sinara ko na yung computer. Nagpatugtog na lang ako sa phone ko.
"Manang! Pakigising na lang po ako pag handa na yung dinner. Tulog lang po ako saglit." Sigaw ko.
"Okay Mam Julia. Sige po."
At tuluyan na akong natulog.
-------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BE A FAN, COMMENT & VOTE.