Guys, sorry sa sobrang late na update. Busy po sa school eh :) ;)
---------------------------------------------------------------------------------
AARON'S POV.
Nandito kami ngayon sa bahay nila Julia at kasalukuyan akong kinakausap ni Tita Kryzel.
Bakit? Ewan ko. Nandito kami sa garden nila habang yung barkada ay nasa loob.
"Aaron, may gusto ka ba sa anak ko?" diretsong tanong sakin ni Tita.
"Hmm, sa ngayon po kasi Tita, meron na po. Yung crush crush lang naman po."
"Oh. Good to know. Hijo, can I have a favor?"
"Ano po yun Tita?"
"Please take good care of my daughter. She's very special. Siya na lang yung kasama ko sa buhay ko ngayon. At ayaw kong mawala siya sakin. So please take good care of her for me?"
"Opo Tita. Sige po, sige po."
"Thank you Aaron. Alam ko naman na ikaw yung kayang mag-alaga sa anak ko. I trust you, so much. Kahit na ngayon pa lang tayo nagkita, I can feel it. I know my daughter too well. May gusto din yun sayo. Hindi naman sa nirereto ko siya sayo, pero kilalang kilala ko na si Julia."
"Sure Tita. I will take good care of Julia. I promise you. Hindi ko po siya hahayang masaktan. Oh wait, let me rephrase that. Di po pala ako magpa-promise but I'll try my very very best."
"Hahaha. Sige hijo. You know what? I like you for my daughter."
"Ngek? Bakit naman po Tita?"
"Kasi, ngayon pa lang oh. Yung mga sinabi mo sakin kanina, para ka na niyang boyfriend."
"Hahaha. Di naman po. Friend ko po kasi siya sakin kaya mahalaga siya sakin."
"Friends nga lang ba? Haha. Sige hijo, pasok na tayo. Baka hinahanap ka na nila."
"Sige po."
Pumasok na kami ni Tita Kryzel sa loob and as usual, kumakain pa din sila.
Tinitignan ko lang si Julia habang kumakain, ang ganda niya.
Pero wala akong balak na ligawan siya.... sa NGAYON.
Darating din tayo dyan guys, don't worry.
Bakit hindi pa ngayon? Kasi duh. Halos one month pa lang kaming magkakakila-kilala tapos ligaw agad?