So what's up guys? Mag comment naman kasi kayo or mag vote. Baka kasi panget tong story ko kaya di ko na lang itutuloy. Baka nako-corny-han kayo or what. Comment kayo please? :(( =))))))))))))
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KEN'S POV.
Ang bilis ng araw.. Kami na agad ni Via eh. JOKE!! HAHAHAHAHA!! So, ako nga pala si Ken Reyes. Simple lang pero gwapo. Nux naman. Pero totoo, gwapo ako. Chicboy kumbaga. Pero never pa akong nagkagirlfriend. As in wala. Wanna know why? Kasi ganito yun....
FLASHBACK.
Nerd ako dati sa school namin. 2nd year high school pa lang ako nung nakilala ko si Nicole. Simple lang siya, maganda, matalino. Parang nasa kanya na nga lahat eh. Sikat din siya sa school namin kasi nga maganda at syempre matalino. Lagi siyang lumalaban sa mga contests and nananalo siya lagi. One time nung nakita ko siyang naglalakad mag isa eh sinubukan kong mag approach sa kanya.
"Hi Nicole, I'm Ken." I offered her my hand.
"Hello Ken." Nakipagshake hands naman siya sakin.
"Gusto ko lang sanang makipag kaibigan sayo. Pwede ba?"
"Oo naman---"
Magsasalita pa sana siya nang may humatak sa kanyang lalaki.
"Miss, are you free tonight? Can you come with me?" sabi nung lalaki
"Hmm, sorry kaso may gagawin pa ako." Sabi naman ni Nicole
"Sige na, ngayon lang naman eh." hinawakan niya nang mahigpit si Nicole sa braso.
"Ano ba, bitiwan mo nga ako! Nasasaktan ako eh! Bitiwan mo ko ano ba!!" sumisigaw na si Nicole sa kanya.
"Pare, bitiwan mo siya. Nasasaktan na yung babae. Di ka ba nakakaintindi?" Sabi ko naman.
"Manahimik ka nga dyan nerd." sabay sapak sakin sa mukha.
Walangyang lalaking to. Sinapak pa ako. Kaya ayun, ginantihan ko siya. Sinapak ko siya sa mukha nang paulit ulit. Nabubwiset ako eh. Nakakaganti naman siya pero buti na lang at nakakailag ako sa mga suntok niya.
"Ken, tama na!! Hayaan mo na siya. Tigilan nyo na yan." sabi ni Nicole sakin.