AARON'S POV.
It's a saturday morning at eto ako ngayon, nakahilata pa din sa kama ko. Nakakatamaaaaad -_________-" Tinext ko na lang ang barkada dahil naalala ko na kailangan pa naming pumunta ng SM para bumili ng regalo para kay Tita Kryzel. Ang mama ni Julia, soon to be Mama ko na din. Hahahaha joke lang syempre.
To: many
Guys, ano ready na kayo? Otw na ako sa mga bahay nyo. Gamitin ko na lang kotse ko. Bye.
Pagkatapos ko silang itext ay dumiretso na ako sa CR at naligo, nagbihis na din ako tapos bumaba na.
"Oh, anak. Bat nakaporma ka ang aga aga?" bungad sakin ni Mama pagkaupo ko sa upuan ko.
"Ma, may pupuntahan akong party eh."
"Party? tapos umaga slash tanghali?"
"Eh ma kasi. Hindi talaga as in party yun. Yung bagong friend ko kasi inimbitahan kami ng Mommy nya na pumunta sa bahay nila kasi gusto daw kaming makilala nila Ken."
"Eh di ayun yung sabihin mo. Party party ka na naman dyan." sabay taas ng kilay.
"Ma naman eh. Bakit ang taray mo ba sakin?"
"Wala lang. hehehhe. Sige 'nak, kain ka na."
"Bipolar nga talaga ang nanay ko." sabay bulong ko at tinapos yung kinakain ko.
"Ma, alis na ako. May dadaanan pa ko eh."
"Osigesige. Wag nang bumalik."
"Ang sama ng ugali Ma? Haahahaha. Bye."
"Ingat ka ah."
PAMELA'S POV.
*bzzzzt* *bzzzzzt*
"Sino ba naman kasi tong epal na to at text nang text kahit natutulog pa ako?" sabi ko sa sarili ko habang kinakapa yung phone ko nang nakasarado yung isang mata.
From Aaron:
Guys, ano ready na kayo? Otw na ako sa mga bahay nyo. Gamitin ko na lang kotse ko. Bye.