TSJL 13

10 0 0
                                    

IVO'S POV

ROOM 324 0700 PM

Mga 5 pm nung matapos yung swimming kanina, nagkaroon ng madaming activities na magkasama yung Juniors at Freshmens. Halos lahat naman nag-eenjoy dun sa Acquintance.

Nandito kami ngayon sa room nila Eli, nag-aya din kasi yung mga kaibigan niya sa kaibigan ko na dun muna sa room nila. Kesa naman mag-isa lang ako sa room namin at kasama ng mga kaibigan ko si Eli sumama na din ako.

"Tara guys picture!" sigaw ni James. Nakakabakla 'tong hilig ni James :/

Nag-smile naman kaming lahat, after nun balik na naman sa ginagawa sila Keith, Charlotte, Seth, Erina at Zam ayun nanonood na naman ng Spongebob. Si Dom, Shan, at Alleyson, puro internet ang inatupag. Si Arvee at Yuki nagpapataasan sa Doodle Jump. Si James at Scarlette nagkakasundo sa selfie selfie na yun. Si Sophie at Jet, as always may kausap na naman sa phone.

Si Eli naman, nagbabasa ng libro. Medyo nakakatulog na nga din siya tapos yung salamin niya nalalaglag na naman.

Tumayo ako saglit tsaka ako pumunta dun sa ref nila, kumuha lang ako ng chips tsaka humiga ulit. Bumilis bigla yung tibok ng puso ko nung naglean sa akin si Eli tapos kumuha siya nung chips.

"Damot mo talaga!" sabi niya pa.

Dumapa na lang ako tsaka nagkunwaring nanonood ng Spongebob. May naramdaman kasi akong kuryente nung nagdikit yung braso namin. Wtf! Ang bading nung mga sinasabi ko!

ARA'S POV

Bwiset 'tong kapre 'to! Kung kelan kumukuha na ko ng chips tsaka siya dumapa. Damot talaga 'to eh! -__-"

*ringgggg*

Naglingunan naman sila sa akin.

TITA SHAREE CALLING...

"Labas muna ako guys ha?" paalam ko tsaka ako lumabas ng room namin.

Tita Sharee!

[Hello Eli, I heard you're in a resort daw sabi nila Ate.]

Opo Tita! May Acquintance Party kasi tapos sa resort yung napiling venue. Teka, kamusta na kayo?

[We're doing good. Gusto sana namin ng Tito Luigi mo na umuwi dyan kaso busy yung schedule namin.]

Aww. Sayang nam---

"B--ooow! Sorry miss, sorry." nabunggo ko kasi yung isang babae habang naglalakad sa may pool area.

Nag-nod lang siya tsaka nag-smile after nun umalis na siya, she looks like she's crying gusto ko sanang icomfort kaso naalala ko kausap ko pala si Tita Shareen.

[Eli, are you okay? Still there?]

Yes Tita, may nabunggo lang ako. So, may plan na kayo ni Tito?

[Sinisingit na namin sa schedule. I hope na makauwi kami, para makita na din kita. Miss na miss ko na din yun pam--- miss na miss na din kita.]

Ako din, miss na miss na din kita. I love you.

[Sige na, I have to go may pasok pa ko. I'll call you again. I love you too Eli. Bye!]

Medyo nagtataka ako kay Tita Shareen these days. She's acting weird. Tulad kanina, ano ba yung sasabihin niya? Pam---- ay ewan! Haha

Honestly, we're not related. Close friend daw nila mama yun si Tita Shareen hanggang sa magmigrate sila sa US, mayaman daw kasi yun sila. Pero buti hanggang ngayon, magkaibigan pa din sila.

Ay teka! Nasaan na kaya yung babaeng nabunggo ko? Kawawa naman umiiyak n nga binunggo ko pa. Ang clumsy ko talaga!

Pagbalik ko sa room ayun mga magugulo pa din, nothing change. Nagsama-sama yung mga magugulo at isip-bata sa isang room, nahiga lang ako tapos nagdecide silang mag-movie marathon. Grabe! Pinilit nilang magkasya kaming 16 sa kama, medyo malaki naman yung kama parang pinasadya.

Katabi ko si Ivo (left) tsaka si Zam (right). Mukhang kaming patabaing baboy sa istura namin. Nanonood habang kain ng kain. Haha.

"Kasunod mo lang yan oh." bulong ni Zam sabay nguso kay Ivo.

"Saan galing?" lumabas din pala siya, di ko siya napansin.

"Ewan, mukhang badtrip nga eh." see? Ang bipolar talaga ng kapreng 'to!

Nag-nod na lang ako tsaka nanuod.

ZAM'S POV

Hayy! Finally natapos din yung movie pangatlo na namin yun. Pagbukas ni Dom nung ilaw, halos lahat tulog na, kami na lang nila Seth, Alley, Dom, Jet yung gising.

Nakakatawa yung itsura nila. Shemay! Si Arvee nakapatong na yung paa sa mukha ni Keith, tapos yung kamay ni Erina at Lotlot nakayakap kay Sophie, yung paa naman ni Letlet nakapatong kay James. Basta ang gulo nilang tign---

O_____O

"Bwooooow!" sabay-sabay naming sabi nila Dom.

S-s-si Ivo nakayakap k-kay Ara, tapos si Ara nasa may chest na ni Ivo yung kamay niya din nakayakap kay Ivo. Whaaaaaa! /o\ nagsheshare pa sila sa blanket. Goshyyyy!

Honestly, matagal ko na din naman napapansin na may something si Ivo kay Ara, ayaw niya lang umamin. Freshmen palang kami medyo nahahalata ko na medyo torpe lang 'tong si Ivo or should I say tuma-timing pa? Ayy ewan!

Kanina pa lang sa pool area, ang sweet na nila. Hindi siguro pinapanasin yun ni Ara, eh kalahating shunga at manhid yan eh. Hindi naman kasi siya mapagbigay malisya. Pero puta! Kung nandun lang kayo baka mamatay kayo sa inggit :3

"Anong gagawin natin ngayon niyan?" tanong ni Dom.

"Kaya nga, papagalitan tayo niyan." sagot naman ni Alley.

Kung iiwan kasi nila Dom sila Ivo dito mapapagalitan kami, ayos lang naman na magkasama yung girls at boys sa room pero ang rule dapat hindi matutulog. Bisita lang. Haysss

"Eh tulog mantika 'yang mga yan eh. Hindi yan sila gigising." sabi ni Seth. Mukha nga sa itsura pa lang nila eh.

"Dito na lang din kami matutulog, sarado naman yung room namin eh. Hindi naman siguro nila malalaman." sabi ni Jet. Nag-nod na lang kaming lahat tsaka nagsiksikan sa kama.

Wag lang sana kaming mahuli. Pleaseeee (^/\^)

The Scholar's Journey to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon