TSJL 17

4 0 0
                                    

ARA'S POV

Akala ko hindi na siya dadating, pero dumating siya. Hindi ko alam kung magagalit ako o matutuwa pero nawala yung kaba ko nung makita ko siya kanina.

Hindi pa din ako makapaniwala na nanalo akong Ms. Eco Modelo, akalain mo na yung tulad kong gusgusin mananalo sa pageant? Haha what I mean is hindi naman ako palaayos pero nanalo pa ko. Miracle!

Inaayos nila Sophie yung gamit namin, sabay-sabay kaming uuwi pero sabi nila may victory party daw dapat -___-" jusko! Gastos dumidikit kana naman.

"Congrats Ara! Ang ganda nung sagot mo kanina ija." sabi ni Ms. Lucas teacher namin sa History tapos niyakap niya ko.

"Thank you Ma'am." and I smiled.

Jusko! Ang hirap palang manalo sa mga ganung event no? Picture dito, picture doon. Ngiti dito, ngiti dyan. Thank you dito, thank you doon. Maski nga make-up ko hindi muna tinanggal eh baka may magpa-picture daw. Tss. Nangangawit na ko kakangiti.

"In my house guys, let's go!" sigaw ni Erina, I told you masyado silang ready kahit pala hindi ako manalo may niready na silang party -.-

"Mag-ccr lang muna ako, susunod ako sa parking lot, sabay tayo Zam ha?" sabi ko tsaka dumiretso sa cr, may dala kasing kotse si Zam kaya sa kanya na ko sasabay.

"Urgh! That stupid sh*t! She doesn't deserve to be Ms. Eco Modelo, she so ugly! Arrrh!"

"Shut up you fucking bitch! She deserves it, kumpara naman sayo. Walang-wala ka sa kanya you're good in nothing. Stupid!"

Narinig ko yun nung mapadaan ako sa utility room, nasaktan ako. Hindi ko ba talaga deserve yung award? Am I not good? Naiiyak na ko pero pinipigilan ko. Bigla namang may babaeng tumakbo palabas habang umiiyak, teka? Si Anikka yun diba? Siya yung representative ng kabilang section. Binunggo niya pa ko tsaka inirapan.

"Whow.. The Ms. Eco Modelo is here."

S-s-si...

O_____O

"Speechless huh?!"

S-si Xiana whaaaaaa!

Tumakbo ako agad palapit sa kanya tsaka ko siya inayakap ng mahigpit. Namiss ko 'tong impakta na 'to. Kaibigan ko siya, dito siya nag-aaral dati kaso nag-migrate sila sa US dahil sa trabaho ng Daddy niya.

"Congratulations Ms. Eco Modelo, you did well Barbie." she said between our hug. Aww.

Hinampas ko siya agad sa braso. "Baliw ka! Ang sama mo talaga kay Anikka. Grabe ka Xi!" nakailag naman siya tapos binatukan niya ko. Letchugas!

"Tss.. Totoo naman eh she is good in nothing. Palibhas puro landi ang alam." then she hugged me again. "I miss you Barbie."

Siya lang kayang tawagin ako ng ganyan, palibhasa kayang-kaya niya ko eh. Ang hilig kaya niyang mambatok at manipa, kababaeng tao, kilos adik. Tss -__-"

Sabay na kaming pumunta sa parking lot, parang ewan sila dun nagseselfie, tapos ano yun? Groupie? Err -__-"

"Whaaaaa! Xi!" sigaw ng mga kaibigan ko tsaka nila niyakap si Xi.

"Letche kang impaktita ka hindi ka man lang nagsabing uuwi ka!" sabi ni Alley sabay palo sa braso ni Xi.

"What the heck!" tapos binatukan niya si Alley. "Surprise nga diba? Tsk!"

"Whaaaaaa! Xi, tara selfie tayo!" sigaw ni James tsaka niya tinapat yung phone niya sa harap nila ni Xi.

Nakakabakla siya err -___-"

Nandito na din pala yung boys--- and andyan din pala siya. Tss the hell I care.

"Yey! Congrats Ate Ara, you did very well, kaso Arvee didn't won." and he pouted. Cute.

"Sus! Ok lang yun, atleast ikaw hindi NANG-IWAN sa pageant." I emphasized the word, nang-iwan bakit totoo namam diba?

Nagkatinginan lang silang lahat sa sinabi ko, ewan ko din kung bakit lumabas yung  sa bibig ko. Wala na ata akong control.

"O-ok. So tara na guys!" sabi ni Lotlot nagpuntahan naman agad sila sa mga sasakyan nila.

Oo may mga sasakyan sila kahit na 3rd year highschool palang kami, well magtataka pa ba kayo? Mayayaman eh, pero di sila yung nagdadrive sympre. Papunta na ko sa kotse ni Zam nung may humawak sa braso ko.

"You'll go with me." pagtingin ko siya pala. Anong trip niya? Hindi ko siya sinagot iniwas ko lang yung braso ko sa kanya.

"Zam, she'll go with me. Mauna kana." dagdag niya pa. Tumingin lang ako kay Zam tsaka ko siya tinaasan ng kilay.

No! Ayokong sumabay sa taong 'to! Nakakairita siya! Mang-iiwan sa ere.

Nag-smile lang si Zam tsaka tumakbo at agad pinaharurot yung kotse niya, sumunod naman silang lahat. And what now? Kami na lang ng letcheng lalaki na 'to ang nasa parking.

"Eli, let's go."

Hindi ko siya pinansin naglakad na lang ako, mag-kocommunte na lang ako. As if hindi ko kayang mag-commute diba?

Narinig ko lang siyang humingang malalim ts---

"HOOOOOOOY! PUTCHA! IBABA MO KO DITO IVO!!!" buhatin ba naman niya akong parang sako ng bigas. Urgh!

Inupo niya ako dun sa shotgun seat ng kotse niya tsaka siya tumakbo papunta dun sa driver's seat. Gusto ko ng lumabas dito, pero hindi ako makalabas. Bwiset!

Pinaandar niya yung kotse, pero tahimik lang kami. Ano siya!? As if kausapin ko siya ang galing niyang mang-iwan, ano papahiyain niya ko ganun!??

Huminto yung kotse niya pagtingin ko nasa isang street kami ng village nila Erina, kaso medyo malayo pa 'to. Lalabas na sana ako pero hindi ko mabuksan, naka-lock. Fvck!

"Aalis na ko, ano ba!" sabi ko sa kanya diretso lang yung tingin niya habang nakahawak yung kamay sa manibela.

"Look Eli, I didn't want that to happen. Ayaw ko namang iwan ka dun eh, kaso anong magagawa ko? Traffic at sobrang layo pa namin sa school. Sorry, alam ko galit ka but please?"

Umiwas lang ako ng tingin, ewan ko nakakairita pa din talaga. Alam niyo yun? May point siya, its a valid reason pero ayaw tanggapin ng utak ko, sobrang kitid ba? Oo nga siguro.

"Oo na, oo na palabasin mo na ko dito." I said without looking at him.

"Ayoko ng ganto tayo, Eli." edi sana humabol ka diba?

IVO'S POV

I saw her close her eyes and took a deep breath. Alam ko hanggang ngayon galit pa din siya pero hindi ako mapapagod na iexplain sa kanya lahat.

"Sorry Eli, sorry babawi na lang ako sa ibang bagay. Please?"

Napangiti naman ako nung humarap siya sa akin. "Okay, fine." tsaka siya ngumiti. I grabbed her hands and hold it tight. Ewan ko ba, ayoko ng ganito siya sa akin yung cold.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Scholar's Journey to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon