TSJL 2

25 2 0
                                    

ARA'S POV

MOONWALK CHRISTIAN ACADEMY QUADRANGLE 0555 PM

Jusme! Wala pa din ako sa bahay, patay ako nito kay mama eh. Bakit naman kasi pinatawag pa ko sa club namin!? Tapos papagawin lang pala nila sa akin yung report na kailangan na agad bukas! URGH -__- kung di lang talaga ako scholar di ko na 'to ginawa!

"Oh Ara? Bakit nandito ka pa? Anong oras na ah?" nilingon ko naman agad yung tumawag sa akin si Ivo pala.

"Oo eh, pinatapos pa kasi sa akin yung report para sa club namin, kailangan na bukas eh. Ikaw? Bakit nandito ka pa?"

"Nag-meeting kasi yung team ko para sa game next week. Tara hatid na kita, mahirap na madilim na sa labas."

"Ay! Wag na nakakahiya naman sayo, tsaka kaya ko naman sarili ko. Sige mauuna na ako ha? Ingat na lang Ivo." then ngumiti na ako at naglakad na palabas ng campus.

Mabait naman yun si Ivo, kaso may pagkapilyo at masungit nga lang minsan, parang bipolar ganun? Pero sabi nila may reason daw kung bakit ganun yun, at hindi ko alam yun, wala na akong balak alamin pa.

Mababatukan talaga ako nito ni mama pag late na ako makauwi eh, magsasaing pa ko, tapos magluluto ng ulam, tapos aayusin ko pa yung mga gamit ko para bukas, tsaka magrereview pa pala ko. Hayst, wala na akong pahinga.

IVO'S POV

BORING CLASS 1100 AM

Nabibilib talaga ako dun kay Ara, imagine ginagawa na niya lahat wag lang mawala yung scholarship niya sa kanya kahit na hirap na hirap na siya, kaya natutuwa ako sa kanya eh, para siyang si Ate Gelai, ang sipag mag-aral napaka-down to earth pa.

Ako nga pala si Primitivo Dela Reyes, pero Ivo na lang masyado kasing makaluma yung pangalan ko eh, ewan ko ba kila Mommy kung bakit ganun pinangalan sa akin, ang pogi pogi ko naman -.- 3rd year student din pala ako sa MCA, sabi nila kasama daw kami ni Ate sa mga "rich kids" dun tch! Pero hindi kami ganun pinalaki, masyado kasi silang mga hambog dun -__-

"Oy Ivo! Mamaya ha? Sa gym" tawag ni Jet sa akin.

"Sige punta ko."

Nakaupo lang ako dito, nakikinig ng sa Ipod ko. Ang boring naman kasi, start pa lang ng klase wala na namang teacher -__- napatingin ako kay Ara, ayun gumagawa na naman ng report di na ata nawalan ng ginagawa yan eh. tsk! 

Mga 10 minutes na din nakakalipas natatawa ako sa kanya, napipikit-pikit na yung mata niya tapos bumabagsak na yung ulo niya pati yung glasses niya babagsak na pero pinipigilan niya hahaha. Kaya nagpatuloy lang ako sa pakikinig dito sa Ipod ko.

I am in misery

There ain't nobo---

Napatakbo ako agad kay Ara, kasi napalingon ko ayun pabagsak na talaga yung ulo niya sa desk niya, buti nasalo ko. Ayun tulog na tulog na pala siya, kaya sinandal ko na lang yung ulo niya ng maayos sa desk niya. Tsk! di na talaga naawa 'tong mga kaklase ko siya na lahat pinapagawa -_-

Saglit lang nakatulog si Ara kasi dumating na din next teacher namin kaya ayun obvious na bitin na bitin siya, mukha nga nga siyang panda eh ang laki na ng eyebags.

Palabas na ko ng room nung may makita akong notebook dun sa desk ko, ano naman kaya yun? Pagbuklat ko nakita ko nakapangalan kay Ara, sa kanya siguro 'to. Nilagay ko na lang dun sa bag ko tsaka umalis na ako agad.

MCA GYM 0400 PM

"Grabe si Barbara no? Napaka uto-uto masyado, alam niyo bang siya gumawa nung project namin ALONE." sabi ni Joshua habang nagdidribble.

"Oo nga eh, buti scholar yun para nauutus-utusan din." sagot naman ni Jude.

Kanina pa sila nag-uusap tungkol kay Ara, nakakarindi na nga eh. Sa mga naririnig ko parang ang tanga-tanga ni Ara, ilang beses na din pala siyang inutus-utusan ng mga 'to mas naaawa tuloy ako sa kanya.

"Oy pre, wag naman ganyan, di kaya sumusobra na kayo niyan kay Ara?" nakakainis na kasi eh.

"Hindi, tsaka subukan niyang magreklamo scholar na nga lang siya dito aangal pa ba siya?" sabi ni Alex.

"Ang kapal naman ng mukha niya, para umagal pa." sabat pa ni James.

Sumusobra na talaga sila naiinis na ko, hindi naman ganun katanga si Ara diba? Natatakot lang siyang mawala yung scholarship niya sa kanya, mga gahaman talaga 'tong mga 'to. Puro asa na lang, binitawan ko na lang yung bola tsaka ko kinuha yung gamit ko, ayaw ko muna makasama yung mga ganitong klase ng tao, nakakainit ng ulo -___-

"Oy Ivo!"

"Ivo! Anong problema?"

Rinig kong sigaw nila habang palabas ako ng gym, hindi ko na sila nilingon. Nakakabadtrip sila puta! Parang hindi ko sila mga kaibigan, sobrang sama nila kay Ara! >.

Ganun na ba katanga yun si Ara? Di ba obvious na ginagamit lang siya ng mga kaibigan ko para hindi sila gumawa ng project? Si Ara naghihirap sa lahat tapos sila hayahay lang?? Di naman ata patas yun! Kung pwede lang na pag-aralin ko si Ara dun ng libre ginawa ko na, para di siya ginaganun nung mga mayayaman na yun!

Walang ano dyan ha! Naaawa lang ako kasi naghihirap siya para sa grades ng mga 'to na wala namang ginawa kundi magpakasaya at mag-gala -___-" nasasayang lang yung effort niya.

DELA REYES RESIDENCE 0700 PM

"ANO BA RAFAEL! WAG MO NGA AKONG TALIKURAN KINAKAUSAP PA KITA!"

Nagsisigawan na naman sila Mommy at Daddy, minsan na nga lang siya umuwi ng Pinas ganyan pa sila ni Mommy, nakakarindi na. Kahit nasa 3rd floor pa yung kwarto ko rinig na rinig ko sila, nakakasawa na everytime uuwi si Daddy palagi silang nag-aaway -___-"

Nagbibihis na ko nung malaglag sa bag ko yung isang notebook, naalala ko ito pala yung notebook ni Ara. Ano naman kaya 'to? Mukhang hindi naman notebook sa school, ibabalik ko na lang bukas.

Pagkatapos ko magbihis bumaba ako agad, dun muna ako sa clubhouse atleast dun tahimik kesa dito puro sigawan -___-

"Ivo, where do you think you're going?" tawag sa akin ni Mommy ng mapansin nilang palabas ako.

"Clubhouse, magppractice lang." then I lived them, ayun sigawan na naman.

Nakakasawa na, palaging ganun sa bahay natatahimik lang pag wala si Dad, sana hindi na lang siya umuwi.

The Scholar's Journey to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon